Chapter 25: Superman No More

305 11 4
                                    

Para akong bagong ligo ngayon dahil sa pawis, hindi dahil nandiyan si Maven kundi dahil nandiyan si Jessa. Masama ang kutob kong sisirain na naman niya ang araw ko at ang moment namin ng best friend niya.

Dahil na rin sa instinct, itinago ko sa likuran ko ang card na ginawa ko para kay Maven. Agad naman niyang napansin ang ginawa ko kaya tinaasan niya ako ng kilay. Maven, please do something.

“Ano ‘yan?” mataray na tanong ni Jessa habang ang matatalim niyang mga tingin ay lalong nagpapasikip sa dibdib ko. Napaatras ako ng ilang hakbang dahil ayoko namang basta lang niyang sirain itong pinagpaguran ko. Napalingon ako saglit kay Maven at ang mga tingin niya ay parang nagtatanong ng parehong katanungan.

“Ah, ano... wala,” sagot ko kay Jessa. Hindi ko siya kayang kalabanin ngayon, lalo na’t nasa harapan kami ni Maven. Baka ako ang magmukhang masama at ayokong mangyari ‘yun.

Sumirit lang si Jessa at nilingon si Maven, “Alis na ‘ko,” paalam niya sabay balik-tingin sa akin. Lumakad siya papunta sa direksyon ko at binangga ako sa kanang balikat ko.

“Ay, ‘yung card!” sigaw ko nang mabitiwan ko ito dahil sa malakas na pagkakabangga ni Jessa sa akin. Napaupo ako sa putikan dahil sa ginawa niya. Tumigil siya saglit para ngitian ako, binalikan ko siya ng masamang tingin pero hindi niya pinansin iyon. Dumiretso siya sa paglayo sa amin. Dali-dali namang lumapit sa akin si Maven at inialok ang kamay niya, halatang gulat rin siya sa mga ginawa ng kaibigan niya. Sa sobrang inis ko, hindi ko tinanggap ang tulong ni Maven. Tumayo ako mag-isa at nagpagpag kahit alam kong hindi na matatanggal ang putik sa palda ko.

“Kalila, sorry,” sabi ni Maven. Ito ang pangalawang beses na nainis ako sa kanya, at ito rin ang pangalawang beses nagsorry siya sa akin. Tumango lang ako kahit hindi ako sa kanya nakatiningin. Nagpumilit akong ngumiti pero hindi ko maikakailang naiiyak na ako. Tinalikuran ko si Maven at mabilis na lumakad pabalik ng Euphorbia. Hindi ko na pinulot pa ‘yung card. Wala na rin namang mangyayari doon, hindi ko na mabibigay kay Maven. Basa na. Madumi na. Wala nang kwenta.

Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko. Sorry na, mababaw eh. Ang sakit kasi ng ganun eh, pinaghirapan mo ang isang bagay tapos mapupunta lang sa wala, idagdag pa ang katotohanang napahiya ka pa sa harapan ng crush mo. Nakakainis.

Nangangalahati na ako ng daan pabalik sa building namin nang makarinig ako ng lalaking tumatawag sa pangalan ko. Boses palang, alam ko na kung sino. Hindi ko nilingon. Hindi ko alam kung bakit, kung dahil sa galit ba o sa hiya. Maya-maya pa ay nakahabol siya’t sinabayan akong maglakad. Nagpunas ako ng luha, tapos ay tinignan ko siya at pilit na nginitian ulit. Kahit hindi kami gaanong magkalapit, amoy na amoy ko na naman ‘yung pabango niya.

“Uy,” sabi niya sabay siko sa braso ko. Wala akong maisip na isasagot kaya naman sa pangatlong pagkakataon ay nagpumilit akong ngumiti. Hindi na siya nagsalita matapos nun. Hanggang makarating ako ng Euphorbia, sumabay siya sa akin sa paglakad. Nadatnan namin si Aiel at Kuya Jed na magkausap. Pagkakita nila sa amin, agad na iniabot sa akin ni Aiel ang bag ko sabay tingin sa palda.

“Nangyari sa ‘yo?!” gulat niyang tanong. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Maven, halata pa rin ang hiya sa mukha niya. Siguro dahil naalala niya ‘yung sa jeep kahapon. Sumagot lang ako ng ‘wala’ at niyaya na silang umuwi. Alam kong hindi kumbinsido si Aiel sa sagot ko kaya naman sinabihan ko siya na ikukwento ko mamaya sa text, huwag lang habang nandiyan si Maven.

Ang sama ng loob ko. Inis na inis talaga ako ngayon kay Maven. Alam kong hindi siya obligado pero hindi ba dapat kahit papaano ay ipinagtanggol niya ako sa best friend niya? Kaibigan rin naman niya ako eh, di ba? Oh, edi kung ganun, dapat hindi niya hinayaang gawin ni Jessa sa akin ‘yun. Pati ba naman siya, masyadong iniispoil ang malditang bruha, kaya hindi natututong magtino. Alam niyo ‘yun? Nakakasakit talaga ng loob eh! Pipigilan niya lang, sasabihan niya lang ng “Uy, Jessa, tigilan mo ‘yan...” Kaso ano? Hindi man niya nagawa. Maybe I was wrong to think he's my Superman.

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon