"EDGE!" agad na napahinto si Edge Oni ng marinig ang matigas na boses ng pagtawag ni Professor Constance sa kaniya. Isang hakbang pa lamang ang kaniyang nagagawa ay agad na siyang nahuli ng kaniyang ama. Lumuwag ang pagkakahawak ni Edge sa kaniyang espada at huminga ng malalim. "Mga guardians, papasukin na ninyo ang mga estudyante sa kanilang mga silid." dagdag ni Professor Constance at tumalikod na."Masusunod, Professor." sagot ng isa sa mga guardians. Nagsimulang magsi-alisan ang mga estudyante kasabay ng pagtataboy ng mga guardians. Habang si Edge Oni ay nanatiling nakatayo at nakatingin lamang sa malaking pinto na nilabasan ni Lilac kasama is Lord Ramar Williams. Ganoon din si Shiyo Xanders na malakas ang kabog sa dibdib at di mapakali.
"Edge, anong gagawin natin?" nag-aalalang tanong ni Shiyo habang nanatili sa likod ni Edge. Kahit si Shiyo ay ayaw maniwala sa inaakusa nila sa dalaga. Kahit na mataray ang dalaga ay alam niyang hindi nito magagawang pumaslang at manakit ng tao.
"Bumalik ka na sa iyong silid. Ako na ang bahala!" wika ni Edge at naglakad ng mabilis. Walang nagawa si Shiyo kundi sundin ang sinasabi ng binata kahit na siya man ay nais niyang gumawa ng paraan para mailigtas ang dalaga.
Pagtataksil sa kaharian ang kanilag inaakusa kay Lilac kaya naman ay isa itong malaking bagay. Ang pagtataksil sa kaharian ay maaaring hatulan ng kamatayan. At kung hindi magiging maayos ang imbestigasyon at mapatunayang si Lilac ang gumawa ay maaari siyang mahatulan ng pagpatay.
Hinanap ni Edge Oni si Lady Georgiana o si Lady Lorelie. Nais niya itong makausap ukol dito nguni't nalaman niyang bumalik ito sa palasyo kasama si Lady Annalise na nasa kritikal na kondisyon.
Muli niyang tinungo ang silid ng kaniyang ama at hindi na siya kumatok pa upang makapasok. Nadatnan niya ang kaniyang ama habang kausap si Professor Smith at Professor Hidmer. Napahinto sila sa kanilang pag-uusap ng mapansing dumating si Edge Oni.
"Paumanhin." mahinang wika ni Edge at muling isinara ang pinot nguni't sinadya niyang hindi ito isara ng tuluyan at nanatiling nakatayo sa likod ng pinto.
"Walang malay si Lady Annalise. Isang matapang na lason ang lumalason sa kaniya kaya naman ay paniguradong mahihirapan itong maghilom at gumaling. Kung hindi ito maagapan agad ay maaari niya itong ikamatay!" narinig niyang wika ni Professor Smith,
"Kung ganon ay maaaring mapahamak si Lilac Calixto. Hindi natin basta-bastang mapawalang katotohanan ang akusa gayong si Lady Georgiana Williams mismo ang nagsasabing nakakita sa nangyari." dugtong ni Professor Hidmer sa sinabi nito.
"At isa pa, paano kung siya nga talaga?"
Hindi na napigilan ni Edge kundi ang pumasok ulit sa silid. Muling naagaw ng malakas niyang pagbukas ng pinto ang atensyon ng mga guro. Tinapunan naman siya ng kaniyang ama ng masamang tingin.
"Edge, lumabas ka muna. Meron kaming mahahalagang pinag-uusapan. "wika ng kaniyang ama nguni't hindi niya ito pinansin. Naglakad siyang patuloy papasok sa silid at yumuko sa harapan ng mga gurpo.
"Paumanhin. Nguni't sa tingin ko ay kailangan kong sabihin ito."
"Ano iyon?" tanong ng kaniyang ama at nag-aabang sa kaniyang sasabihin.
"Linggo lang ang nakakaraan ay sinalakay ng mga di makilalang mga tao ang Kamarchya. Simula ng pumasok ang prinsipe at ang mga nobles dito sa ating paaralan ay nagsimula ang pag-atake ng mga pegagsus at mga di kilalang tao. Maaari natin iyon maging isa sa dahilan kung bakit may nangyari kay Lady Annalise. "
Nagkatinginan ang tatlong propesor at muling napatingin kay Edge Oni. Lumuhod ito sa kanilang harapan.
"Edge, anong ginagawa mo?"
BINABASA MO ANG
The Last Successor
FantasyKabilang si Lilac Vanidestine sa limang angkan na pumapalibot sa Sankori Kingdom. Labing siyam na taon ang nakakaraan, isang kagimbal-gimbal na digmaan ang nangyari dahilan ng tuluyan na pagkawala ng kaniyang angkan. Sa kagustuhang maipaghiganti ang...