Chapter 8: Si V ay si...

499 23 7
                                    

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Magkasama kami ngayon ni Kuya Jed sa may Gladiola. Wala na ring gaanong taong nandito kaya naman pakiramdam ko ay napakaintense ng sitwasyon. Natatakot ako sa kung ano man ang pwede niyang sabihin o aminin, lalo na nung iba ang dating ng smile niya kaninang activity sa Values.

“Ah, ano kasi, Kalila. May itatanong lang talaga ako sa ‘yo. Pasensya na kung naaabala kita,” panimula niya. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko. Hala, ano kayang ibig sabihin nun?

“Ayos lang po, Kuya Jed. Tungkol saan po ba ang sasabihin mo?” Sa totoo lang, palagay ko hindi naman talaga ‘Ayos lang’ ang ganito. Mukhang hindi kasi maganda ang mga sasabihin niya. Ayaw ko namang magkaaway kami ni Aiel nang dahil lang sa lalaki.

“Kalila...” Dugdug. Mas bumilis ang tibok ng puso ko, mabilis pa sa pagtakbo ni Usain Bolt. Grabe lang. Sana lang mali ang iniisip ko. Masyado pa akong bata para problemahin ang pagkakaroon ng sikretong relasyon. Hehe.

“Ano po ‘yun, Kuya?” tanong ko kahit hindi ko naman talaga gustong marinig ang sasabihin niya.

“Pwede bang...” Hala, sabi ko na nga ba! Manliligaw siya. Oh no. Hindi pwede ito! “Pwede bang patulong—”

“NO!” napasigaw ako ng wala sa oras. Kaso paulit nga ng sinabi niya? Patulong? Saan? Tae. Pahiya ako ng konti doon ah, bigla tuloy uminit ng husto ang mukha ko. “Ay, po? Ano nga po sinasabi mo? Hehe.”

“Kay Aiel. Patulong kay Aiel,” nahihiya niyang sagot. “Pero sige ayos lang kung ayaw mo. I understand.”

“So... Ibig sabihin hindi mo po ako gusto?” matapang kong tanong sa kanya. Nagulat at namula siya sa tanong ko. Shems, nakakahiya pala talaga.

“Ah, Kalila, gusto kita. Okay? Pero ibang gusto. Hindi tulad nung kay Aiel,” sagot niya habang natatawa. “Sorry if I sent you the wrong signals. Ayoko lang kasing ipahalata sa best friend mo na may gusto ako sa kanya. Nahihiya kasi ako na baka mareject ako agad. Sensya naman may pagkatorpe.”

Nakikita kong sobrang pinagpapawisan siya ngayon. Siguro ang daming lakas ng loob ang inipon niya masabi lang ‘yun. Kung alam niya lang, patay na patay sa kanya si Aiel. “Ay naku Kuya Jed! Gorang gora tayo! Tutulungan kita,” sagot ko bilang pambawi man lang kanina. Tae, nakakahiya pala mga pinag-iisip ko. Ako gusto ni Kuya Jed? LOL lang, Kalila! Engoters ang peg, ‘syado kasing nag-aassume, ayan napahiya ng bongga.

“Salamat! Asahan kita ah. Uy, sensya na pala ulit at naabala pa kita para lang dito. Halika na nga, hatid kita sa inyo,” pag-aaya niya.

“Kalila!” tawag ng isang lalaki sa akin. Sabay kaming napatingin ni Kuya Jed sa kanya, at nakita naming papalapit si Oliver habang nakangiti sa akin. Grabe, daig pa ng mukha ko ang takure kung uminit. “Pauwi ka na ba? Sabay na tayo. Pupunta ako sa inyo ngayon.”

Napatingin ako bigla kay Kuya Jed, ‘yung ngiti niya kakaiba. Mapang-inis ba. “Siya, sige. May kasabay ka naman pala, Kalila. Mauna na ako,” sabi niya sa akin sabay palo sa likod ni Oliver. Hala, baka iba iniisip niya! Tinignan niya si Oliver, “Ingat, pre.”

Ngumiti naman si Oliver bago tuluyang umalis si Kuya Jed, tapos sabay harap sa akin, “Lika na? Akin na gamit mo, ako na magdadala,” OH. MY. GULAY. Seryoso ba ito? Bakit kinikilig ako? At bakit niya ginagawa ito? Huwag niyong sabihing siya si V? Kung iisipin, wala ako nung nagsulat siya kaya pwedeng siya rin ang nagsulat nung kay V... Naku hindi pwede ‘yun! Kay Jessa na siya eh. Saka kay Maven na ako.

“Eh, ako nalang po,” sabi ko. Hindi na siya nagpilit, at agad na rin kaming lumakad palabas ng gate.

“Kalila, nakita nga pala kitang umiiyak nung minsan,” Dugdug. Kinabahan ko. Pamilyar ‘yung linyang ‘yan eh. Ganyan rin ang text ni V sa akin noon, English nga lang. “Dahil kay Maven ba? Balita ko kasi pinahiya ka niya nun. Medyo nainis nga ako sa kanya. Hindi siya dapat nang-aaway ng ganun lalo na babae. Ang bading lang. Pero ako na hihingi ng pasensya para sa kanya ah. Loko-loko talaga kasi si Maven. Ewan ko ba sa ‘yo kung bakit mo gusto ‘yun,” natatawa niyang sabi sa akin.

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon