Pagkaalis ni Kuya Gab, bigla nalang akong napatili. Ang saya ko kaya! Nilapitan ko si Aiel saka siya pinagpapalo at sinabunutan. Hehe. Sorry, excited lang masyado.
“Aray! Kalila, ano ka ba! Para kang sira! Ang brutal mo! Kita mong nananahimik ako dito eh. Bakit biga ka nalang sumisigaw diyan?!” nagtatakang tanong sa akin ni Aiel.
“Nakuha ko ang number ni Maven ko!”
“Maven MO? Excuse lang. Since when did he become your property?” tanong niya habang inaayos ang nagulo niyang buhok.
“Shucks, nakakadugo ka ng ilong. Uhm... Ngayon lang. Hehe. From now on, akin na siya.”
“Ay rugo. Larit ku pu best friend. Tsk tsk!”
(Translation: Ay hala. Landi po ng best friend ko.)
Hindi ko nalang pinansin ‘yung sinabi niya. Totoo naman kasi. Hahahaha. Pero hindi naman sobra. Di ba?
Pagkalabas namin sa room, nakita ko si Kuya Jed na paakyat ng hagdan ng building nila, Gladiola Bldg. Hiwalay kasi ang mga fourth year SSC sa amin eh. Ewan ko ba bakit. Sa Gladiola, apat lang ang kwarto, dalawa sa taas at dalawa sa baba. Nasa second floor ang room ng IV-Proton at IV-Neutron, second and third sections ng fourth year SSC. Sa baba naman ‘yung first section, IV-Electron.
Mula first to third year SSC naman magkasama sa Euphorbia building (tapat lang ng Gladiola). Kaso nahiwalay ‘yung III-Nitrogen, doon sila sa Gladiola, sa room katabi ng IV-Electron. Dalawang palapag rin ang building namin, tigwalong kwarto. Lahat ng section ng 1st year SSC, sa baba. ‘Yung dulo, sa III-Oxygen, first section ng juniors. Tapos kaming second section, dito sa second floor kasama ang sophomores.
Teka nga, bakit ko nga ba dinescribe sa inyo samantalang hindi naman importante ‘yun? Napagod lang ako! Oh well, at least alam niyo na. Kung hindi niyo naiimagine, bahala kayo.
Sasabihin ko sana kay Aiel na nakikita ko si Kuya Jed, pero bago pa man ako makapagsalita, naunahan na niya ako. Ang bilis ng mata niya, in fairness!
“Kuya Jed!” sigaw niya sabay kaway. Ngumiti at kumaway naman pabalik si Kuya Jed kay Aiel. ‘Yung totoo? Hindi ba siya nahihiya? Masyadong halata na crush niya eh... Ehem! “Emegehd, ‘te! Nakita mo ‘yun?! Nakita mo ‘yun?!”
“Opo,” malamya kong sagot.
Buong oras na naglalakad kami ni best friend papuntang main gate (mga 5-minute walk), dumadaldal lang siya. Kung anu-anong sinasabi tungkol kay Kuya Jed. Gwapo daw, ang bango daw, etc. Pero hindi ako makapagfocus. Sobrang saya ko lang kasi ngayon. Pagkauwi na pagkauwi ko, itetext ko siya agad! Waaa. I’m so excited!
“Hoy! Nakikinig ka ba?”
“Ah, eh. Oo, oo gwapo si Kuya Jed. Hehe,” sabi ko nalang kahit hindi ko naman sigurado kung ano na ang idinadaldal niya. Nagsmile lang naman siya, so ibig sabihin, ‘yun nga ang kinukwento niya. Haha.
“Yel, may tatanung pala ako,” sabat ko. “Paano ba manligaw? Liligawan ko kasi si Maven.”
Napatigil siya bigla sa paglalakad at tinignan ako na parang nagsisiputukan ang mga pimple ko sa noo. Haha. Yuck. Sorry naman. Ilang segundo rin siyang nakatitig lang ng ganun, “Seryoso ka ba sa mga pinagsasasabi mo?! Masyado ka na atang desperada, Kalila! Uy, rhyme ‘yun ah. Hehe. Ayt, commercial lang. Anyway... BAKIT?!”
“Eh kasi hindi naman ako liligawan nun. Asa pa ako. Kaya naman ako nalang ang manliligaw. I will make him fall for me,” confident kong sagot.
“And what makes you think that’ll happen? Gahd, Kalila. Nababaliw ka na. Marami pang ibang lalaki diyan sa paligid! Rugo. Ninanu ka, tsk tsk.”
(Translation: ‘Naku. Napaano ka.’ – Hindi talaga siya tanong.)
“Ay ganun ba? Marami pang iba?” tanong ko, agad naman siyang tumango. “Kung sabagay, tama ka. Come to think of it, gwapo rin si Kuya Jed.”
“Hoy! Joke lang! Wala nang iba! Go na! Manligaw ka na kay Maven! Whooo! Go fight, Kalila!”
“Wow, bilis magbago ng ihip ng hangin ah,” nagtawanan kami. Huwag siyang mag-alala, hindi ko naman gagawin ‘yung ganung bagay. Hindi ko aagawin ang future boyfriend niya. Hehe. Future agad.
Paglabas namin ng school, sumakay kami sa jeep na pang-Angeles. Sa may San Isidro Village lang nakatira si Aiel, mga 15 minutes ang layo sa school at sa amin. Ang bilis nga ng biyahe ngayon, nakababa na siya.
Habang nasa biyahe pa ako, inisip ko na kung ano ang pwede kong unang message kay Maven. Hello? Hi? Ang gwapo mo? I love you? Crush kita? Waaa. A little help please?
“...Oh? Awa. Sige. Pakikomusta mu nemu para kanaku ne? Sabyan mu kaya amimiss kune,” sabi nung katabi ko sa kausap niya sa phone. He’s my savior! May sasabihin na ako kay Maven ko. Hehe.
(Translation: Oo. Sige. Pakikumusta mo nalang siya para sa akin ha? Sabihin mo sa kanya na namimiss ko na siya.)
Pagdating na pagdating ko sa bahay. Ginawa ko muna lahat ng dapat gawin. Bihis, gawa ng assignments, luto ng dinner. Tapos dali-dali akong lumabas para magpaload ng Php30, 5 days na unli na ‘yun sa TM.
Okay, heto na. 5:35 PM. My first message for my Maven.
“Hello, Maven. Kumusta naging araw mo? Kalila,” sabi ko habang tinatype ko. Gusto ko kasing marinig eh. Weird ba? Sorry naman. Ngayon lang, pagbigyan niyo na ako. Isesave ko ito! My first message for my first love. Sana magreply siya. Please please please!
Limang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin reply. Iyak na ‘ko. Dejoke. Pero bakit ayaw niya magreply? Wala ba siyang load? Sayang, kung mayaman lang ako, ipapaload ko siya. Kaso sakto lang pera ko eh. Kalkulado lahat.
Okay. Exagge na! Isang oras na ah! Hindi pa rin siya nagrereply. Kainis naman. Kahit sa text man lang sana pagbigyan niya akong makausap siya. Hindi naman niya makikita mukha ko sa text, so hindi siya maiinis. Tss. Makakain na nga lang. Ginugutom ako sa paghihintay eh.
Tinawag ko na sina Tita Milla, Nanay, at Jessa para kumain. Pagtapos nun, tumulong ako magligpit. Si Nanay ang nakatokang maghugas ng plato ngayon kaya naman ako, diretso nalang sa kwarto. Titignan ko kung nagreply na ang aking one and only Maven.
Fail. Wala pa rin talaga. Problema ng taong ‘to? Kahit man lang sana isang word lang, kahit hi or hello, or I’m fine man lang ang ireply, okay na ako eh. Ihhh. Ang hirap pala ng naghihintay. Kainis. Magreply ka na please!
Dumating ang alas-nuebe ng gabi, oras na ng pagtulog ko pero wala pa ring text mula sa kanya. Hay. Bukas sana meron na. Pahiga na ako nang biglang nagvibrate ang aking phone.
“Ay thank you, Lord. Hallelujah!” nasabi ko ng biglaan. Umabot hanggang tenga ang ngiti ko. My goodness! Si Nanay, nagtataka sa akin pero hinayaan lang ako. Opo, magkasama kami sa iisang kwarto siyempre. Katulong lang kami, di ba? Anyway... October 6. Sa ganap na 9:09 ng gabi, natanggap ko ang first message ko from my Maven.
Okay lang sana, kaso bigla kang nagtext. Kaya hindi na pala. Ayyy. Leshe naman ‘yung lalaking ‘yun! Bigla tuloy nawala ngiti sa mukha ko. Gusto kong burahin ‘yung message, pero dahil ‘yun ang first message niya. Hindi ko buburahin. Makapagreply nga.
Ah ganun ba. Sige, pahinga ka na. Good night. Sweet dreams. Nilagyan ko pa ‘yun ng kiss na emoticon. Hehe.
Dahil sa text mo, I will have a nightmare instead of a sweet dream. Pangit. Aba! Ang sama talaga! Ako na nga itong nagiging sweet sa kanya, ayaw niya pa! Bahala nga siya. Hindi ako na ako magrereply. Good night na. Hmp!
Sige, ikaw nang gwapo. Hehe. Good night na talaga. Okay fine. Hindi ko napigilang magreply. Hangga’t nagtetext siya, magrereply ako. Oo na, malandi na.
At dahil 10 PM na’t hindi na siya nagreply, matutulog na ako. For real. Pero kailangang magdasal muna.
“...Lastly, thank you po, Lord, at nagtext sa akin ang crush ko. Hehe. Good night po! Amen.”
BINABASA MO ANG
Loving Superman (ON HOLD)
Teen Fiction(HUWAG MUNANG BASAHIN. PANGIT ANG PAGKAKASULAT AT NARRATE, I-E-EDIT KO PA. SALAMAT.) Ang tagal na panahon ko siyang pinag-iilusyunan. Ngayong nagbunga ang paghihirap na dinanas ko makuha lang siya, saka pa niya ako iiwan. Habangbuhay nalang ba talag...