Chapter 24: Untitled*

314 12 3
                                    

“Kalila, tahan na,” malumanay na sabi sa akin ni Aiel habang hinihimas ang likod ko. Kanina pa kami nandito sa kadulu-duluhan ng McDo kung saan pinagtitinginan na ako ng ilang mga schoolmates namin na nasa tabing mesa. “Uy, tahan na. Papangit ka niyan,” banta ng best friend ko. “Lalo,” dagdag pa niya.

Kahit anong pagpapatahan ang gawin niya sa akin, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak sa tuwing maaalala ko ang hindi pagpansin sa akin ni Maven. Nilagpasan niya lang ako kanina. Hindi ko matanggap. Ang sakit kasi. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, samantalang noon pa man ay ginagawa na niya sa akin ‘yun. Lagi pa nga niya ako sinisigawan noon, di ba? Eh bakit ngayon parang naaapektuhan na ako ng husto... Huhu. Nakakainis talaga. Kasalanan lahat ng bruhang Jessa na ‘yun.

“Hoy. Tama na sabi. Masyado kang affected! Dati ka pa naman ginaganyan ni Maven ah,” sabi niya na tila nabasa ang mga iniisip ko. “Iba na ‘yan, best friend.”

Iba na ‘yan. Siguro nga true love na ito. Sobrang sakit kasi eh. Alam niyo ‘yun? ‘Yung pakiramdam na parang gusto mong sumuka o umiyak dahil sa sakit. ‘Yung pakiramdam na parang may umiikot na bulate sa tiyan at dibdib mo sa tuwing nagagalit ‘yung taong gusto mo? Ganun ang naramdaman ko.

Hindi ako sumagot sa mga sinabi ni Aiel, sa halip ay lalo pa akong naiyak kaya naman hindi na siya nakapagtimpi. Huminga siya ng malalim at saka ako sinabihan ng kung anu-ano pero ang naintindihan ko lang ay ang nakakapagpabagabag niyang katanungan, “MU na ba kayo?”

May something na nga ba sa pagitan namin ni Maven o baka naman umiiral lang talaga ang pagkailusyunada ko noong mga panahong ang “sweet” niya? Siyempre kung ako ang tatanungin, merong something. Kakaiba nga naman kasi ikinikilos ni Maven nitong nakaraan magmula nga noong araw na napulot ko si Miming. Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa rin maisip kung ano nga ba ang posibleng dahilan. Wait... Hindi kaya matagal na rin niya akong gusto pero ayaw niya lang aminin, at ‘yung kaganapang muntik na akong masagasaan ang nagparealize sa kanya ng nararamdaman niya sa akin? Oh my gosh. Sumasakit na naman ang dibdib ko, hindi ko alam kung sa kilig o inis.

Ilang minuto rin ang lumipas bago ako tuluyang nahimasmasan. Pinaulanan pa ako ni Aiel ng maraming sermon matapos nun. Huwag daw ako feeler, o mag-expect ng husto sa pinapakita ni Maven dahil alam naman naming dalawa kung ano talaga ang ugali niya. Aaminin kong nainis ako kay best friend dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko man lubusang kilala si Maven pero ramdam kong hindi siya kasing-sama ng iniisip ni Aiel. Hindi ko nalang siya kinontra dahil ayoko namang mag-away lang kami dahil sa lalaki. Ayokong isipin niyang mas kinakampihan ko si Maven kaysa sa kanya na best friend ko.

“Alam mo, kung ako sa ‘yo, kay Oliver ka nalang,” suhestiyon niya habang lumalantak ng fries at isinasawsaw ito sa binili niyang sundae. Hindi ko naman napigil ang sarili ko na gayahin siya dahil masarap naman talaga ang lasa.

“Oliver ka diyan. Ang dumi ng utak mo, magkaibigan lang kami,” sagot ko. Nagkibit-balikat lang siya, patunay na hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Tuluyang nawala kay Maven ang usapan namin. Pilit niyang ipinapasok si Oliver sa usapan pero hindi ko pinapansin. Ano ba naman kasing pumasok sa utak nito’t naiisip niya ‘yung ganun. Hindi kaya maganda ang nagsasalita ng walang basehan.

Nagpalipas pa kami ng ilang oras sa McDo hanggang sa hindi na makalakad si Aiel dahil sa pagkabusog. Mabuti nalang mayaman itong babaeng ito, nilbre lang ako ng pagkain dahil sabi ko sa kanya ay kakaunti lang extrang pera ko. Naintindihan rin naman niya nang sabihin kong gusto kong gamitin iyon pambili ng regalo kay Maven. Gusto ko namang makabawi kahit papaano, kahit galit siya.

Nagpasama ako kay Aiel bumili ng ireregalo kay Maven. Ang suhestiyon niya ay card nalang ang ibigay ko. Mas maganda daw kasi kung may effort, hindi ‘yung basta nalang binili. Tama naman siya kaya heto kami ngayon, kanina pa paikot-ikot sa Orchids Bookstore, katabi lang ng McDo. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang mga pinagkukuha kong pangdesign.

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon