Chapter 09 : Perfect Match

103 6 0
                                        




NAPATINGIN si Lilac sa isang hibla ng kaniyang buhok na mistulang naiiba ang kulay. Mula sa kulay ginto ay nagmistulang isang kulay kayumanggi na may halong ginto. Naghanap pa siya ng iba na ganoon sa kaniyang buhok nguni't wala na siyang makita.

"Indigo Baxler El Throndsen!"

Pabalik-balik sa kaniyang isipan ang pangalan ng prinsipe. Ngayon niya lamang nalaman ang pangalan ng prinsipe. Nguni't sa isipan na isa itong Throndsen ay maa lalong nagningas ang kaniyang galit sa puso.

Napakasama niya para kontrolin ang katawan ko!

Sigaw ng kaniyang isip habang nakatitig sa sariling repleksyon sa kaniyang salamin. Nakabukas ang pinto na nasa gilid ng kaniyang higaan. Pumapasok ang ilaw na mula sa buwan kaya naman ay nagagawa niyang makita ang kaniyang replekyson sa salamin. Nakasindi din ang kaniyang ilaw sa kaniyang mesa sa gilid.

Mahimbing na natutulog ang iba pang mga dalaga na kasama ni Lilac sa kaniyang silid kaya naman ay sinusubukan niyang di makagawa ng ingay. Wala ni isa sa kanila ang naging kaibigan niya. Lahat ay iniiwasan siya at hindi siya kinakausap.

Muling sumagi sa isip niya si Shiyo.

Tss. Patpatin.

Bulalas niya at humiga na sa kaniyang higaan.

Kinabukasan ay isang normal na araw na pa rin. Sinubukang baliwalain ni Lilac ang nangyari kahapon. Sa araw na ito at sa susunod na mga araw ay makakaharap niya ang prinsipe ulit at wala siyang magagawa roon.

Kailangan ko lang siyang iwasan hanggang sa aking makakaya.

Bulong niya sa sarili. Habang naglalakad naman sa pasilyo ay nakasalubong niya si Edge Oni. Hindi kagaya ng dati ay hindi si Shiyo ang kasa-kasama nito. Kasama nito ang iba pang mga Sophies na naatasan maging guardian sa Kamarchya. Sila ang grupo ng mag-aaral na magbabantay sa buong paaralan at aa mga estudyante.

Malimit lang makita ni Lilac ang guardians na magkakasama sa loob ng Kamarchya kaya naman ay maging ang ibang mga mag-aaral ay nagtataka sa biglaang paglabas ng mga ito ng magkakasama.

"Mauna na kayo. May kakausapin lang ako." wika ni Edge Oni sa mga kasama at nagpaalam na ito sa kaniya.

Napahinto naman si Lilac ng biglang harangan siya ni Edge sa paglalakad.

"Anong kailangan mo sa akin?" masungit na tanong ni Lilac habang nakatingin ng diretso kay Edge.

"Ito na ang huling babala ko sa'yo, Lilac. Iwasan mong gumawa ulit ng eksena sa loob ng Kamarchya. Muntik ng mapahamak si Shiyo dahil sa ginawa mo."

"Ano ba ang kinais mo diyan? "

"Kahit kailan ay hindi ka talaga nakikinig sa akin."

"Buti at alam mo, Ginoo. At wala akong balak na makinig sa mga sinasabi mo." tiningnan ni Lilac ang pasilyo. Ang mga estudyante na napapadaan ay napapatingin sa kanila. Hindi- kay Lilac. Lahat ng ito ay hinuhusgahan siya sa pamamagitan ng tingin. "Maaari ba ay umalis ka na sa harapan ko. Kailangan ko ng pumasok sa klase."

"Hindi mo pa rin ba nakikita ang resulta ng mga kilos mo? Maraming mapapahamak kapag mas lalo pang tumigas 'yang ulo mo."

"Ano bang problema mo? Kung nag-aalala ka kay Shiyo, oo hindi ko na papagawin sa kaniya 'yon. Hindi na dahil hindi lang naman siya ang muntik ng mapahamak kahapon."

"Kaya nga mag-iingat ka!"

Napahinto si Lilac ng tumaas ang boses ni Edge nguni't sa sandaling ito ay hawak na ni Edge ang palapulsuhan ni Lilac. Nang mapansin ni Edge ang kaniyang ginawa ay agad niyang binitawan ang kamay ng dalaga.

The Last SuccessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon