Chapter 29 : Smile

88 5 0
                                        

BUMUKAS ang malaking pinto sa harap ng palasyo sa sandaling makarating ang prinsipe kasama sila Lilac. Mabilis na nagsikumpulan ang mga alipin at nagsitayuan sa gilid ng malaking pinto. Ang mga kawal ay nagpilahan rin naman upang salubungin ang pagbabalik ng prinsipe sa palasyo.

Dumaan ang isang buong araw at hindi na maipinta ang mukha ni Lilac sa pagod. Literal na hindi nga sila nagpahangi upang makarating sila sa palasyo sa tamang oras na napagkasunduan nila ng hari.

"NANDITO NA ANG PRINSIPE, KASAMA SI LORD EDUARD AT IBA PA!"

Bungad ng isang kawal sa malakas na boses.

Nagsiyukuan ang mga alipin habang tuwid na tuwid ang tayo ng mga kawal.

Nagsimulang silang maglakad sa pulang karpet papasok ng palasyo. Nasa unahan ang prinsipe habang nasa likod nito si Lord Eduard at si Lilac at Edge sa pinakalikod. Nakatago din si Morgan sa loob ng marumi at mabahong balabal ni Lilac.

"Maligayang pagbabalik, Kamahalan."

Sabay-sabay na bati ng mga alipin ng makalapit na sila sa malaking pinto na papasok na sa loob ng tanggapan ng palasyo.

Sa sandaling makaapak na sila sa loob ay sumalubong sa kanila ang hari at ang reyna. Bumababa sila mula sa isang engrandeng hagdan at diretsong nakatingin sa kanila.

Sobrang tahimik ng buong palasyo kahit na puno ito ng maraming alipin at kawal. Lahat ay hindi gumagawa ng kahit kaunting ingay na para bang kahit tunog ng paghinga at paglunok ay isag malaking kasalanan.

Mula naman sa likod ng hari at reyna ay si Alexandra at Stephen. Gaya ng inaasahan ay nakangiti si Alexandra habang tinitingnan si Lilac. Si Stephen naman ay nakatingin lang din kay Lilac at sinusubukang hindi dapuan ng tingin ang kaniyang kapatid.

"Hindi kasama sa usapan ang pagsama mo sa misyon niya, Indigo."

Wika ng hari.

Humakbang ang prinsipe ng isang beses papalapit sa hari at lumuhod sa harapan nito.

"Patawad, Mahal na hari. " tugon lamang nito at tumayo na sa kaniyang pagkakaupo.

Hindi nagsalita ang hari at tiningnan lamang ang anak na para bang wala siyang magagawa upang tutulan ang ginagawa nito. Siya ang kasalukuyang hari ng Sankori nguni't alam niyang kaharap niya ang pinakalamakas na nilalang sa buong kaharian.

Sa kabila ng pagiging ama niya rito ay alam niyang hindi niya kayang labanan ang kaniyang anak. Mula sa araw na isilang ito. Ang mga pulang mata nito, ang awra at enerhiya nito ang nagsusumigaw at nagpapamukha sa kanila sa kapangyarihang taglay nito.

"Ihanda ang silid at pagligo ng prinsipe. Ngayon din." Singit ng reyna at binasag ang katahimikan. "Ganoon na rin si Lord Eduard at si Edge Oni." Ani reyna.

Agad na nagsikilos ang mga alipin at nilapitan ang mga binata upang yayain ito sa mga silid na inihahanda at pagpapahingahan nila.

Napatingin si Edge kay Lilac sunod ay sa reyna. Humakbang siya papalapit dito at lumuhod.

"Mahal na reyna, kung inyong mamarapatin ay nais kong maiwan kasama si Lilac Calixto hanggang sa matapos ang kailangan niyang gawin."

"Hindi!" Singit ng hari. "Simula sa bahaging ito ay gagawin niya ng mag-isa ang nararapat niyang gawin. "

Napatayo ang binata at humarap sa hari at yumuko dito. "Masusunod, Kamahalan."

Wala ng ibang nagawa si Edge at sinundan na lamang ang mga alipin na umaalalay sa kaniya habang nakatingin pa rin sa dalaga na nakayuko sa harapan ng hari at hindi gumagawa ng ingay o gumagalaw man.

The Last SuccessorMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon