Chapter 36 : A Dance with the Prince

91 7 2
                                        




NAPAISIP rin naman si Lilac. Totoo bang walang alam ang prinsipe tungkol sa kaniya? Hanggang ngayon ba ay hindi nito alam ang totoo niyang pagkatao? Kung oo, bakit mukhang wala naman itong reaksyon o ginagawa man lang na aksyon?

Kilala ang Vanidestine bilang taksil na angkan sa mga royals. Kung alam na ito ng prinsipe ay bakit wala itong ginagawa? Sa halip ay ipinapakita nitong iniibig niya ang dalaga.

O baka naman ay wala talagang alam ang prinsipe.

Naiwang mag-isa na si Lilac sa gitna. Umalis na si Alexandra at si Stephen at iniwan siyang naguguluhan.

Hindi lahat kalaban. Sabi nila. Totoo nga ba? Dapat nga bang magtiwala si Lilac sa taong minsan ay nagpakita ng awa sa kaniya?

"Anong ginagawa mo dito?"

Nilingon ni Lilac ang prinsipe na kakarating lang. Kanina niya pa nararamdaman ang prinsipe sa paligid.

"Kanina pa kita hinihintay. Alam kong mahahanap mo ako kahit saan ako magpunta." naglakad si Lilac upang salubungin ang prinsipe.

Napatitig siya sa mapupulang mata ng prinsipe. Naalala niya noong una niya itong makita. Isa itong uri ng mata na pinagmamay-ari ng napakamakapangyarihang tao. Na alam niya sa sarili niyang hindi niya maaabot.

Nguni't nandito siya ngayon at hawak-hawak ang mga palad nito at ramdam ang init ng mga yakap nito.

"Ang presensya mo ang bumubuhay sa dugo." bulong ng prinsipe ng makalapit na ito. Nasa malapit sa taenga nito ang kaniyang taenga.

Hinawakan nito ang kamay ng dalaga at inilagay ang isang kamay nito sa kaniyang balikat.

Sa unang pagkakataon ay napangiti ang dalaga habang nakatanaw sa mukha ng prinsipe. Tanging ang liwanag ng buwan lamang ang nagbibigay liwanag nguni't sapat na iyon upang makita ang magandang itsura nito. Mas lalong gumaganda naman sa kaniyang paningin ang mga mapupula nitong mata.

"Kamahalan..."

Pinukulan siya ng prinsipe ng maamong tingin. Hindi kagaya ng dati, ang mga tingin ng prinsipe sa dalaga ay puno ng pagkamaangha at pagsinta. Hindi maikakaila sa mga mata ng prinsipe ang saya habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Lilac.

"Ano iyong aking binibini?"

"Nais kong makita ang iyong pangil."

Nagulat ang prinsipe sa sinabi nito at humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay nito. "Bakit?"

"Saglit lang. Nais ko itong makita."

Hindi agad na nakaimik ang prinsipe pero unti-unti silang umaangat. Napatingin si Lilac sa kaniyang ibaba at mas napakapit siya sa prinsipe na ngayon ay magkadikit na ang kanilang mga katawan.

"Paumanhin, nguni't hindi ko 'yon magagawa."

"B-bakit?"

Inilapit ng prinsipe ang kaniyang mukha sa dalaga at hallos yakap niya na ito habang hawak pa rin ang kamay ng dalaga at ang isang kamay niya sa beywang nito.

"Isa 'yong sumpa na dapat ibaon sa limot."

"Kamahalan..."

Nagsimulang gumalaw ang prinsipe at isinayaw si Lilac sa ere. Naninibago pa si Lilac dahil sumasayaw sila sa hangin nguni't hinayaan niya rin ang prinsipe na dalhin siya sa kung saan. Nakakapit lamang siya sa balikat nito at nakatitig lang sa kaniya.

"Ang husay mo! Marunong ka na kaagad." pagpuri ng prinsipe na mas kinalapad ng kaniyang ngiti. Unti-unti niya na ring nagugustuhan ang pagsayaw nila sa ibabaw.

The Last SuccessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon