Chapter 42 : She died

79 8 0
                                    



NAPAHINTO sila sa hagdan kaya naman ay sumandal si Lilac at Lady Georgiana sa pader. Nakatusok pa rin ang ibang mga balahibo kaya naman ay pilit nila itong tinatanggal.

Hinihingal pa sila habang iniinda ang sakit at hapdi ng mga sugat nila sa katawan. Napapikit si Lilac habang binubunot ang isnag balahibong nakatusok sa kaniyang tagiliran. Ganoon rin naman si Lady Georgiana.

Tinapunan ni Lilac ng tingin si Lady Georgiana na hinang-hina na. Mas marami itong sugat dahil siya ang nakipaglaban kay Lord Windsor sa sandaling hinarangan sila nito habang pababa sila mula sa tuktok ng palasyo.

Iniangat ni Lilac ang kaniyang isang palad at inilapat ito kay Lady Georgiana.

"Lilac, mas lalo kang manghihina." wika nito at hinawakan ang kamay ni Lilac.

Umiling si Lilac. "Isa akong manggagamot. Kailangan kitang pagalingin."

"Lilac!"

Wala na siyang nagawa dahil sinimulan na nitong pagalingin ang kaniyang mga sugat. Naramdaman ni Lady Georgiana ang unti-untig pagkawala ng mga hapdi sa kaniyang katawan. Nakikita niya ring sumasara ang kaniyang mga sugat.

Napatingin naman siya kay Lilac na ngayon ay nanghihina na lalo at napasandal na sa pader.

Tumayo si Lady Georgiana at hinawakan ito. Tinitigan niya ang dalaga na ngayon ay nakapikit na at halatang nanghihina na.

"Lilac, kaya mo pa bang tumayo?"

Iminulat ni Lilac ang kaniyang mata at tumango. Sinimulan siyang alalayan ni Lady Georgiana at nagulat siya ng may bigla na lamang pumunta sa kabilang gilid ni Lilac. Isa itong babaeng ngayon niya lang nakita.

Nagulat din naman siya ng makita ang isang apoy na lumulutan na kasama nito.

"Sino ka?" tanong ni Lady Georgiana sa babaeng nakahawak sa kabilang braso ni Lilac na inaalalayan din naman ito.

"Ako si Rosetta. Mula ako sa Vanidestine Clan. Ito naman si Crimson." turo niya sa apoy na lumulutang at may mata at bibig.

"Crimson, ikaw ba 'yan?" tanong ng isang Sprite.

"Oo."

"Paano kayo nakapunta dito? Buti ay buhay kayo!"

"Nagtatago kami sa ilalim ng mansion habang hinihintay ang pagbabalik ni Lady Lilac. Nandito kami para hanapin si Lady Lilac at hindi namin inaasahan na ganito ang maabutan namin sa kaharian."

"Oo. Magulo na."

Si Crimson ay isang apoy na binigyan ng mga Vanidestine ng buhay. Tahimik lang si Morgan habang nakatingin kay Lilac na inaalalayan ng dalawang babae.

Si Lady Georgiana naman ay hinayaan na ang babaeng si Rosetta na tulungan siya. Inaalalayan lamang nila si Lilac habang sinusubukan nilang magtago upang hindi mapansin ng mga pegagsus. Nasa unahan sila habang nakasunod lang si Morgan , Crimson at ang ibang mga Sprites sa kanila.

Marami silang natatanaw na mga naglalaban kaya kailangan nilang maging maingat.

"Kailangan nating mailabas si Lady Lilac. Masyado na siyang nanghihina." wika ni Rosetta kay Lady Georgiana.

"Wala tayong madadaanan na walang pegagsus."

"Wala bang ibang daanan dito?" tanong nito at nakatingin kay Lady Georgiana.

Napaisip si Lady Georgiana at nagpalinga-linga. Sa lahat ng direksyon ay makikita mo ang mga naglalaban. Marami ng marka ng kalmot ng mga halimaw, apoy. Masyado ng magulo ang palasyo.

The Last SuccessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon