Chapter 5: Playing Pranks

533 16 8
                                    

Pagbalik ko sa classroom, siyempre, tulad ng inaasahan, si Aiel na naman ang unang lumapit sa akin. “Kalila! Napaano ka? Bakit hindi ka pumasok kanina? First time mong ma-late sa buong buhay mo ah. Tsk. Sorry best friend pero kailangan ko talagang lagyan ka ng late sa attendance mo.”

“Okay lang Miss Sec, alam ko namang trabaho mo ‘yan eh. Ano bang lesson?”

Bago pa man nakaksagot si Aiel, dumating na may dalang kahon si Ma’am Lopez, ang aming butihing English teacher, “Okay class, settle down. Good morning. We will start the impromptu immediately. I have here inside this box some topics that you will be using today. Bunutan lang. Who wants to go first?”

Walang nagtataas ng kamay kaya naman ako nalang ang nauna. Para matapos na agad, di ba? Pagkakuha ko nung papel, binigyan ako ni Ma’am ng isang minuto. Grabe lang ‘yung topic ko. Ano kaya ang sasabihin ko niyan?

“Kalila, one minute is up. Proceed, you’re given three minutes to speak,” sabi niya sabay upo sa bakanteng upuan malapit sa pinto.

“Uhh... Good morning, here’s my topic,” tapos pinakita ko sa kanilang lahat ‘yung papel na nabunot ko. Nagtawanan ‘yung iba, ngumiti ‘yung ilan. Nainis naman ‘yung iba kasi madali ‘yung nabunot ko. Si Aiel? Malapit nang humagalpak sa tuwa. “Some—”

“Wait, Kalila,” pagpigil sa akin ni Ma’am. OMG. Pumasok si Maven sa room! Nakalimutan kong estudyante rin pala niya ‘yung section nila. Lagot ako nito. “Upo ka muna dito, we’ll discuss it later. Patapusin lang natin itong estudyante ko,” sabi ni Ma’am sa Maven ko sabay senyas sa akin na magsimula na.

Hala! Anong gagawin ko? Paano ko sasabihin ‘yung speech ko kung nandito si Maven? Kinakabahan ako. “Uhh... Uhm... Good morning.”

Stop it, Kalila! Hindi makakatulong ‘yang kaba mo kung may balak kang magpaimpress kay Maven. Whoo, relax. And here I go, “About my crush? Well...”

“Kalila, you’re time’s running,” singit ulit ni Ma’am.

“Uhm... Well, all I can really say about my crush is that he’s handsome and cute. He is a junior SSS student here in Pampanga High School, and he plays basketball very well. Certainly, he knows that I like him.”

“And he obviously hates you,” singit ni Aiel. Tawanan naman ang buong klase. Ouch. Best friend ko ba talaga ito?

“Shh! Quiet, class! Aiel, stop interrupting,” Ha! Ayan, kasi. Hilig sumingit. Bumelat ako sa kanya. “Please continue.”

“Ah. Yes, as I was saying... He knows that I like him, sadly, Aiel’s right. For some unknown reasons, he hates me. But who cares? I don’t,” tumingin ako kay Maven. Reaction niya? Siyempre, naaasar. Haha, pake ko ba. Totoo naman kasi eh. “He may be cold on the outside, but I know that somehow he’s a good person. Uhm... Aside from basketball, music is his passion. Honestly, I am hoping that one day, he’ll play his guitar for me. I just... I really like him and I’d seriously do anything just to win his heart.”

Haha, ang sarap tumawa ngayon. Nakakatawa reaction ni Maven eh. Halatang naiinis na ewan. Hindi ko alam bakit natatawa ako sa tuwing nakikita ko siya na naiinis sa mga ginawa ko. Siguro dahil iniisip ko na darating rin ang araw na mapapalitan ang inis na ‘yun. Alam ko na darating ang araw na sa halip na pagkaasar, ngiti ang makikita ko sa mukha ng Maven ko.

“And one more thing... He’s best friends with Jessanica Young. Yes, classmates, he’s Maven Kyle Ramos,” Pagkasabi ko nun, siyempre nagulat silang lahat. Pati nga si Ma’am eh. Haha, si Maven namumula na, nagliliyab na rin ang tingin sa akin! “Just so you know, I’m one step closer,” diretsahang sabi ko sa kanya. “That’s all. Thank you.”

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon