Kinabukasan.
Walang klase. Hindi ko alam bakit, basta walang klase. Umalis na naman sina Nanay, isinama ulit ni Tita sa trabaho niya, kaya ito ako ngayon, naglilinis sa bakuran. Hindi ko mapigil ang sarili ko sa pagngiti sa tuwing naaalala ko ‘yung pag-amin ni Maven noong Sabado. Sino ba namang mag-aakala na ang isang Maven Kyle Ramos ay magkakagusto sa isang Rana Kalila Mallari?
Umupo ako saglit para magpahinga, pero agad akong napatayo nang makita ko si Jessa. Napaatras ako ng ilang hakbang dahil ayokong mapalapit sa kanya, baka tuluyan na akong makalbo kung nagkataon. Ngayon lang kami ulit nagpang-abot dito sa bahay magmula nung Sabado.
“J-Jessa...”
“Ano nang nangyari?” kalmado niyang tanong. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin kaya pinagmasdan kong mabuti ang mga mata niya... may mga luha. “Kayo na ba ni Oliver?”
Hindi ko maintindihan. Ibig sabihin ba nito, nasasaktan siya? Ang gulo. Boyfriend niya si Steve pero nagawa niya akong saktan nung ball dahil lang gusto ako ni Oliver. Tapos kung anu-ano pang pinagsasabi niya.
“Jessa, ayos ka—”
“Fine! Fine, aaminin kong gusto ko pa rin si Oliver. Mahal ko pa rin siya. Kung akala niyo hindi ako nasaktan sa paghihiwalay namin, akala niyo lang ‘yun. Bakit ka ganyan, Kalila? Bakit lahat nalang ng mahahalaga sa ‘kin, inaagaw mo? Si Oliver, si Maven... magmula nang nakilala ka nila, lagi nalang ako ang masama. Bakit ka ganyan, Kalila?! Bakit...”
Ibinuhos ni Jessa ang sama ng loob niya sa pamamagitan ng pagsigaw sa akin at pag-iyak. Hindi ko namalayang namuo na rin pala ang luha sa mga mata ko. Gusto kong lapitan at i-comfort si Jessa pero natatakot ako na baka lalo lang siyang magalit.
Hinayaan ko lang siyang umiyak doon hanggang sa kumalma siya. Nang tingin ko wala na siyang lakas para saktan ako, doon ko nilakasan ang loob kong lapitan siya.
“Jessa, sorry kung ganyan iniisip mo. Pero maniwala ka, hindi ko sila inaagaw. Pwede naman sigurong... maging magkaibigan rin tayo?”
Pagkasabi ko nun, kinabahan ako sa kung anong isasagot ni Jessa. Sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi niya hahayaang maging kaibigan niya ang isang “marungis na katulong” na tulad ko. Kaso wala naman akong ibang choice eh, malay lang natin, baka sakaling um-oo siya. Baka sakaling posibleng magkaroon ng harmonious relationship sa pagitan namin.
“Ha! Ako ba niloloko mo? Ako, kakaibiganin mo? Baliw ka ba? Ako na halos pinahirapan ka buong buhay mo, tatanungin mo kung pwedeng makipagkaibigan? Naturingang matalino, bobo naman,” naluluha niyang sagot. Kahit papaano ay naoffend ako sa sinabi niya pero hindi ko nalang pinatulan, baka kasi lalo lang gumulo.
“Siguro nga ganun,” sabi ko. “Hindi ba talaga pwede? Kung gusto mo, tutulungan kitang makipagbalikan kay Oliver.”
Natigilan siya sa sinabi ko. Humarap siya sa akin, ‘yung mascara niya, kumalat na. Pinigilan kong ngumiti o tumawa para hindi siya maoffend. Ilang segundo rin ang itinagal ng titig na ‘yun, akala ko nga sasabunutan na naman niya ako.
“Psh. Ikaw? Narinig mo naman siguro ‘yung sinabi niya na gusto ka niya. Wala ka nang magagawa para magkabalikan kami kasi ikaw ang gusto niya, hindi na ako,” sagot ni Jessa. Bumuntong-hininga siya saka tumawa ng mahina. Nakakaawa tuloy siyang tignan.
“Sorry.”
“Kasalanan ko rin naman kung bakit kami naghiwalay,” sabi niya, out of the blue. Ikukwento niya sa akin? Ang weird talaga ni Jessa ngayon. Baka nabaliw na. “Nahuli niya kasi akong may katext na ibang lalaki. Ayos lang naman daw sa kanya, pero not until nalaman niyang may gusto ‘yung lalaki sa akin. Siyempre, ang sasabihin ko, friend ko lang ‘yung lalaki, which was true naman. Pero di naniwala. Kainis! Bakit ba kasi hindi naniniwala ang mga lalaki kapag sinabi natin na ganun? Pag sila naman, nagagalit at todo deny kapag tayo ang nagsuspetsa. Di ba?”
BINABASA MO ANG
Loving Superman (ON HOLD)
Teen Fiction(HUWAG MUNANG BASAHIN. PANGIT ANG PAGKAKASULAT AT NARRATE, I-E-EDIT KO PA. SALAMAT.) Ang tagal na panahon ko siyang pinag-iilusyunan. Ngayong nagbunga ang paghihirap na dinanas ko makuha lang siya, saka pa niya ako iiwan. Habangbuhay nalang ba talag...