Chapter 19: That Escalated Quickly

381 14 12
                                    

Biyernes ng umaga.

“Kalila, ayos ka lang ba?” tanong sa akin ng isa kong kaklase. Mula kasi nang dumating ako sa klase kanina, tahimik lang ako. Hindi ako nagsasalita o nakikipag-usap sa kahit kanino, pwera nalang kung recitation at group works. Puyat kasi ako at medyo masakit ang ulo. Paanong hindi, eh nakatext ko si Maven kagabi! Hihi. Hatinggabi na nga ata kami natulog. Masyadong namiss ang isa’t isa? Charot. Hahaha. Feeler much lang. Ang totoo niyan, papikit-pikit na ako habang katext ko siya kagabi, pero naisip ko na baka hindi na maulit kaya pinilit ko talaga hindi siya matulugan.

“...so the x value of this will be the square root of three over two, and the y value, one-half. Class, you should remember these values because they will be very useful in college. Plus, I might include a little of this topic in your third periodical exam,” pagpapaliwanag ni Ma’am doon sa assignment na ipinagawa niya. Buti nalang at kahit papaano ay may talent ako sa pagguhit. ‘Yung assignment kasi namin ay drawing ng circle tapos may mga right triangles. May mga sine cosine pa. Ah basta, hirap i-explain. Ewan ko nga ba kung bakit may ganito kaming lesson sa Statistics samantalang Trigonometry ‘yun. Haaaaay nako. Inaantok talaga ako! Bonggacious.

Ilang subjects pa ang nagdaan at lunch break na. Agad akong bumaba para sana puntahan si Oliver sa kwarto nila kaso... Dugdug.

“M-Maven, ano pong ginagawa niyo dito? Vacant niyo rin po ba?” bati ko sa kanya. Ang weird. Bakit kaya napunta siya dito? May hinihintay kaya siya? Wait... ako kaya? Hihihi. Oh my gosh.

“Malamang,” sabi niya, sarcastically. Bigla rin naman siyang ngumiti pagkatapos. Oh my gosh. Si Maven ba ito? Ewan ko lang ah. Bakit parang iba? This attitude is so not Maven! Ay, nagiging Inglesera na rin ako. Haha. Sorry naman. Pero ‘yung totoo, anong nangyari sa kasungitan niya? Bakit ngumingiti—na nakalabas ang ngipin—na siya sa akin?

“Sabi ko nga po,” ngumiti ako pabalik, medyo awkward nga lang dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Ang sarap sanang himatayin kaso sayang ang moment. Pero come to think of it, malay natin kapag nahimatay ako, bigla niya akong buhatin papuntang infirmary tapos babantayan niya ako maghapon. Tapos habang hindi pa ako nagigising... ‘yung first kiss ko... Wahahahaha! Ang landi ko talaga! Sorry naman at biglang bumalik ang talandi side ko eh.

Pero meh, may kailangan lang siguro siyang ipasabi kay Ma’am Lopez, English teacher ko na teacher rin niya. Hindi naman kasi siya lalapit sa akin nang walang dahilan.

“Ayos lang bang magsabay tayo kumain ngayon?”

Toot. Toot. Toot. And then I saw a flat line... the next thing I know, I was standing face-to-face with an angel. Yes, I died right after he said those magical words.

Joke. Ang korni ko. Masyado lang ako nadala sa mga sinabi ni Maven. Akala ko talaga mamamatay na ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Akalain niyo ‘yun? Si Maven niyayaya akong kumain?!

Papa God, huwag mo naman po akong biruin ng ganito. Baka po maniwala ako. Pero kung hindi po ito biro, salamat po ng marami! Pakibless niyo na rin po ‘yung taong nagdonate ng dugo sa kanya. Feeling ko po may epekto ‘yun sa ugali ni Maven ngayon eh. Hehehe. Thank you po, Papa God, sa blessing in disguise na pagkakadengue ni Maven my loves. Amen.

Sabay kaming pumunta sa may Orchids canteen at bumili ng pambansang pagkain ng mga PHSian, chicken fillet. Ibinili rin niya ako ng buko juice sa pinakaunang stall. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Siguro nga, mabait ‘yung may-ari nung dugong naisalin sa kanya noong nagkasakit siya, kaya nagresulta sa mabait na uglai ni Maven ngayon.

“Thank you,” sabi ko sabay ngiti. Nginitian niya lang rin ako bilang sagot.

Nagkuwentuhan lang kami habang kumakain. Napakaunusual ng araw na ito pero masaya pa rin ako. Akalain mong katext ko lang siya kagabi tapos ngayon magkasabay na kaming nagtatanghalian? Whoa, Kalila. The charms. Hehehe. Whoops. Lumalakas na self-confidence ko, sorry naman daw. Aaminin ko, dahil sa sabong ibinigay ni Nanay, ang laki talaga ng ipinuti ng balat ko. Nadagdagan rin ako ng bigat kaya hindi na ako pwedeng tawagin ni Oliver ng payat. Medyo kuminis na rin ang pagmumukha ko—hindi ko sinasabing gumanda ako, pero umayos naman itsura ko kahit papaano.

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon