BUMAGSAK sa sahig si Lilac habang pinipigilan ang sarili niya. Iniangat niya ang kaniyang tingin at tinitigan ang binata ng masama."Bakit mo 'to ginagawa?"
Nanatiling nakatayo ang prinsipe at nakatitig sa dalagang nakadapa sa kaniyang harapan. Tila iniinda nito ang nararamdaman niya.
"Hindi ba't ikaw ang naghahanap sa'kin? "
"N-nagkakamali ka. H-hindi kita kailangan." biglang bulalas ni Lilac. Salungat ng kaniyang nararamdaman. Hindi niya maaaring sundin ang kaniyang nararamdaman. Hindi siya maaaring alipinin nito.
"Bakit hindi 'yan ang sinisigaw ng mga mata mo?"
Bumaba ang binata upang pumantay sa dalaga na ngayon ay nanatili pa ring nakadapa sa sahig. Sinubukan nitong hawakan ang pisngi ng dalaga nguni't mabilis nitong iwinaksi ng dalaga gamit ang natitira niyang kontrol sa sarili.
"Layuan mo ako!" madiin nitong sabi at tiningnan ito ng masama.
"Bakit? Bakit mo nilalabanan? Hindi ba't ito ang gusto mo?"
"Kahit kailan ay hindi ko ninasang mahawakan mo. Ilayo mo sa akin ang iyong kamay. Hindi kita kailangan."
"Lilac!"
Nagtatakang nakatingin si Edge sa dalagang nakadapa sa sahig. Sinusubukan nitong bumangon nguni't parang nahihirapan ito. Natigilan ito ng makita ang prinsipe na nasa harapan ng dalaga habang nakatingin lang din ito aa dalaga.
Ang mga guardians na kasama ni Edge ay nagtataka ding nakatingin sa dalawa.
"Kamahalan..."
Muli ay tawag ng boses ni Professor Hidmer sa likuran ng prinsipe. Ngayon naman ay napalabas na rin sa silid aralan ang mga estudyante at nagtatakang napatingin sa dalagang nakadapa sa sahig.
"Lilac!" nagtataka at nag-aalalang tawag ni Shiyo nguni't hindi ito makalapit. Hindi sila makalapit ng isang dipa sa dalaga dahil sa kapangyarihan ng prinsipe. Hindi nila nakikita nguni't naglagay ang prinsipe ng isang mahika upang walang makalapit sa kanila.
Si Lady Annalise, Georgiana at Lorelie naman ay nagtatakang nakatingin sa kanila. Gaya ng dati ay ganito ang inaabutan nila sa tuwing magkaharap ang prinsipe at ang dalaga.
Nararmdaman din nila ang kakaibang kapangyarihan na nababalot sa paligid. Para itong naglalaban sa hangin.
Kapangyarihan ba 'to ng prinsipe?
O
Kapangyarihan nilang dalawa?
Hindi nila maintindihan ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa.
"Kamahalan, sa tingin ko ay kailangan natin siyang madala sa pagamutan. Bahala na po ang ating mga guardians sa pagdala sa kaniya sa pagamutan." suhestyon ni Professor Hidmer.
Hindi nagsalita ang prinsipe nguni't binuhat nito ang dalaga sa kaniyang mga braso. Ang lahat naman ay nagulat sa nakita.
Maging si Lady Annalise ay hindi maintindihan ang nangyayari. Hindi niya maunawaan kung ano ang kailangan nito sa dalaga.
Sinundan lang nilang lahat ng tingin ang prinsipe habang naglalakad ito sa pasilyo na bitbit ang dalaga.
Noong makakita ng isang daanan ang prinsipe ay tumungtong ito sa balustarde at tumalon mula doon papunta sa baba. Tumakbo silang lahat upang tingnan kung saan papunta ang prinsipe habang bitbit ang dalaga.
BINABASA MO ANG
The Last Successor
FantasyKabilang si Lilac Vanidestine sa limang angkan na pumapalibot sa Sankori Kingdom. Labing siyam na taon ang nakakaraan, isang kagimbal-gimbal na digmaan ang nangyari dahilan ng tuluyan na pagkawala ng kaniyang angkan. Sa kagustuhang maipaghiganti ang...