“Kalila... gusto kita.”
Ang mga salitang matagal ko nang gustong marinig... Totoo bang sinabi ni Maven ‘yun? Totoo bang si Maven ‘yun? Hindi ba ako nananaginip lang?
“M-Maven, pwede po bang sampalin mo muna ako?”
Naiimagine kong kung nandito si Aiel ngayon sa eksena na ito, sasapukin niya ako’t tatawaging engot. Paano ba naman, sa dami-dami ng pwedeng sabihin e ganun pa ang sinagot ko. To think na confession pa ‘yung sinabi ni Maven. Pwedeng pakirewind?
Binigyan ako ni Maven ng nagtatakang tingin kaya naman napilitan siyang ulitin ang sinabi niya. Sa pagkakataong iyon, ako na mismo ang sumampal sa sarili ko. Nagulat ata si Maven sa ginawa ko kaya napabitaw siya sa isa kong kamay.
“Hindi ako nananaginip?” tanong ko sa kanya. Umiling naman siya, halatang pinipigilan lang niya ang tawanan ako. Siyempre, panira ng moment ang mga pinagsasabi ko. Haaay. Kalila, ang engot mo.
Maya-maya pa ay umayos siya ng tayo at tinitigan ako. Parang kumukulong takure ang mukha ko ngayon dahil sa init. Naiimagine ko ngang may steam na lumalabas mula sa tenga at ilong ko dahil sasabog na ako sa kilig.
“Gusto mo ulitin—”
“Ay hindi na po, ayos na. Ayos na. B-Baka mamatay na ako,” pagpipigil ko sa kanya.
Huminga muna ako ng malalim, mga limang beses. Ilang sandali pa ay bigla nalang ako nangiti. Tumingin ako kay Oliver... walang reaksyon sa mukha niya. Biglang nabawi ang ngiti sa mukha ko. Kung normal na sitwasyon siguro, at kung hindi siya umamin sa akin, ngingitian ko siya at sasabihan ng “We did it!” Kaso iba ngayon eh. Hindi ko inaasahang pupunta sa ganito ang pagkakaibigan namin. Hindi ko akalaing magugustuhan niya ako. At hindi ko alam kung anong nararamdaman niya ngayong narinig niyang umamin sa akin ang kaibigan niya.
“Oliver—”
“Ayos lang, Kalila. Alam ko namang hanggang kaibigan lang turing mo sa akin,” pagputol niya sa sasabihin ko. “Sige mauuna nalang ako.”
Lumakad papalayo si Oliver habang kami ni Maven ay naiwan. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari, hanggang ngayon ay mabilis pa din ang tibok ng puso ko. Ilang minuto din ang lumipas ay wala pa din nagsasalita. Ang awkward lang kasi, kasi... kasi si Maven itong kaharap ko ngayon eh.
“Uy.” Napahawak ako sa dibdib ko nang marinig kong magsalita si Maven. Kinabahan kasi ako. Tinignan ko siya at feeling ko nasa heaven na talaga ako. Ngayon ko lang napansin, may hawak pala siyang paperbag ng Blue Magic. Posible kayang ito ‘yung nakita kong binili niya noong December 20?
“Po?” sagot ko.
“O,” sabi niya, inabutan niya ako nung paperbag. Hindi ko naman maitago ang kilig ko. “Binili ko pa ‘yan nung araw na may nang-away sa ‘yo sa SM. Regalo ko sana sa Pasko kaso...nahihiya akong ibigay.” Habang sinasabi niya ang mga ‘yun, hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko. Mukhang hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya.
“P-para sa ‘kin ‘yan?!” Hindi ko naiwasang ipakita ang pagkagulat ko.
“Kung ayaw mo, ayos lang. Hindi ko kasi alam hilig mo. Pasensya na,” sabi niya.
“Ay hindi po. Hindi po. Ayos nga po ito eh—Haha, ehem. Ang...wow. Di ko expect. Thank you po, Maven.”
Maya-maya pa ay hiniram ni Maven bigla ang cellphone ko. Nagulat nga ako kasi ang weird niya pala kapag ganito. Hindi ko rin alam kung bakit niya hiniram ‘yun. Ilang segundo rin niyang kinakalkal ang kung ano man. Buti nga wala akong pictures diyan, nakakahiya kung nagkataon.
“Bakit hindi nakasave number ko?” biglaan niyang tanong. Nag-init naman bigla ang mukha ko. Agad kong hinablot ang cellphone ko’t nagpilit ng tawa.
BINABASA MO ANG
Loving Superman (ON HOLD)
Teen Fiction(HUWAG MUNANG BASAHIN. PANGIT ANG PAGKAKASULAT AT NARRATE, I-E-EDIT KO PA. SALAMAT.) Ang tagal na panahon ko siyang pinag-iilusyunan. Ngayong nagbunga ang paghihirap na dinanas ko makuha lang siya, saka pa niya ako iiwan. Habangbuhay nalang ba talag...