MAHIGPIT na napahawak si Lilac sa gilid ng maliit na bangka na kaniyang sinasakyan. Hindi pa man siya nakakalayo sa daungan ay nakakaranas na siya ng malalaking alon. Maganda ang panahon at walang malakas na hangin nguni't malalaki ang mga alon. Sa liit ng kaniyang bangka at dagdagan pa ng hindi siya masyadong maalam sa paggamit nito ay hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin. Nararamdaman niyang ilang sandali na lamang ay tataob na ang bangka na kaniyang sinasakyan at maaari siyang malunod.
Umupo siya sa bangka habang nakahawak ang magkabilang kamay sa gilid nito nguni't may isang malaking alon ang humampas sa si sinasakyan niyang bangka. Naramdaman niya ang unti-unting pagtaob ng bangka kaya naman ay tumalon na siya bago pa man ito tuluyan na tumaob.
Sa laki ng alon at nagwawala ang mga tubig, hindi niya magawang lumangoy ng maayos. Nararamdaman niya ang sarili niyang nalulunod at nilalamon ng malalaking alon at malalim na karagatan.
Nararamdaman niyang nakakainom na rin siya ng tubig. Sa mga sandaling ito ay nawawalan na ng pag-asa si Lilac. Ipinagbabawal ang karagatan na ito dahil sa kapangyarihang nakabalot dito. Nilagyan ito ng kapangyarihan ng mga Nobles at ng mga Guro upang mapigilan ang sino man na tumawid sa kabilang bayan.
Walang sino man ang makakakita sa akin dito.
Sambit ng mga maliliit na boses sa loob ng isip ni Lilac. Hindi niya aakalain na pagkatapos ng maraming taon ng pagsasanay ay pagkalunod lamang ang kaniyang maaaring kahahantungan.
Sinubukan niyang abutin ang bangka nguni't hindi niya ito maabot gayong unti-unti na siyang nilalamon ng kailaliman hanggang sa-
"Waah!" isang malalim na paghugot ng hininga at naghahabol sa kaniyang paghinga si Lilac habang nakatingin sa mukha ng isang binata sa kaniyang harapan. Nakahawak ito sa kaniyang pala-pulsuhan na siyang hinila nito upang maitaas si Lilac mula sa pagkakalunod sa tubig.
Ito si Edge Oni. Ang unico-hijo ng kanilang punong guro na si Professor Constance at kilalang isang mahusay na estudyante sa loob ng Kamarchya.
Hinila nito si Lilac papasok sa sakay nitong bangka habang habol pa rin ng dalaga ang kaniyang hininga hanggang sa makarating sila sa daungan. Inilalayan siya ng binata hanggang sa makapunta sa lupa.
Nakadapa si Lilac sa lupa na basang-basa at nagmistulang basang sisiw.
Pagkatapos ng ilang minuto na hinahabol ang kaniyang hininga ay tiningala niya ang binatang nagligtas sa kaniya. Nakatingin lang ito ng diretso sa kaniya. Walang kung ano mang emosyon o ekspresyon.
Umirap si Lilac at tinulungan ang sariling tumayo kahit na may kaunti pa siyang pagkahilo.
"A-ayos ka lang ba?"
Kinakabahang tanong ng isa pang binata na nagtatago lamang sa likod ni Edge. Siya si Shiyo Xanders. Mahiyain at kaibigan ni Edge.
"Hindi ako magpapasalamat sa 'yo. Hindi naman ako nanghingi ng tulong sa 'yo." malamig at masungit na usal ni Lilac at umiwas ng tingin.
Kahit sa loob niya ay nais niyang magpasalamat dahil sa pagligtas nito sa buhay niya, nguni't hindi lapat ang loob niya sa binatang ito.
Isang linggo pa lamang ang nakakalipas simula ng makilala niya ito sa loob ng Kamarchya ay hindi na sila magkasundo.
"Tss. Hindi rin naman ako umaasa ng ganon sa 'yo." usal nito at ngumisi sa kaniyang harapan. Isa itong ngisi na kinaiinisan ni Lilac.
Hindi na niya ito inimikan at tumalikod na nguni't isang hakbang pa lang ay nagsalita ulit ito.
"Ang tapang mo rin para labagin ang utos ng punong guro at ng palasyo mismo. Sa totoo lang ay hindi ako nagtataka kung bakit ka nandito. Kung ikaw ang pag-uusapan, hindi ka naman lalayo sa pagiging isang sakit sa ulo."
BINABASA MO ANG
The Last Successor
FantasyKabilang si Lilac Vanidestine sa limang angkan na pumapalibot sa Sankori Kingdom. Labing siyam na taon ang nakakaraan, isang kagimbal-gimbal na digmaan ang nangyari dahilan ng tuluyan na pagkawala ng kaniyang angkan. Sa kagustuhang maipaghiganti ang...
