Chapter 23: Untitled*

313 14 11
                                    

Sunday. Mag-aalas-otso pa lang ng umaga nang magising ako sa halik ni nanay sa akin sa pisngi. “Nak, alis muna kami ni Ma’am. Mamayang hapon pa daw kami babalik. Aalis ka ba?” tanong niya. Tumango lang ako dahil sa sobrang antok. “Sige, ingat. Huwag magpapagabi ha, hanggang six ka lang,” muli niyang sambit. Nakatulog lang ako ulit pagtapos nun.

Tiktilaok! Tiktilaok! Unti-unti kong ibinukas ang mga mata ko dahil sa pagtilaok ng manok. Tipikal na scenario ng paggising ng isang dalagang Pilipina. O, di ba, parang sa mga pelikula lang? Tapos ‘yung sinag ng araw dumadampi sa mukha ko. Hahaha. Lakas mangarap. De, joke lang ‘yun. Wala namang manok dito, alarm ko lang ‘yun.

Time check, 9:30 na. Agad akong bumangon para makapag-ayos na muna dito sa bahay. Natapos ako ng mga alas-onse, tamang-tama lang para makapagprepare ako sa date namin ni Maven. Hihi. Kinakabahan na ako. Ano kayang meron? Ano kayang gagawin namin? Oh my pickle gosh, baka isurprise niya ako? Yiiie. Ayan na naman imaginations kong paasa eh. Hahaha.

Naligo ako ng halos 20 minutes, siyempre, kailangang mabango ako. Pagpasok ko sa kwarto, chineck ko muna phone ko kung nagtext na si Maven, kaso ang nakita ko lang ay good morning messages nina Aiel at Oliver at iilang GMs galing sa mga kaibigan ko. Hindi ko muna pinansin ang mga iyon at tumuloy ako sa pagbibihis.

Nagsuot ako ng navy blue na ladies’ cut t-shirt, faded gray skinny jeans, at siyempre, ang nag-iisa kong navy blue na doll shoes. Hindi man ako mahilig sa blue, ‘no. Hehe. ‘Yun lang ang matinong damit ko sa ngayon eh. Naglagay ako ng itim na clip sa aking buhok. Umupo ako sa harapan ng salamin, nagpabango, siyempre, nagpulbos rin para hindi oily ang mukha. Aba, ayoko namang magkapimple ulit ng marami!

“Ayan, Kalila, mukhang tao ka na kahit papaano,” sabi ko sa reflection ko sa salamin.

Time check, 12:15. Tinignan ko ulit ‘yung cellphone ko para tignan kung nagtext na si Maven, at ayun na nga. Niremind ako sa “date” namin mamaya, kung date man ‘yun, pero feeling ko date nga. Haha. Kyaaa, wala pa man pero ang lakas na ng kabog ng puso ko.

Pagbukas ko ng pintuan, bumulaga ang mataray na mukha ni Jessa. Nakapamaywang na naman siya. Ano na namang kailangan nito sa akin?

“Where do you think you’re going?” tanong niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Ayan na naman ‘yang English na ‘yan. In all fairness, hindi na conyo. Clap, clap for Jessa. Ugh, sarap itapon nito sa imburnal.

Pinilit kong ngumiti. “Ah, magkikita kami ni Maven,” sagot ko. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Hindi ko alam kung anong meron kay Jessa ngayon pero bigla akong kinabahan sa kanya. Huwag naman niya sana sirain ang araw na ito. Huhu.

“Di ka pwedeng umalis,” mariin niyang utos. Teka, hindi ko ata naintindihan ‘yung sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin sa di ako pwedeng umalis? Hindi pwedeng hindi! Hinihintay ako ni Maven, hindi pwedeeee.

“Ay, Jessa, hinihintay po ako ni Maven, ge. Una na ‘ko,” paalam ko sa kanya. Nakakaisang hakbang palang ako nang bigla akong hawakan sa braso ng bruha. Ano ba naman kasing problema nitong babaeng ito? May balak na naman bang manggulo ng araw ko?

“Sabi nang hindi ka pwedeng umalis eh. Ang landi landi mo! Tingin mo maganda ka na niyan?” sigaw niya. Naloloka na talaga siya. “Magkikita daw ni Maven, sus! Asa ka naman, Kalila! Si Maven, yayayain ka ngayon? As in ngayong araw pa? No way.”

Umiiral na naman pagkapossessive niya. “Eh sa niyaya niya ako, anong magagawa mo?” naiinis kong sagot. Sa totoo lang, si Jessa lang ang napagsasalitaan ko ng ganito. Ewan ko ba, kahit anong gawin ko ay hindi ko siya mabigyan ng kahit kakaunting respeto bukod sa pagsunod sa mga utos niya dito sa bahay. Hindi ko naman matatanggap ang pagdidikta niya ng ganyan sa buhay ko.

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon