Chapter 18: Na-Deng Gyu

425 17 23
                                    

Tatlong linggo na ang nakalipas magmula nung huli kaming nagkasama ni Aiel. Ibig sabihin, si Oliver ang lagi kong nakakasama nitong mga nakaraang araw. Mas lalo kaming naging close. Sa tingin ko nga kahit saglit pa lang kaming magkakilala ay pwede ko nang sabihin na best friend ko siya eh.

Tungkol naman kay Maven, hindi ko pa rin alam kung bakit ganun siya umasal. Oo, umaasa ako na may gusto na rin siya sa akin, kaso hindi ko maiwasang maisip na baka naghahallucinate lang ako. Nga pala, sa tuwing nagkikita kami ni Oliver, sinisiguro kong hindi malalaman ni Maven, though hindi ko alam bakit ko ginagawa 'yun.

Sabado nga pala ngayon, magkasama kami ni Oliver sa may bakuran ng bahay. Nasabi ko kasing wala si Jessa ngayon dahil may date daw sila nung mukhang unggoy niyang manliligaw, kaya malakas ang loob ni Oliver na bumisita. Hay, kahit hindi niya ipahalata, alam kong apektado talaga siya. Nakakalungkot. Darating rin ang araw ng Jessa na 'yun.

"Ang cute nitong alaga mo," sabi niya habang hinihimas si Miming.

"Hehe. Napulot ko lang po 'yan. Dahil diyan, muntik po akong masagasaan. 'Yun rin po ang araw na nag-iba ang turing sa akin ni Maven," sagot ko. Napatigil siya bigla at tumitig sa akin. Shucks, intense. Nailang ako bigla.

"Alam mo Kalila, marami namang ibang lalaki diyan. Bakit si Maven pa? I mean, kasi... Parang wala siyang pakialam sa 'yo. Sinisigawan ka pa nga lagi, hindi ka pinapansin, pinapahiya ka sa harapan ng maraming tao."

Aww. So kailangang i-enumerate lahat ng mga masasamang bagay na ginagawa ni Maven? Ouch naman. Huhu.

"Kinalimutan ko na po ang mga 'yun. Marami naman pong magandang katangian si Maven. Eh, di ba po sa love, hindi naman 'yung mga mali ang tinitignan? Kasi po kung puro mali ang pagbabasehan, eh mas mabuti pong huwag nalang pong magmahal. Kasi lahat ng tao nagkakamali, wala pong perpekto. Ay. May sense po ba mga sinasabi ko? Hehe."

Hindi na naman siya sumagot. Matagal rin kaming tahimik lang. Awkward kaya ako nalang ulit ang nagsalita, "Ay, maalala ko po. Magkaaway po ba kayo ni Maven?"

Tinignan niya ako na para bang nagtataka, "Hindi naman. Bakit mo natanong?"

"Kasi po parang umiiwas siya sa 'yo. Naalala mo pa po ba 'yung araw na tinulungan mo po akong maglinis? Pagkakita niya po sa 'yo bigla nalang siyang umalis. Tapos ginabi pa po tayo noon, di ba? Pagkauwi ko po nadatnan ko siya sa bahay, ang sama ng tingin sa akin. Tapos sinabihan po niya ako na huwag pong magpapagabi kung ikaw po ang kasama ko," nalulungkot kong sabi. Ayaw ko rin kasi na dinidiktahan ang mga ginagawa ko eh.

Tinawanan lang ni Oliver ang mga sinabi ko. Maya-maya pa ay sumagot siya.

"Hayaan mo 'yun, bipolar lang. Ano karapatan niyang sabihin 'yun? Magkaibigan naman tayo. Eh kayo, mag-ano? Wala naman, di ba," sabi niya. Oo nga naman, wala.

Malapit nang mag-7 ng gabi nang magpaalam nang umuwi si Oliver, ayaw niya daw kasi magpang-abot pa sila ni Jessa. Kita nalang daw kami sa Monday.

Habang nagliligpit kami ni Nanay ng pinagkainan, bigla niya akong inintriga tungkol kay Oliver. Hindi daw ba boyfriend 'yun ni Jessa, ano ko daw siya, bakit daw lagi nalang siyang nandito sa bahay, bakit daw lagi akong inihahatid. Haha, parang bata lang eh. Sinabi ko naman 'yung totoo na kaibigan ko siya at wala na sila ni Jessa. Sabi naman ni Nanay, feel niya may gusto daw sa 'maganda' niyang anak si Oliver. Sauce. May pinagmanahan rin pala ako ng pagiging ilusyunada. Hahaha.

"Eh, nak, ikuwento mo naman sa akin 'yang crush mo," pakiusap ni Nanay na may halong ngiting nang-iinis. Siyempre, ano pa ba ang magagawa ko kung hindi mamula.

"Nay naman eh," reklamo ko, "Basta, gwapo 'yun. 'Yung laging kasama nina Jessa dito dati. 'Yung maputing matangkad na medyo masungit."

"'Yung Maven ba 'yun?" pang-iintriga niya, "Ay ayaw ko doon, nak."

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon