Monday.
Umaga palang ay handa na akong i-enjoy ang araw ko. Nag-aya kasi si Jace na magbonding daw kami sa bahay nila. Siyempre, ako naman itong patay na patay kay Maven, oo agad! Hehe. Kaso nga lang, ‘yung mukha ni Maven nung niyayaya ako ng pinsan niya... hindi ko maintindihan. Parang naiinis na naman. Aba, ang bilis mag-iba ng pakikitungo niya sa akin. Parang noong minsan lang ang bait niya. Psh.
“Tao po,” sabi ko habang kumakatok sa gate. Pagbukas nito, hulaan niyo sino. Alam na! Haha. Grabe, ang gandang panimula ng araw kahit ang mukha niya ay nakabusangot. Di bale na, pangingitiin ko siya ngayon, “Good morning po, Maven!”
Inirapan lang niya ako at tinalikuran. Meh, ngingiti rin ‘yan!
“Jace! Andito na date mo!” sigaw niya habang nakakunot ang noo at nakatingin sa pintuan ng kwarto ni Jace sa may second floor. Date daw? Grabe naman. Ano kayang pumasok sa utak niya at naisip niya ‘yun?
“Maven, friends lang po kami ni Jace. Hehe,” pagpapaliwanag ko pero mukhang wala naman siyang pakialam, “Saka dito lang naman po kami sa bahay nila.”
Siyempre, si Maven, ang dakilang isnabero, ay hindi na naman umimik. What do you expect? Hindi bale na, ayos lang naman sa akin. Sanay na ako, pero makikita niya, hindi matatapos ang araw na ito nang hindi ko siya mapapatawa. Ito na ang tamang panahon para umariba ang aming love team. Aja, Team KaliVen!
Matapos ang limang minuto, lumabas na si Jace. Ba, ayos ah. Mukhang bagong ligo.
“Oy, Kalila, tara chess tayo.”
“Tara!”
Kinuha ni Jace ‘yung chessboard niya tapos lumabas kami sa may terrace para doon maglaro. Si Maven, naiwan lang doon sa sala. Nagsasound trip ata.
Halos 30 minutos palang ang nakararaan pero kalahati na ng chess pieces ko ay wala na. Huhu. Walang awa naman itong Jimmyboy na ito, hindi man ikinonsider na beginner lang ako pagdating sa larong ito. Kita mo nga chess pieces niya, apat palang ata ang nabawas! Unfair.
“Oh, nakabusangot ka? Haha. Di mo ako matalo, kahit magpatulong ka pa kay Maven,” pagmamayabang niya. Hmp.
Sasagot sana ako pero biglang lumabas si Maven, kumuha ng upuan at saka tumabi sa akin. OMG. Nakakakilig! My gahd. Si Maven, tatabihan ako? Iba na ‘yan! Hihi.
“Talaga lang?” mayabang rin niyang sagot kay Jace.
Lumipas ulit ang 30 minutes, hulaan niyo na kung anong nangyari...
“Checkmate!!” masaya kong sabi. Haaay. Salamat kay Maven my love. Nakakainlove siya lalo. “Apir!”
Nakataas ang kamay ko ngayon. Hindi kasi nakipag-apir si Maven sa akin. Aww. Pahiya akong kaunti. Hehe. Sabi ko nga, hindi makikipag-apir. Tsk. Feelingera masyado, Kalila.
Unti-unti kong ibinaba ang kamay ko dahil sa pagkapahiya, napayuko rin ako.
“Tss,” kinuha niya ang wrist ko at saka nakipag-apir sa akin. Napaangat tuloy ulo ko at napansin kong nakangiti siya. Tumalon na naman sa tuwa ang puso ko. O di ba, napangiti ko siya. Hehe.
Tuesday.
Dahil natalo si Jace kahapon sa chess, napagkasunduang ililibre niya kami ngayon ng tusok-tusok. Hehe. Ay, oo nga pala, nandito naman kami ngayon sa bahay ni Lola. Sabi ko kasi hindi maganda kung araw-araw nalang akong aalis kaya sila naman ang pumunta dito.
Hindi pa oras ng meryenda kaya naman nakatambay lang kami dito sa loob. May dalang mga movies si Jace kaya movie marathon kami dito sa kwarto. Katatapos lang ng isang pelikula kaya lumabas ako saglit para uminom ng tubig. Pagbalik ko, nadatnan ko ang madilim na kwarto. Isinara nila ang kurtina, pinatay rin ang ilaw. Grabe, ano na namang palabas kaya ang isinaksak nila?

BINABASA MO ANG
Loving Superman (ON HOLD)
Teen Fiction(HUWAG MUNANG BASAHIN. PANGIT ANG PAGKAKASULAT AT NARRATE, I-E-EDIT KO PA. SALAMAT.) Ang tagal na panahon ko siyang pinag-iilusyunan. Ngayong nagbunga ang paghihirap na dinanas ko makuha lang siya, saka pa niya ako iiwan. Habangbuhay nalang ba talag...