Chapter 4: I'm Superman

558 14 6
                                    

Kinabukasan, maaga ulit akong nagising. Good vibes ang lola niyo ngayon. Paano ba naman, nagtext si Maven ko. Sabi niya, magkita daw kami mamaya sa school bago ako pumasok sa klase. Sa pagkakaalam ko, mga 8:40 AM pa ang klase niya. Ibig sabihin, papasok siya ng mas maaga para lang makipagkita. Kinikilig ako!

(Tig-50 or 55 minutes lang kasi ang ginugugol na oras kada subject sa PHS kaya huwag kayong magtaka kung alanganin ang mga oras na inilalagay ko. Halimbawang 6:50 ang unang klase mo, ang susunod nun, 7:45 na. Haha. Ewan ko sa school bakit ganun.)

Nagluto na ako ng almusal. Pagkakain, ligo, napakanta pa nga ako sa banyo ng kung anu-anong love song dahil sa tuwa eh. Waaa. Excited na ako ng sobra! Sabi kasi sa text niya, may aaminin daw siya sa akin. Omigad. Ano kaya ‘yun? Posible bang narealize niya nang importante ako sa kanya?

Mga 5:30 palang umalis na ako sa bahay. Sabi ko kasi sa Maven ko, magkita kami sa may student center sa tapat ng Euphorbia ng 6 AM para mahaba-haba pa ang oras na magkakausap kami.

Pagdating na pagdating ko sa school, excited kong ibinaba ang bag ko sa room sabay takbo papunta sa student center. At katulad ng inaasahan ko, nandoon na siya. Nakangiti sa akin. Ang tagal kong hinintay ang araw na ito, ang araw na ngingitian niya ako ng mula sa puso! Thank you, Lord.

“Good morning po, Maven.”

“Good morning, ang ganda mo ngayon,” Bigla namang nag-init ang mukha ko sa sinabi niyang ‘yun. First time kong marinig na sabihan niya ako ng maganda. Hay. How could this day get any better?

Maya-maya pa, bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Waaa. Matutunaw na ako sa kinatatayuan ko. Tingin muna sa kanan, tingin sa kaliwa, tingin sa likod. Bakit? Kasi bawal PDA dito sa school, mapapapunta kami sa guidance. Ang ironic pa, ang guidance ay sa tabi lang nitong shed. Tabing-tabi. Kaya medyo kinakabahan ako.

“Ah, ano, baka may makakita sa atin, Maven. Ayoko magkaroon ng record sa guidance,” sabi ko.

“Huwag kang mag-alala, 8 AM pa ang office hours. Wala pang tao sa guidance niyan. Saka ano ba, 6 palang. Maaga pa masyado,” Tae. Ang lambing niya magsalita. Ibang-iba sa pagsasalita niya noong isang araw.

“Ah... Sige. Uhm, ano nga pala sasabihin mo?”

“Kalila...” Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nagpapalpitate. Ganito ba talaga kapag in love? “Gusto kita.”

Waaaaaaaaaa! Pwede na akong mamatay ngayon! Ay hindi pa pala. Wala pa nga kaming love story na nabubuo, mamamatay na agad? Joke lang ‘yon. Ang ibig ko lang sabihin, pwede na akong mahimatay. Hehe. Kilig maximum.

“Maven, totoo ba ‘yan?”

“Oo, Kalila. Hindi ka ba naniniwala?”

“Hindi naman sa hindi naniniwala, pero kasi ang bilis. Nasa chapter 4 palang tayo ng istorya natin, pero gusto mo na ako agad. Ni hindi pa nga ako nakakapagsimulang manligaw sa ‘yo eh.”

“Ayaw mo ba?”

“Hindi! Hindi sa ganun! Gusto ko! Gustung-gusto ko, Maven!”

Oh my gulay. It’s just too good to be true. Umamin sa akin si Maven ko. Akala ko dati hanggang pangarap ko lang siya. Pero hindi, totoo ito. Kasama ko ngayon ang pinakagwapong nilalang sa paningin ko. At hawak niya ang kamay ko. Oh my gulay. I’m overwhelmed.

“Kalila, may aaminin pa kasi akong isa,” sabi niya ulit. Ano kaya ‘yun? Baka sasabihin niyang gusto na niyang manligaw. Naku, hindi naman na kailangan nun eh. Sasagutin ko naman siya agad. Pero kung gusto niyang patunayan na mahal niya ako, why not? Hihi. Gahd. Ang landi ko, bakit.

“Teka lang, hindi pa ako handa. Give me five seconds,” Nagbilang talaga ako ng limang segundo bago ko siya pinagsalita ulit. Baka kasi sobra akong matuwa at magkaroon ako ng cardiac arrest, tapos biglang matepok. Sayang.

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon