"LILAC!" isang malaking boses mula sa kaniyang likuran ang nagpabaling ng atensyon ni Lilac mula sa kaniyang ginagawa. Kanina niya pa sinusubukan ang paggawa ng Pixies gamit ang isang bato. Nguni't nahihirapan siyang gawin ito. Mabilis niyang nagawa ang unang hakbang. Ang gumawa ng bato gamit ang tubig. Ngayon ay inaamin niya na nahihirapan siya sa pangalawang hakbang na ito."Sandro..." sambit nito sa pangalan ng isang lalaki na nasa kwarenta na. Kulay kayumanggi ang balat nito. Matipuno ang pangangatawan nguni't kung iyong pagbabasehan lamang ang kaniyang mukha ay hindi siya nakakatakot tingnan. Isang maamo at mapayapang mukha ang iyong makikita sa mukha ni Sandro Calixto.
"Anong ginagawa mo? Kanina ka pa diyan. Magdidilim na." nagtataka nitong tanong. Noong makarating si Lilac mula sa Kamarchya ay agad itong nagtungo sa labas ng kanilang bahay sa ilalim ng isang 'sakura' na puno at ginagawa na nito ang paggawa ng pixies. May hangin kaya naman ay nahuhulog ang mga kulay rosas na maliliit na dahon ng 'sakura'.
"Gumagawa ako ng pixies." diretsong sagot nito st bumalik sa paggawa. Si Sandro naman ay nangunot ang noo habang nakatingin sa isang bato sa harapan ni Lilac. Naguguluhan kung ano ang pixies na sinasabi nito.
"Pixies?"
Tinapunan siya ni Lilac ng tingin. "Sandro, alam mo ba kung paano ko magagawa ang pixies?"
"Huh?" Agad na napailing si Sandro at nagkrus ang mga braso nito. "Hindi. Alam mo namang buong buhay ko nandito lang ako sa Elwood. Hindi ako lumabas ng bayan na ito kaya wala akong alam sa mga mahika na tinuturo sa Kamarchya."
"Bakit hindi mo rin pag-aralan? Sabi ni Professor Hidmer, lahat ng mamamayan ng Sankori ay may taglay na mahika sa loob nila. Ang kailangan lang ay gisingin ito at sanayin."
Hindi agad na umimik si Sandro at nakatingin lamang ito kay Lilac. Ginagawa na ulit nito ang paggawa ng pixies.
"Eko-Eko Whiz!" bigkas ni Lilac nguni't wala pa ring nangyayari. "Bakit hindi? Kahapon inutusan ako ni Professor Hidmer na gumawa ng pixies at hindi ko nagawa. "
"Baka mali ang pagkabigkas mo."
"Eh, paano ba sa iyong palagay? "
Nagkibit balikat si Sandro at hinawakan ang balikat ni Lilac. "Magpahinga ka na. Madilim na."
"Mauna ka na, Sandro. Kailangan kong magawa ito. Kailangang kong makagawa ng pixies."
"Para saan?"
Napahinto si Lilac sa biglang tanong ni Sandro.
"Anong para saan?" biglang lumamig ang tono ni Lilac at hindi man lang nilingon si Sandro.
"Tungkol pa rin ba ito sa paghihiganti mo?"
"Sandro-"
"Lilac, hindi pa rin nagbabago ang isip ko. Hindi pa rin ako sang-ayon sa binabalak mo. Delikado ang daan na gusto mong tahakin, Lilac."
"Hindi rin magbabago ang isip ko."
"Alam kong hindi ka isang ordinaryong mamamayan ng Sankori. Nguni't, kahit na ano ka pa man ay hindi ka mabubuhay sa balak mo. Kahit na ikaw si Lilac Vanidestine. Ang kapangyarihang taglay mo ay nakatakda upang maging proteksyon ng kaharian at hindi upang paslangin ang Royals."
Huminga ng malalim si Lilac at nilagay ang isang palad sa ibabaw ng bato sa kaniyang harapan at sa isang iglap ay naging tubig ang bato.
"Alam ko, Sandro. "
BINABASA MO ANG
The Last Successor
FantasyKabilang si Lilac Vanidestine sa limang angkan na pumapalibot sa Sankori Kingdom. Labing siyam na taon ang nakakaraan, isang kagimbal-gimbal na digmaan ang nangyari dahilan ng tuluyan na pagkawala ng kaniyang angkan. Sa kagustuhang maipaghiganti ang...