LUMUHOD si Lilac sa sahig upang magbigay galang sa papalapit na prinsipe. Hindi man siya sigurado ay alam niyang ito ang prinsipe ng Sankori. Nararamdaman niya. Isang kakaibang enerhiya ang nararamdaman niya. Hindi niya maipaliwanag.Kagaya ng dati ay nanatili itong walang ekpresyon. Walang emosyon na nakatatak sa kaniyang pulang mga mata. Nguni't nakatingin lamang ito kay Lilac.
Tumayo si Lilac mula sa pagluhod at yumuko habang hinhintay na makaraan ang prinsipe. Sinusundan niya lamang ng tingin ang prinsipe kasama ang isang lalaki na sa tingin din naman ni Lilac ay isa ring Noble. Sa kaniyang natatandaan ay isa rin ito sa ginalang ni Edge.
Ano ang ginagawa nila dito?
Tanong niya sa sarili. Napansin niyang biglang natulala ang mga kababaihang nakakakita sa kaniya. Sa taglay nitong kagwapuhan ay paniguradong lahat maaakit sa binatang ito. Nguni't tila wala itong napapansin at naglalakad lamang itong diretso na parang walang ibang napapansin sa paligid.
"Umm... Lilac.."
Nabaling ang atensyon ni Lilac sa binatang lumapit sa kaniya. Ito ang binatang pinagaling niya kanina. Si Shiyo Xanders. Biglang kinabahan si Lilac dahil sa isipin na baka ay nalaman nitong siya ang gumamot sa kaniya.
"Bakit?" malamig na tanong ni Lilac. Umarteng parang walang bumabagabag sa kaniya.
"Salamat."
Tiningnan niya ito ng magkasalubong ang kilay.
"Wala akong ginawa." diretsong wika ni Lilac at sinubukang umalis sa lugar na iyon nguni't nagsalita ulit ang binata.
"Alam ko ikaw 'yon."
"Hindi-"
"Nakita kita habang ginugulpi nila ako. Hindi ko man alam kung ano ang ginawa mo pero alam ko ikaw ang tumulong sa akin para umalis sila. Kaya, salamat."
Hindi niya maunawaan kung ano ang tinutukoy ng binata nguni't sa kaniyang palagay ay wala itong alam sa ginawa niyang pagpapagaling dito.
"Hindi ko alam ang iyong sinasabi." tanggi niya pa. Nguni't nagulat siya ng biglang ngumiti ang binata.
"Sabi ko na mabait ka. Hindi ako nagkamali. Natatakot sila sa'yo dahil akala nila isa ka ring masamang kaklase kagaya ng mga nanggugulpi nguni't di ka kagaya nila."
"Ano bang kailangan mo? Wala akong panahon para makipag-usap sa 'yo."
Tatalikod na sana si Lilac nguni't nagsalita pa ulit ang binata.
"Ako si Shiyo. Shiyo Xanders. Gusto ko lang makipagkaibigan sa'yo-"
"'Wag mo na ilagay ang buhay mo sa alanganin, Shiyo."
Napalingon si Lilac sa isang pamilyar na boses na biglang sumingit. At nakita niya nga si Edge Oni na naglalakad papalapit sa kanila.
Andito na naman 'tong kumag na 'to.
Sambit ng utak niya habang nakatingin ng masama kay Edge.
"Edge..."
"Kapag nakipagkaibigan ka sa babaeng 'to para ka lang nakipagkaibigan sa isang mangkukulam. Hindi mo ba nakita ang maitim na awra na bumabalot sa pagkatao niya?" nakangising wika nito habang nakatingin kay Shiyo at nakaturo kay Lilac. Sa inis ni Lilac ay nilapitan niya ito at hinawakan ang daliri na nakaturo. Sinubukan niya itong baliin nguni't napabitaw din siya dahil mabilis si Edge Oni at nakawala kay Lilac.
"Baka tinutukoy mo ang sarili mo, Ginoo. Naaawa ako sa patpating lalaki na ito dahil naging kaibigan niya ang isang halimaw na kagaya mo." bawi ni Lilac at tiningnan mula ulo hanggang paa si Edge Oni. Si Shiyo naman ay napaturo sa kaniyang sarili habang nakatingin kay Lilac at iniisip kung siya nga ba ang tinutukoy na 'patpating lalaki' .
BINABASA MO ANG
The Last Successor
FantasiKabilang si Lilac Vanidestine sa limang angkan na pumapalibot sa Sankori Kingdom. Labing siyam na taon ang nakakaraan, isang kagimbal-gimbal na digmaan ang nangyari dahilan ng tuluyan na pagkawala ng kaniyang angkan. Sa kagustuhang maipaghiganti ang...