“Halika na? Ihahatid na kita sa inyo, gabi na,” sabi ni Oliver.
“What’s the meaning of this, Kalila? Di ba sabi ko sa ‘yo, iwasan mo na si Oliver at Maven?” Ngayon naman, kaming tatlo nina Maven at Oliver ay napatingin kay Jessa at Steve na papalapit sa amin. Ang ganda niya sa suot niyang dress. Sobrang ikli nga lang. “At bakit mo naman siya ihahatid sa bahay?”
Kumunot ang noo ni Oliver pero hindi siya sumagot. Hinawakan niya ang kamay ko tapos naglakad kami palabas. Laking gulat ko nang bigla nalang akong sabunutan ni Jessa kaya naman napatigil sa paglakad si Oliver. Ano bang problema ng babaeng ito?
Sa halip na sabunutan siya pabalik at pinilit ko lang tanggalin ang mahigpit niyang pagkakahawak sa buhok ko. Naluluha na rin ako sa sobrang sakit. Hindi ito ang unang beses na nasabunutan ako, pero ito ang pinakanakakatanggal ng buhok sa ulo.
“Jessa, tumigil ka!” sigaw ni Oliver habang pinaghihiwalay niya kami ni Jessa, maging si Steve ay umaawat na rin. Ang problema, ayaw paawat ng bruha, aba’y gusto ata matulad ako kay Boy Abunda!
“Ano bang problema mo? Mas pipiliin mo ‘yang marungis na katulong na ‘yan kaysa sa akin?” naiiyak na sagot niya nang mahila siya ni Steve palayo sa akin.
Hindi pinansin ni Oliver ang pagmamaktol niya, sa halip ay hinarap niya ako, may mukhang puno ng pag-aalala. Hinimas niya ang ulo ko at sabay tanong kung ayos lang ba ako. Hindi ako makasagot agad dahil nahilo ako sa pananabunot na ginawa ni Jessa. Grabe, parang may superglue ang mga daliri ng chaka, naluluha pa rin ako sa sobrang hapdi ng anit ko.
“A-Ayos lang po ako. Nahihilo lang po ako ng kaunti,” sabi ko kay Oliver. Niyakap niya ako, ‘yung yakap para hindi ako mahilo lalo. In short, nakasandal ako sa may dibdib niya ako ngayon at damang-dama ko ang mabilis pagtibok ng puso niya. Naramdaman ko rin na hinalikan niya ako sa ulo, hindi ko maintindihan bakit.
Habang yakap niya ako ay naririnig ko ang pagbubwisit ni Jessa. Panay rin ang sigaw niya kay Steve na pilit namang pinakakalma ang girlfriend niya. Kawawang Steve, nadamay pa dito. Ang mas masakit pa, mukhang hindi naman talaga siya mahal ni Jessa.
“I’m sorry, Kalila,” sabi ni Oliver na ikinagulat ko naman kaya napatingin ako sa kanya habang yakap niya pa rin ako. Hindi ko maintindihan bakit siya nagsosorry. “Kaya ko lang naman ginagawa ang lahat ng ito kasi, Kalila... I like you.”
Binitawan niya ako at hinintay na makasagot pero hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Nanghina ako sa mga narinig ko. Hindi ako makapaniwala. Ako? Gusto ni Oliver? All this time, ako ‘yung kinukwento niya? So tama si Aiel. Paano niyan? Ano ang dapat kong sabihin sa kanya? Papaano ko sasabihing hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya?
“Ano?! Nababaliw ka na ba, Oliver? ‘Yang babaeng ‘yan ang ipapalit mo sa akin?” muling sigaw ni Jessa habang umiiyak, “Bakit ang bilis? Bakit siya pa?”
Mahinahong sumagot si Oliver, “Bakit ang bilis? Itanong mo rin dapat sa sarili mo ‘yan, Jessa. Bakit siya pa? Kasi hindi siya katulad mo. Matagal nang walang tayo, Jessa.”
“What the hell, Oliver!” sagot niya habang patuloy sa pagbuhos ang mga luha niya. Kawawang bata.
“You’ve had your chance, Jessa. And you chose to waste it,” mariing sagot ni Oliver, halatang nasaktan si Jessa sa tugon ng ex niya dahil hindi siya nakasagot. Hinihimas lang nung Steve ‘yung likod niya para mapatahan siya. Si Oliver naman ay sa akin humarap, “Sorry, Kalila. Sana noong una pala sinabi ko na para hindi ka nagulat ng ganito.”
“Oliver, hindi ko po maintindihan,” tugon ko, “Sigurado ka po ba sa sinasabi mo? Pero—Aray!”
Muli na naman akong sinabunutan ni Jessa. Hindi talaga napapagod na manakit ang babaeng ito. ‘Yung totoo!
BINABASA MO ANG
Loving Superman (ON HOLD)
Teen Fiction(HUWAG MUNANG BASAHIN. PANGIT ANG PAGKAKASULAT AT NARRATE, I-E-EDIT KO PA. SALAMAT.) Ang tagal na panahon ko siyang pinag-iilusyunan. Ngayong nagbunga ang paghihirap na dinanas ko makuha lang siya, saka pa niya ako iiwan. Habangbuhay nalang ba talag...