Chapter 13 : Can't hold back

91 8 0
                                        





"IKAW ang may kailangan sa akin."

Nagulat si Lilac. "Anong sinasabi mo?"

Nanatiling walang emosyon ang mga mata ng prinsipe. Itinaas nito ang kaniyang palad at iniabot kay Lilac.

"Bakit? Anong kailangan mo sa akin?" tanong nito.

Napatitig si Lilac sa palad ng prinsipe. Hindi niya maintindihan nguni't mas malakas ang katawan niya. Inuudyukan siya nito na abutin ang kamay na iyon.

"A-anong ibig sabihin nito?"

"Sino ka? " tanong ng prinsipe sa kaniya. Nagulat si Lilac ng humahakbang na siya papalapit sa prinsipe. Hindi niya maintindihan. Malakas ang enerhiya na dumadaloy sa katawan niya. Hinihila siya nito papalapit sa prinsipe.

"Lumayo ka!" wika ni Lilac nguni't itinaas nito ang kaniyang palad at aabutin na ang kamay ng prinsipe.

"Sabihin mo sa akin..."

Nanlaki ang mga mata ni Lilac sa kakaibang naramdaman ng kaniyang katawan ng mahawakan ang kamay ni Lilac at marinig ang bulong na iyon ng prinsipe sa kaniyang taenga. Sobrang lapit na niya sa prinsipe at para bang ito ang isang bagay na matagal na ninanasa ng kaniyang katawan.

Naramdaman niya ang palad ng prinsipe na humahaplos sa kaniyang beywang papunta sa kaniyang likod habang ang bibig nito ay nasa taenga niya.

Napapikit si Lilac.

"Lumayo ka s-sakin..." bulong ni Lilac at hinawakan ang dibdib ng prinsipe. Naramdaman naman niya ang labi ng prinsipe sa kaniyang leeg papunta sa kaniyang taenga.

"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin? Anong kailangan ng katawan mo sa akin?" bulong nito at mas lalong hinila ang dalaga papalapit sa kaniya. Kahit ang prinsipe ay di maikakaila ang kakaibang reaksyon ng kaniyang katawan sa sandaling nagdikit ang kanilang mga balat.

"Uh, a-ah, lumayo ka." nagsimula ng labanan ni Lilac ang nararamdaman niya kaya naman ay nagsisimula na siyang manginig.

Napahinto ang prinsipe nguni't nanatili itong nakahawak sa beywang ng dalaga.

"Anong kailangan mo....... Eduard?"

Biglang lumabas si Lord Eduard mula sa ibabaw ng puno. Agad naman na napaatras si Lilac ng makita ang binata.

Si Lord Eduard naman ay nagtatakang nakatingin sa dalaga nguni't hindi niya pinansin.

"Kamahalan, nagkaroon ng pagpupulong sa palasyo. Papunta na rin sila Annalise at ang iba pa. Ikaw na lang ang kulang." balita nito.

Tinapunan ng tingin ng prinsipe si Lilac bago pa man ito nawala sa kaniyang paningin.

Parang napakabilis ng pangyayari. Sa isang iglap ay nawala na ang prinsipe at ang binata sa kaniyang harapan. Humuhupa na rin ang kakaibang pakiramdam sa loob niya. Naiwan siyang nakatulala at di maintindihan ang nangyayari.


Tahimik na naglalakad si Lilac papalapit sa babay nila sa Elwood. Pagkatapos ng nangyari sa araw na 'yon ay marami ang bumabagabag sa kaniya.

Tama na, Lilac. 'Wag mo na isipin ang lalaking iyon. Ang kailangan mong isipin ay kung paano ka makakatawid sa dagat at makapunta sa palasyo?

Ngayon na unti-unti ng may nagbabago sa kaharian ay mas lalong dapat makabuo na si Lilac ng plano paano niya mapupuntahan ang palasyo. Kailangan niyang makaharap ang hari. Kailangan niyang makapaghiganti.

Inilibot naman niya ang kaniyang paningin at napansin niyang wala namang pinsala sa bayan.

"Lilac!" sumalubong sa kaniya si Sandro na may dala-dalang karne na kaniyang pinangaso.

The Last SuccessorMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon