Chapter 11: Kuting at Zagu

460 18 12
                                    

Nothing to display.

K. Fine. Akala ko pa naman kung anong text niya, blanko lang naman pala. Umasa lang ako sa wala. Oh well. At least nagtext siya! Di ba? Hehe! Makapagpahinga na nga lang.

Matapos kong mahiga sandali, narinig kong parang nagtataasan ng boses sina Jessa at Oliver sa may sala. Bumangon ako at itinutok ang tenga ko sa may pintuan. Intense!

“...may gusto ka ba kay Kalila?!” galit na galit na tanong ni Jessa.

Hala, kung makapag-ilusyon naman itong babaeng ito. Ako? Magugustuhan ni Oliver? Helloooo, Jessa, ikumpara mo naman ako sa ‘yo no! Masakit mang aminin pero walang wala ako sa beauty mo. Mahiya ka nga sa boyfriend mo. Magseselos na nga lang, sa pangit pa. Nako.

“...Jessa, tumigil ka nga sa pagiging immature mo,” sagot ni Oliver. Nakakatakot siya.

“Immature? Ako pa ngayon ang immature? Ugh! Umalis ka nga dito!”

“Fine,” narinig ko ang malakas na pagsara ng front door.

Nakakalungkot naman. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Tsk. Hindi naman kasi sadya ‘yung pagkikita namin kanina, saka... Eehh. Nakakaguilty.

Monday. Nandito kami ngayon ni Aiel sa labas ng room, kumakain ng lunch. Kanina pa nga niya ako kinakausap pero wala man akong maintindihan. Kasi naman, iniisip ko pa rin ‘yung kasalanan ko. Kailangan kong magsorry kina Oliver at Jessa.

“Kalila, nakikinig ka ba?” tanong ni Aiel na gumising sa diwa ko.

“Best friend, sorry hindi. May iniisip lang. Kasi Yel, nag-away sina Oliver at Jessa,” sagot ko.

“O tapos, problema mo dun?”

“Ako dahilan... nagseselos si Jessa,” pagkasabi ko nun, bigla nalang siyang humagalpak sa tawa. Grabe lang. Kung ano ang ikinahinhin ng itsura nito, ‘yun naman ang ikinawalang hiya niya. Seriously, looks can be deceiving.

“Oookay? Kalila, hindi dahil best friend mo ako ay wala na akong karapatang tumawa. Pero.... seven, nakakatawa talaga. I mean, nakakagulat! Isang Jessanica Young, pagseselosan ang best friend kong si Rana Kalila Mallari? Oh my gosh. Just oh my gosh! Kakaibang pangyayari ‘yun, mag-eend of the world na ata, kalurkey!”

“Ang sama mo naman. Oo na, alam ko namang hindi ako selos material pero duh, nangyari na. Nagselos na. Dinig na dinig ko sigawan nila kahapon...” kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari, “Hysterical talaga si Jessa.”

“Best, ganito ‘yan eh. Problema nila ‘yun, di ba? Huwag mo nang pakialaman kahit ikaw pa ang pinagseselosan. Kaya nang resolbahin ni Oliver ‘yun. ‘Yun pa? Mahal naman ata nun ‘yung amo mo eh,” seryoso niyang sabi.

“Kaso ano... Sikreto lang natin ah,” lumapit ako sa kanya at saka binulong ang kung ano mang nakita ko sa Facebook ni Jessa. Gulat na gulat si Aiel at napatakip ng bibig. Tinignan niya ako na parang nagtatanong kung totoo nga ba, tumango lang ako.

“Oh my gosh. Anong klaseng babae ba ‘yan? Wala naman palang karapatang magselos! Tch. Kapal please,” inis na inis na sabi ni Aiel.

“Oh, bakit affected ka?” tanong ko.

“Ay, oo nga no? Wala lang. Nakakainis kasi. Landi eh. Kapag talaga ‘yan, inaway ka, hindi ako magdadalawang isip na makigulo at isampal sa mukha niya ang pagtataksil na ginagawa niya sa jowa niya!”

Awww, ang sweet naman ni Aiel. Amazonang sweet. Hehe. Thank you po Papa God dahil binigyan mo ako ng ganitong best friend. Promise po aalagaan ko siya habang buhay. Thank you thank you po.

Mabilis rin lumipas ang oras ngayon, lagi naman eh. Uwian na kasi. Si Aiel, niyaya akong magpunta sa may palengke. Bili daw kami ng Zagu, ililibre niya ako. Dahil best friend ko naman siya, hindi na ako tumanggi. Aba, bakit pa ako mahihiya? Grab the opportunity nga, di ba? Hahaha.

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon