Chapter 13: Kababata

473 16 15
                                    

Friday na nga pala ngayon at katatapos lang ng exams para sa 2nd grading, ibig sabihin... Sembreak na. Yehey! Sabi ni Nanay, magbabakasyon daw ako kina Lola ngayon kasi matagal na rin akong hindi nakakabisita doon.

Pagkauwi ko, tulad ng dati, gawaing bahay muna. Sa maniwala kayo at hindi, tinapos ko na rin lahat ng assignments. Aba siyempre, gusto kong sulitin ang sembreak! Minsan lang ako makapagbakasyon doon, hindi ko hahayaang sirain ng schoolwork, ‘no.

Kinabukasan.

All set! Mabalacat, here I come!

Grabe, after six years makakabisita na rin ako ulit. Hinatid nga pala ako ni Mama. Hindi pa kasi ako marunong magcommute papunta kina Lola. Medyo malayo kasi, mga isang oras rin kung dadaan sa expressway.

Mga 11 AM ay nakarating na kami dito sa Casmor Subdivision. Wala pa ring ipinagbago ang bahay nina Lola, maganda pa rin. Kung iniisip niyo ay mga bahay na kamukha nung mga gawa sa kahoy na madalas gamitin sa mga horror movies, mali kayo. Kulay puti ito. May hardin na puno ng mga pink na orchids, sa isang banda ay may mga tanim nga mga gulay at kung anu-anong herbs. Ang garahe ay pangdalawang sasakyan, isang blue vintage car na two-seater at isang gray L300 na madalas gamitin kapag family outing.

Pagpasok namin ni Nanay, agad akong sinalubong nung pinsan kong walong taong mas bata sa akin.

“Ate Kai!” tawag niya habang tumatakbo papunta sa akin para magpabuhat. Dumiretso kami sa dining area para makapagmano ako kina Lolo at Lola, pati na rin sa mga magulang ni Yannie. Kai nga pala ang palayaw ko dito.

“Apo! Namiss ka namin, ang laki mo na ah. Gumanda ka lalo,” bati sa akin ni Lola. Kahit Tagalog ang ginagamit niya sa pagkausap sa akin, halatang-halata na Kapampangan dahil sa punto. Haha. Basta, ang hirap i-explain.

“La, hindi naman po. Huwag po kayo mambola. Hehehe,” sabi ko. Malapit ako sa grandparents ko dahil tumira rin kami dito ng ilang taon noong bata pa ako. Maalala ko, may naging close friend ako dito nung mga panahon na ‘yun, si Jimmyboy. Kumusta na kaya ‘yung bulilit na ‘yun?

Kumain muna kami ni Mama tapos agad rin siyang umalis dahil kailangan niyang makauwi agad. Nag-iwan nalang siya ng pera para sa akin. Hindi naman kalakihan, sapat lang. Kaya ko namang magmanage.

Maya-maya ay niyaya ako ni Yannie na pumunta labas.

“Ate Kai, paturo pong magbike,” pakiusap niya habang nagpapacute. Naku patay tayo diyan, Kalila!

“Ah, eh... Yann, hindi marunong magbike si Ate,” sabi ko.

Oo na, ako na ang hindi marunong magbike. Pasensya naman at hindi ako natuto. Saka natrauma na ako nung sumubok ako. Dati kasi habang nag-aaral akong magbisikleta, eh bigla nalang may dumaan na tricycle sa harapan ko at biglang... Poof, daig ko pa ang kangaroo kung makatalon! Nakakahiya ‘yun sobra! Talagang iniwan ko ‘yung bike sa may kalsada habang umiiyak at tinatawanan ako nung mga nakakita. Pati nga ‘yung sinasabi ko sa inyong childhood friend ko na si Jimmyboy, sobra kung asarin ako dahil sa nangyari. Eh anong magagawa nila nagpanic ako! Pero kung tutuusin, nakakatawa nga ‘yun dahil ang distansya nung bike at nung tricycle ay singhaba ng dalawang kotse. O di ba, OA ko lang matakot noon. Hahaha.

“Yih ganun. Uhm, libre mo nalang po akong frosty, sige na Ate,” pagpapacute niya ulit. Hay, ano pa bang magagawa ko? Wala rin naman akong paggagamitan nung perang ibinigay ni Nanay, hindi naman siguro masamang gamitin para sa pinsan kong makulit. Hehe.

Hinawakan ko ang kamay niya at pumunta kami sa pinakamalapit na tindahan. Actually, dito lang sa katabi naming bahay.

“Kai?” tawag ng isang lalaki sa akin pagtapos naming bumili ng frosty ni Yannie. Pagharap ko, napatingala ako dahil tumambad sa akin ang isang lalaking halos kasing tangkad ni Maven. Clean cut ang gupit, moreno, makinis ang mukha. Wow ha, tall, not-so-dark, and handsome lang ang peg. Haha. Medyo pamilyar siya.

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon