Chapter 29: Juniors' Ball

279 11 4
                                    

Dugdug. Kinakabahan na ako. First time ko lang kasi magkaroon ng date, ‘yung date talaga, hindi ko alam kung papaano nga ba umasal. Oo, alam ko friendly date lang namin ito ni Oliver pero ewan, may iba akong nararamdaman eh. Bukod sa naiilang ako kay Oliver, pakiramdam ko eh para bang may kakaibang mangyayari ngayong gabi. Ah basta. Sana hindi malimutan ni Maven na isasayaw niya ako. Tama kayo, tumigil na ako sa pag-iwas mula noong Pasko.

Kararating ko lang sa may Bren Z. Guiao Convention Center, dito gaganapin ang Juniors’ Ball. Malapit lang kasi ito sa school, dito rin ginanap ‘yung laro ng basketball noon kung saan nanalo sina Maven. At dahil nakakahiyang magcommute nang semi-formal dress, pinahatid ako ni Mama sa kaibigan niyang tricycle driver. Oha, at least may service ako. Hahaha.

Nakasuot ako ng white dress na may malapad na itim na sinturon sa itaas ng baywang ko, kaya mukhang empire cut ang dress na ito. Pinasuot rin ako ni Nanay ng kwintas na may teardrop-shaped diamond. ‘Yung buhok ko, for the first time ay nakacurls. Hindi ko nga alam kung saan niya nakuha ‘yung pera na ginastos niya para lang sa ayos ko ngayon eh.

Halos dalawang minuto ko na ring hinahanap si Oliver. Ang napag-usapan kasi namin ay magkikita nalang kami sa entrance ng convention, eh ang problema, ang daming tao kaya hindi ko pa rin siya makita.

Maya-maya pa ay may kumalabit sa kaliwang balikat ko. Paglingon ko, sumundot ang daliri ni Oliver sa pisngi ko kaya naman napangiti siya. Tumawa naman ako ng mahina. Inalok niya ang braso niya sa akin kaya naman agad akong umangkla roon, sabay kaming pumasok. Medyo madilim pagpasok namin kaya mas humigpit ang kapit ko sa mga braso niya.

Sa mga sandaling ito, biglang nawala lahat ng pag-aalinlangan ko sa kanya. ‘Yung tipong nawala ‘yung pagkailang ko. Nakita ko kasing sinulyapan at nginitian niya sandali si Jessa. Bumalik tuloy lahat ng naiisip ko na may gusto pa rin siya sa bruha kong amo.

Umupo kami sa may gilid, malapit sa stage. Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang programa. Tulad ng nakagawian, sinimulan ito sa pamamagitan ng pagdarasal. Sumunod ang cotillion na binubuo ng napakaraming pares. Noong sumasayaw nga sila, halos makatulog na ako. Ang haba ba naman ng kanta. Ilang minuto rin ang kinain ng cotillion, buti nalang at tapos na. Sumunod naman ‘yung pagrampa ng mga gustong sumali sa pagpipilian na King and Queen of the Night. Siyempre, automatic na nandoon si Jessa.

Maya-maya pa ay idineklara na ang King and Queen. Sino pa ba? Edi si Ms. Jessanica Young! Ano bang bago? Ay meron pala, ‘yung kapartner niya. Si Steve. Aba akalain mong may ibubuga pala ‘yun sa mga ganyan? Wala sa itsura eh. Hahaha. Ang sama ko. Pero pramis, hindi talaga gwapo. Nadala lang siguro ng confidence. First dance na nga pala nila ngayon, ibig sabihin, lahat ng tao nakatingin kina Jessa at Steve. Tinignan ko kung anong reaction ni  Oliver, wala lang. Parang hindi na talaga siya apektado.

Ilang saglit pa at nagsipuntahan na sa dance floor ang mga couples. Halos ang mga pinapatugtog nung DJ ay mga party songs eh. Di ako marunong makisayaw at indak sa ganyan kaya nanatili akong umupo.

Nang biglang nagpalit ng tema ng kanta, niyaya ako ni Oliver. “Kalila, gusto mong sumayaw?” Nakangiti na naman siya sa akin kaya hindi na ako tumanggi. Tutal, alam ko namang wala siyang gusto sa akin. Kasalukuyang ipinatutugtog ang walang kamatayang ‘King and Queen of Hearts’ ni David Pomeranz ata ‘yun.

Nasa dance floor kami ni Oliver at kasalukuyang nagmumukhang lovers dahil sa posisyon namin ngayon. Ang kaso nga lang, hindi ako nakasandal sa may dibdib niya, nakakahiya kasi eh. Sa totoo lang, hinahanap-hanap ko pa rin si Maven. Magmula kasi ng dumating ako dito hindi ko pa siya nakita. Si Aiel naman, hindi makakapunta dahil biglang nagkasakit. Kawawa nga siya eh.

Lumipas ang oras. Ilang minuto nalang at last song na. Nakasayaw ko na halos lahat ng mga kaibigan kong lalaki. Hindi ko pa rin nakikita si Maven hanggang ngayon. Kinakabahan tuloy ako na baka hindi matuloy ang pagsayaw namin.

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon