“Uy, ayos ka lang?” tanong sa akin ni Aiel habang kumakain kami ng thin crust Hawaiian pizza. “Kanina ka pa tulala diyan sa pagkain mo.”
Umiling ako at nagsimulang kumain. Naging tahimik silang tatlo pagkatapos nun. Ugh. Ayoko ng ganito. Birthday ng best friend ko pero nagpapaimportante ako masyado. Mali ito eh. Nasisira araw niya.
“Yel, ayos lang ba kung mauuna na akong umuwi?”
“Ha? Bakit naman?!” gulat niyang tanong. Hindi ako sumagot kaya naman tumayo siya’t umupo sa tabi ko. Ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko. Pilit akong ngumiti pero biglang namuo ang mga luha sa mata ko. Pumikit ako ng matagal para iwasang tumulo ang mga ito. Hinila naman ako ni Aiel papasok ng banyo, hinarap niya ako sa kanya. “Anong problema, best? Sabihin mo na, ayos lang naman sa akin eh.”
“Aiel, bakit ganun si Maven? Bakit ang manhid niya?” tuluyan kong nasabi. Para akong batang nagsusumbong sa nanay tungkol sa pagnanakaw ng candy ng kalaro. Ang sama talaga ng loob ko kay Maven. Hindi ko alam kung dapat akong magalit sa kanya pero nagagalit ako. May ginawa ba siya sa akin? Wala naman. Pero ‘yun nga, wala siyang ginagawa. Hindi niya naaappreciate efforts ko. Simpleng thank you lang, ayos naman na sa akin eh. Kahit ganun lang. Kasi ang pangit sa feeling na effort ka ng effort, hindi naman pala napapansin. Parang tanga.
“Sabi ko na nga ba’t si Maven na naman ‘yan eh. Sabi ko naman sa ‘yo, wala kang mapapalang maganda dun,” pagpapaalala niya. Huminga siya ng malalim bago nagsalita ulit. “Kalila, tama na. Ah! Ganito nalang, sa tuwing maiisip mo siya, ang isipin mo nalang ‘yung mga maling ginawa niya. Naaalala mo pa ba ‘yung araw na inamin mo sa buong klase na crush mo siya, tapos pinahiya ka niya kinabukasan? Isipin mo ‘yun! ‘Yung ugali niyang mayabang, walang pakialam kung may masaktan.”
Bumilis ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa mga pinapaalala niya. Halos lahat ng mga masasakit at masasamang bagay na ginawa ni Maven sa akin, nasabi niya.
“At isa pa, kita mo naman kung anong ginawa niya nung inaaway ka ni Jessa. Wala, di ba? Kaya tama na. Alam mo, may sasabihin sana ako sa ‘yo tungkol kay Oliver kaso hindi pwede ngayon. Wala ako sa posisyon na magsabi. Pero darating rin ‘yung time na malalaman mo ‘yung totoo. Sana maging open ka,” dagdag niya. Naguluhan ako sa mga huling sinabi niya pero hinayaan ko nalang dahil si Maven talaga naiisip ko sa ngayon. Kasi naman eh!
“Kasi naman, Yel. Umasa ako kahit papaano. Nag-iba kasi si Maven these past few months. Ang bait niya, malalahanin pa. Naaalala mo pa ba ‘yung kinuwento ko tungkol sa sembreak? Kilig ka pa nga nun eh. O di ba, paanong hindi ako masasaktan? Eh akala ko may pag-asa,” sabi ko habang sinisinghot pabalik ang sipong tumutulo mula sa ilong ko. Biglang nagflashback sa akin ‘yung eksena noong na-dengue si Maven kaya naman hindi matigil ang pagtulo ng mga luha ko.
“Kalila, tandaan mong may mga tao talagang paasa.” Nang dahil sa sinabi niya, lalong sumakit ang nararamdaman ko. Hindi ko maikakailang tama siya sa mga sinabi niya. Baka nga paasa lang si Maven. Baka nga pinagtripan niya ako dahil alam niyang gusto ko siya dati pa.
UGH. Ang drama ko! Ano bang nangyayari sa akin, nadiscover ko lang ang salitang “love”, umarte na ako sa buhay. Ang saya ko naman lagi dati eh, nung crush ko palang si Maven, noong hindi pa siya nagpapakita ng pag-asa.
Huminga ako ng malalim at nagpunas ng luha gamit ang mga kamay ko saka nginitian si Aiel.
“Promise, crush nalang talaga,” sabi ko sa kanya.
Napahawak naman siya sa noo niya na para bang nangungunsumisyon. Bumuntong hininga siya’t umiling-iling. Nginitian naman niya ako agad pagkatapos. “Ang kulit mo talaga, Kalila.” Tumawa kami pareho at agad na lumabas.
BINABASA MO ANG
Loving Superman (ON HOLD)
Teen Fiction(HUWAG MUNANG BASAHIN. PANGIT ANG PAGKAKASULAT AT NARRATE, I-E-EDIT KO PA. SALAMAT.) Ang tagal na panahon ko siyang pinag-iilusyunan. Ngayong nagbunga ang paghihirap na dinanas ko makuha lang siya, saka pa niya ako iiwan. Habangbuhay nalang ba talag...