Kinabukasan, mga 5:50 ng umaga, umalis na ako papuntang school. Umaabot rin kasi sa 30 minutes ang biyahe. Sa Rich Town I (one) kasi kami nakatira, o di ba? Pangalan palang ng subdivision, sosyal na.
Nakarating ako sa school ng mga 6:20 kahit na 6:50 pa ang first subject ko (Oo, ‘yun talaga ang oras. Hindi pa nila ginawang 7 AM). Ganito ako lagi, 30 minutes early. Ganito kasi ang tinuro sa akin ni Tatay noong buhay pa siya.
“Good morning, Kalila!” masayang bati sa akin ni Aiel, best friend kong saksakan ng kabaliwan.
“Morning, Yel! Nagawa mo na ba assignment natin sa Stat?” tanong ko. Yep, third year high school palang kami may subject na kaming ganun. Advanced talaga kami, para bang sa mga science high.
“Ay, seven. Merong assignment?!” Naku, babaeng ‘to talaga. Di bale, madali naman siyang turuan. Alam niyo bang kahit isang araw bago exam mag-aral ‘yan, pumapasa pa rin. Magic.
“Halika, turuan na kita.”
Saktong 6:50 ng umaga, dumating si Ma’am Montemayor, adviser namin at teacher sa Stat. Isa siya sa mga favorite teachers ko. Mabait kasi, strict nga lang. Kapag 5 minutes ka nang late, hindi ka na pwede pumasok sa subject niya.
Pagkatapos ng mahabang diskusyon, may inannounce siya, “Okay, class. Next week, teachers’ day. Di ba? One week ang celebration nun. Sa Wednesday, wala ako,” napa-yes naman ang mga kaklase ko dahil dun. Halata sila masyado. “PERO! Oo alam ko masaya kayo, pero may klase pa rin. Oh ano, yes pa rin?”
Nagtawanan lahat. Haha, ang cute ni Ma’am. Tinuloy niya ang sinasabi niya. “Bale, next Wednesday, mga seniors lahat ang magtuturo sa inyo sa lahat ng subjects. Just to give the teachers a day off. So ‘yun lang. Any questions before I leave?”
“Eh, Ma’am, sino po ‘yung magtuturo sa amin ng Stat?” tanong nung isa kong kaklase.
“Ah, hindi ko pa alam eh. Fourth year SSC at ‘yung IV-Bonifacio block kasi mostly ang magtuturo. Tapos SSS ata sa MAPEH. Ewan ko. Wish niyo nalang hindi masusungit. Basta next week, magready nalang kayo. Okay na? Good day, class.”
(SSS – ‘Special Section for Sports’ ATA meaning nun. Nakalimutan ko na eh. Sorry!)
Mabilis rin namang natapos ang araw. Uwian na. Dadaan muna ako sa may Camia Building, baka sakaling makita ko si Maven. Hihi. Landyot. Eh sa crush ko siya ng bongga!
“Yel, sabay na tayong umuwi. Daan tayo sa Camia!” pag-aaya ko kay Aiel.
“Sooows. Ikaw ha, obsessed ka na ata dun sa Maven mo eh. Sino ba ‘yun? Gwapo ba itey? Baka naman sobrang tangkad niyan, magmukha kang batang kapatid. Pero sige na nga. Lezgo!”
Masanay na po kayo. Ganyan kasi talaga magsalita si Aiel. Loka-loka eh. Ewan ko nga ba paano kami naging close nito. Basta nagkasama lang kami sa isang group nung first year kami, tapos ayun na. Natuwa kasi ako sa kakulitan niya kaya sa kanya ako laging sumasama nun, hanggang sa naging best friends kami.
Malapit na kami sa Camia. Waaa, kinakabahan ako. Gusto ko lang naman maghello. Ayun siya! Nakaupo lang, pawisin at mukhang nagpapahinga.
“Maven!” tawag ko, sabay kaway. Pero inirapan lang ako. Ang sama talaga. Pero aja, Kalila! Sabi nga, ‘No pain, no gain,’ Kaya ko ito!
“Kalila, san diyan?! Ba’t hindi ko makita!”
“’Te, mali naman kasi tinitignan mo. Ayun siya oh, ‘yung pinakapogi.”
“Wala namang gwaping. Nasan!? Ahhh, ‘yung nakaupo?” Tumango lang ako. “Familiar siya. Saan ko nga ba nakikita ‘yan? Basta, familiar talaga. Kaso, bakit ganun, kala ko ba MU kayo? Bakit inirapan ka? Tampuhan?”
BINABASA MO ANG
Loving Superman (ON HOLD)
Teen Fiction(HUWAG MUNANG BASAHIN. PANGIT ANG PAGKAKASULAT AT NARRATE, I-E-EDIT KO PA. SALAMAT.) Ang tagal na panahon ko siyang pinag-iilusyunan. Ngayong nagbunga ang paghihirap na dinanas ko makuha lang siya, saka pa niya ako iiwan. Habangbuhay nalang ba talag...