Loving Superman

4.3K 30 8
                                    

Ang sarap magmahal ng taong kaya kang mahalin pabalik. Mahal ko siya. Mahal niya ako. Noong mga sandaling magkasama kami, akala ko kami na habangbuhay. Akala ko nag-eexist ang happy ending. Akala ko, wala nang makakapagpahiwalay sa amin. Pero akala ko lang pala lahat. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong mahalin niya rin ako, kung anu-anong pasakit ang dinanas ko. Nangako siyang hindi niya ako iiwan. Ang tanong, saan napunta ang pangakong iyon? Kung kailan naman masaya na kami, saka pa mawawala lahat.

Sa mga oras na ito, hindi ko alam kung magkikita pa kami sa hinaharap pero isang bagay ang sigurado ako... kailangan ko na ring bumitaw.  Ito ang huling araw na makikita ko ang lugar kung saan nabuo ang romansa sa pagitan namin. Kasabay ng paglisan ko, iiwan ko na rin ang mga alaala naming inakala kong tatagal hanggang sa kamatayan. Ilang sandali nalang at ang Superman na minsang naging superhero ng buhay ko, tuluyan ko nang kakalimutan.

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon