Chapter 12: Kahon sa Gitna

479 16 12
                                    

Dugdug. Dugdug. Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Siguro kung ang Guinness ay magkaroon ng record na highest pulse rate in the world, ako na makakasungkit nun. Feeling ko kasi 1000 beats per second ang tinitibok ng puso ko ngayong katabi ko si Maven. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang siya nakasama ng ganito katagal, ng ganito kalapit. Kung tutuusin, sandaling sandali lang ang lalakarin mula kanto ng subdivision hanggang bahay pero ito na ata ang pinakamatagal na limang minuto sa buong buhay ko.

Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang naglalakad kami. Nakapasok sa mga bulsa niya ang dalawang kamay niya. ‘Yung itim na Jansport niyang bag, nakasabit sa kanyang kaliwang balikat. ‘Yung earphones, hindi na niya suot. Ako nasa tabi niya, sa kanan, dala-dala ang karton.

“Maven,” tawag ko. Tinignan niya lang ako saglit agad bawi rin, ‘yung tipong mata lang ang gumalaw, hindi kasama ang ulo. At lalong hindi rin tumitigil sa paglalakad. Napangiti pa rin ako dahil doon kasi at least pinansin niya ako.

Kinausap ko siya ulit, “Ano... Maven. Kasi ano. Pasensya na po talaga, dahil sa akin, nasugatan ka pa.”

Hindi pa rin siya sumagot. Nanatiling sa dinadaanan namin ang tingin niya. Bakit ganun? Ang lakas ng pabango ni Maven. Kahit na dalawang ruler ang pagitan namin, amoy na amoy ko. Pabango ba ang iniinom nito’t pati pawis niya ay mabango? Grabe, kinikilig ako.

“Maven, may itatanong po sana ako,” nahihiya kong sabi. Sana huwag niyang tawanan ang tanong ko, “Napansin mo po ba kung saan napunta ‘yung pinag-inuman ko ng Zagu? Ang alam ko po kasi nung maidlip ako, hawak ko ‘yun. Paggising ko, wala na.”

Okay. Alam ko walang kwenta pero kasi, nacucurious talaga ako kung saan napunta ‘yung pinag-inuman ko ng Zagu! Masama ba ‘yun? Weird na kung weird, sige. May kanya-kanya naman tayong kawirduhan, di ba?

Tinignan ko reaction ni Maven... napangiti siya, mga 5 millimeters at isang segundo. Sabi ko na nga ba tatawanan niya lang eh. Nakakahiya tuloy.

“Sabi ko nga po, weird. Hehe, never mind,” bawi ko sabay yuko. Define awkward.

“Baliw,” sagot niya. Kahit ganoon lang ang sinabi niya, napangiti ako. Ba, effort rin ‘yung dalawang syllables na ‘yun.

Pagdating namin sa bahay, si Maven, dumiretso sa loob para magpakita kina Tita at Jessa. Ako naman, agad ibinaba sa may likod ng bahay ‘yung karton para iwas sermon sa maldita. Sa pagkakaalam ko, ayaw nun sa mga hayop na walang breed. Arte ‘no?

“Muning, teka lang ha. Gagawin ko muna ‘yung mga dapat kong gawin tapos paiinumin kita ng gatas,” sabi ko sa kuting. Ang cute cute talaga!

Halos matatapos na ako sa mga gawing bahay ko para sa araw na ito. Mindali ko talaga dahil baka mapano ‘yung kuting. Kakain na ng hapunan. Tinawag ko na si Tita para kumain, tutal nakapagluto naman na si Nanay. Ang kaso nga lang, sabi niya, mamaya nalang daw siya magdidinner. Subsob na naman sa trabaho. Si Nanay, busog pa daw. Grabe rin ang mga tao dito sa bahay eh. Hindi ba sila ginugutom?!

Pinuntahan ko si Jessa sa kwarto niya at niyaya siyang kumain. Sumunod naman siya sa akin sa dining area. At least meron pa palang natitirang tao dito, kahit hindi ugaling tao. Hehe. Si Maven nga pala ay lumabas saglit, may bibilhin daw para sa assignment nila bukas. Babalik din naman daw siya agad.

Nagsisimula na kaming kumain ni Jessa ngayon. Ang awkward nga eh, magkatapat kami. Alam niyo ba ‘yung feeling na may something sa tiyan mo na umiikot na parang natatae pero hindi naman? Ganun ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan kasi ako.

“Kalila, tapatin mo nga ako. May gusto ka ba sa boyfriend ko? Anong meron sa inyong dalawa?” tanong niya. Naku, sabi ko na nga ba.

“Wala po, Jessa. Promise. Magkaibigan lang po kami ni Oliver. Wala po kaming ginagawang masama, hindi ka po pinagtataksilan nun, promise,” pagdedepensa ko. Totoo naman.

Loving Superman (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon