“Salamat, tol,” bati ni Oliver kay Maven pagdating niya. Ngumiti siya sa akin saka tumabi, “Uy.”
Nakakadisappoint. Oo, kasama si Oliver. Naiinis na naman ako, akala ko ba luluwas sila ng pamilya niya? Tsk. Tuloy, love triangle kami dito sa Jollibee Sindalan ngayon. Joke. Kaharap ko si Maven, katabi ko si Oliver. Okay, please don’t get me wrong. Hindi naman sa ayaw ko na nandito si Oliver ngayon pero... okay, ayoko talaga. Ergh. Sayang kasi oh, quality time sana naming dalawa ni Maven. Kaso kaya lang naman ako ipinagpaalam ni Maven ay dahil daw nakiusap ang kaibigan niya, so ibig sabihin ipinagpaalam ako ni Maven hindi dahil gusto niya akong maka-date, kundi dahil pinagbigyan niya si Oliver. Haaay.
“Una na ‘ko. Ingat nalang,” biglang paalam ni Maven sabay tayo. Sabi ko sabay na siya tutal nandito na rin, pero sa halip na magsalita ay umiling lang siya at tumingin kay Oliver. “Ge.”
Ayun na naman ‘yung Maven na masungit. Pansin ko lang, sa tuwing magkakasama kaming tatlo nina Oliver, lagi siyang suplado sa akin. Pero kapag kami nalang dalawa, ang bait niya to the point na iniisip ko na MU kami. My gahd. Naguguluhan ako. Don’t tell me panaginip ko lang ‘yung sa ospital? Lately kasi lagi nalang si Maven ang laman ng mga panginip ko eh. Haay. Inlab na talaga ako.
“Buti pumayag ka sumama,” ngiti sa akin ni Oliver pagbalik niya mula sa counter. “Mukhang nagiging magkaibigan na kayo ni Maven ah? Good for you.”
“Hehe. Oo nga po eh. Nakakakilig, sobra. Ay, maalala ko. Bakit ka pala nandito? I mean, di ba lumuwas kayo?” tanong ko kay Oliver.
“Maaga kasi kaming nakabalik. La lang, gusto ko lang makabawi kasi hindi kita naihatid pauwi eh. Eh alam ko namang wala kang kasama. Di pa rin ba kayo ayos ni Aiel?”
“Ayos naman po kami eh. Di lang masyado. Haha. Saka Oliver, hindi mo naman po kailangang bumawi ‘no. Ayos lang naman po ako. Actually nga, sinabayan po akong umuwi ni Maven!” pagsisimula ko. Ikinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari kanina magmula doon sa text hanggang doon sa paghatid ni Maven sa akin sa bahay. Hindi ko na isinali ‘yung parte magmula noong nameet ni Nanay si Maven hanggang sa pagpapaalam niya para isama ako dito, baka kasi mainis lang ako lalo. Haha.
Nang matapos ko ang kwento ko, di ko alam papaano ako magtatago ng kilig at tili. Kaso hindi ko maintindihan kung ano ang reaksyon sa mukha ni Oliver. Nakangiti siya na para bang nagsasabing natutuwa siya para sa akin pero ramdam ko na hindi totoo ‘yun. Ewan, baka napaparanoid lang ako. Ayoko namang isiping may gusto siya sa akin dahil nga magkaibigan kami.
“Mabuti ‘yan. At least lumelevel up na kayo,” tumawa siya.
“Eh ikaw po, kumusta naman love life mo? Kumusta kayo nung girl na nagugustuhan mo?” pag-iiba ko ng usapan. Ayoko naman kasing ako ‘yung kwento ng kwento, baka kasi may gusto rin siyang i-share eh. Give and take dapat ang pagkakaibigan.
Nangiti lang siya ng bahagya sabay sabi ng, “La ‘yun. Hayaan mo na.”
Aw. Ayaw niyang magshare sa akin. Nakakalungkot naman. Ganyan ba talaga ang mga lalaki? Sa akin, ayos lang naman na nagkukuwento tungkol sa love life si Oliver eh. Aba, wala namang nagsabing kapag ang lalaki pinag-uusapan ang love life, bading na. Di ba? Naku, hindi ko talaga sila maintindihan kadalasan.
Ngumiti nalang ako saka itinuloy ang paglantak sa 1 pc. burger steak na libre sa akin ni Oliver. Busy rin siya sa pag-ubos ng spaghetti kaya naman nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang kumakain. Kung kasama kaya namin si Maven ngayon, kakausapin kaya niya ako?
Nang pareho na naming ubos ang mga order namin, agad kaming lumabas at nag-abang ng jeep pauwi. Malapit lang ang Sindalan kaya naman wala pang limang minuto ay nakababa na kami sa Rich Town. Hanggang ngayon wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Ang awkward. May nasabi ba akong mali? O baka naman naisip niya ay nanghihimasok ako? Naku, huwag naman sana. Nagtanong lang naman ako eh.
BINABASA MO ANG
Loving Superman (ON HOLD)
Teen Fiction(HUWAG MUNANG BASAHIN. PANGIT ANG PAGKAKASULAT AT NARRATE, I-E-EDIT KO PA. SALAMAT.) Ang tagal na panahon ko siyang pinag-iilusyunan. Ngayong nagbunga ang paghihirap na dinanas ko makuha lang siya, saka pa niya ako iiwan. Habangbuhay nalang ba talag...