Pangit. Pangit. Pangit. Pangit. Pangit. Pangit. Makulit. Nakakairita. Maliit. Maitim. P-A-N-G-I-T.
How nice. Iyan ang nakasulat sa “What I Don’t Like About You” ko galing kay Maven. Aba, aba! Pasalamat nalang siya at nagkagusto ang isang tulad ko sa kanya. Unique kaya ako sa mga nagkakagusto sa kanya, puro kasi sila magaganda. Ako lang ang pangit, kaya dapat ako ang piliin niya. Dare to be different nga daw, di ba? Hahaha.
“Kalila, patingin naman niyang paper mo,” sabi ni Aiel sa ‘kin sabay turo sa activity paper ko sa Values. Binigay ko naman sa kanya at ipinahiram niya rin sa akin ‘yung kanya. Habang binabasa ko pa ‘yung mga nakasulat sa papel ni nest friend, bigla nalang siyang natawa ng malakas.
“Problema mo?” tanong ko.
“Nakakatawa naman ‘yung sulat ni Maven! Sabi sa ‘yo dapat hindi mo na pinasulatan sa kanya eh, ayan tuloy. Puro panlalait nakalagay. Ni isang word na maganda, walang nakasulat,” pagpapaliwanag niya. Sabi na nga ba ‘yun na naman ang pupunteryahin niya eh. Maasar nga.
“Sus, if I know nagseselos ka lang dahil sa mga magagandang sinulat ni Kuya Jed tungkol sa akin,” sagot ko sabay tingin na mapang-inis kay best friend. Nanaihimik naman siya bigla, inirapan ako at tinuloy ang pagbabasa. What? Haha, totoo naman kasi ‘yun ah.
“Oh my gulay. V? Bakit may V dito? Sino siya? Nagpakilala ba? Nakilala mo?” sunud-sunod na tanong ni Aiel. Hindi pa man ako nakakasagot, tinuloy niya ang pagbabasa, “Maganda, mabait, sweet, makulit, matalino, maganda ang ngiti... Grabe naman ito, ang daming nakasulat!”
“Eh, ‘yun nga. Hindi ko alam paano nakasulat ‘yung V na ‘yan sa papel ko. Sa pagkakatanda ko, ikaw, si Kuya Jed, si Oliver at Maven lang ang pinasulat ko diyan. Aba malay ko paano nagkaroon ng V diyan! Nakakastress nga eh. Hayaan mo nalang, malalaman rin natin kung sino ‘yan.”
Tumawa nalang ng mahina si Aiel tapos dumating na ‘yung teacher namin sa Araling Panlipunan. Friday na kasi agad ngayon kaya may AP. Bilis ng araw no? Maya-maya bigla akong nakaramdam ng pagtawag sa akin ng kalikasan kaya naman nagpaexcuse ako kay Ma’am sabay takbo pababa. Oy, hindi ako natatae. Naiihi lang! Marami kasi akong nainom na iced tea kaninang break.
Habang naglalakad ako ng mabilis papuntang CR, may naispot-an bigla ang mga mata ko na dalawang taong naglalakad papunta sa canteen... Sino ‘yung babaeng kasama niya? ‘Yun ba si Jaymee? Yellow patch! Ibig sabihin sophomore lang. Oh my gosh. Type ni Maven ay mas bata sa kanya? Teka, bata naman ako sa kanya ah! Fourteen palang ako, next year pa ako tatanda. So pasok ako sa standards niya. Mehehe.
Ilang saglit pa ng pagtitig ko sa kanila ay biglang napatingin si Maven sa direksyon ko tapos... Wala lang. Hindi ako pinansin. Luh, masungit pa sa babaeng nagreregla eh. Hayaan ko nalang nga, saka ko na aambushin ‘yung babaeng ‘yun kasi naiihi na talaga ako. Humanda sila mamaya.
Uwian na at hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ‘yung babaeng kasama ni Maven kanina. In fairness, cute siya. Ang kaso nga lang, medyo mukhang... mataray.
Kung nagtataka kayo ngayon kung ano ang ginagawa ko, ito, sinusundan silang dalawa. Hindi rin naman kasi kami nagsabay ni Aiel kasi nagmamadali na rin siyang umuwi dahil may pupuntahan pa, kaya naman ako spy mode. Haha. Naglalakad sina Maven at ‘Jaymee’ papuntang McDo, magdedate ata. Tsk. May nakauna pa sa akin.
Pagdating namin sa McDo, napansin kong sa pinakaloob pa sila pumunta. Hala, paano niyan! Mahahalata ako kapag sumunod ako. Back up! I need back up! Haha, kinareer ang pagiging espiya eh.
Papalapit na kami at hindi pa rin ako nakakaisip ng paraan kung paano ko sila matututukan. Pero teka, sina Kuya Jed at Aiel ‘yun ah! Aba, nagMcDo pa nang hindi ako sinasabihan. May gagawin pala, eh makikipagdate lang naman pala. Humanda silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Loving Superman (ON HOLD)
Teen Fiction(HUWAG MUNANG BASAHIN. PANGIT ANG PAGKAKASULAT AT NARRATE, I-E-EDIT KO PA. SALAMAT.) Ang tagal na panahon ko siyang pinag-iilusyunan. Ngayong nagbunga ang paghihirap na dinanas ko makuha lang siya, saka pa niya ako iiwan. Habangbuhay nalang ba talag...