ILANG araw na rin ang lumipas matapos ng naging pag-uusap ni Lord Eduard at ng prinsipe. Nguni't hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maunawaan kung ano ang nais nitong sabihin.
Sakay-sakay ng itim na kabayo niya si Lord Eduard habang nasa likod nito ang kaniyang kapatid na si Stephen na sakay din naman ng sarili nitong kabayo at iilan nilang mga kawal na nakasunod sa kanilang likuran.
Sa gilid ng isang bangin ay malayo lang ang tanaw ni Lord Eduard habang masusing pinapakiramdaman ang buong paligid.
"Mukhang hindi pa nakakarating ang mga pegagsus dito sa ating lupain. Wala pang nangyayaring pag-atake sa mga nakaraang araw simula ng mga pag-atake sa ibabang bayan." wika ni Stephen habang nakatanaw lang din sa malawak na kagubatan sa ibaba ng bundok na kinaroroonan nila. Kasalukuyan silang nag-iikot sa kanilang lupain upang makita ng personalan ang nangyayari sa kanilang lupain. Lalo na at mayroong mga pag-atake ng pegagsus sa ibabang bayan. Ang ibabang bayan ay ang bayan kung saan matatagpuan ang Kamarchya at ang iba pang mga mahihirap na bayan, kagaya ng Elwood kung saan naninirahan sila Lilac at Sandro.
"Mabuti at napapangalagaan at binabantayan mo ng mabuti ang ating lupain habang ako ay nasa malayo." ani Lord Eduard.
"Bilang isang Vozenilek ay tungkulin ko rin namang tingnan ang kalagayan ng ating mamamayan kahit na hindi ako ang pinuno. At isa pa, kung hindi ako kikilos ay ano ang mangyayari sa lupain kung ipapaubaya ko na lang sa isang pinunong imbes na nasa kaniyang lupain ay nasa tabi ng prinsipe."
Seryoso ang mukha ni Stephen habang binibigkas ang mga salitang 'yon.
"Nakakasiguro akong mapapabuti ang lupain kung ibibigay ko sa'yo ang katungkulan."
Naningkit ang mga mata ni Stephen. Lumaki siyang hindi malapit ang loob sa kaniyang kapatid. Bata pa man ay ninasa na ni Stephen ang trono bilang pinuno ng Vozenilek Clan nguni't hindi ito maaari dahil likas na mas malakas at mas matanda si Lord Eduard. Sa kanilang dalawa ay si Lord Eduard ang nakikitaan ng marami ng kakayahan na mamuno at siya ay isang nakababatang kapatid lamang. Nguni't kapag naririnig niya ang mga salitang 'yon mula sa kaniyang kapatid na tila ba ay ibibigay nito sa kaniya ang trono dahil ayaw nito ay hindi niya maiwasang mainis sa kapatid.
"Hihintayin kong matatanggal ka sa trono bago ako uupo."
Ngumisi si Lord Eduard. "Sa tingin mo ba ay mangyayari ang araw na 'yon?"
Hindi nakaimik si Stephen. Kahit anong klaseng masasakit na salita ang kaniyang sabihin ay hindi niya pa nakitang nagalit at nainis sa kaniya ang kaniyang kapatid kaya naman ay nanatili siyang tahimik at tiningnan na lamang ang paligid.
Nagsimula na muli silang maglibot sa mga bundok at kagubatan. Matapos ng halos isang araw na paglilibot ay naisipan na rin nilang bumalik sa kanilang mansion.
Napahinto si Stephen habang sakay pa rin sa kabayo at tiningnan lamang ang kaniyang kapatid na bumababa na at tahimik lang na naglalakad papasok sa mansion.
Tahimik ang buong klase habang nasa harapan ang kanilang propesor na si Professor Hidmer. Muli itong nagtuturo sa kanila ng iba pang uri ng mahika. Para sa mga nobles ay madali lamang ang mga bagay na ito. Sila ay nahasa na sa paggamit ng mahika at pagkontrol ng kanilang kapangyarihan mula ng sila ay mga bata pa.
Mula sa pinakalikod at pinakasulok ng silid aralan ay nandoon ang prinsipe na tahimik lamang. Wala sa loob ng silid ang isipan kung hindi ay na sa malayo. Kahit ang prinsipe ay naninibago sa nararamadaman niya simula ng makita niya si Lilac.
BINABASA MO ANG
The Last Successor
FantasíaKabilang si Lilac Vanidestine sa limang angkan na pumapalibot sa Sankori Kingdom. Labing siyam na taon ang nakakaraan, isang kagimbal-gimbal na digmaan ang nangyari dahilan ng tuluyan na pagkawala ng kaniyang angkan. Sa kagustuhang maipaghiganti ang...