Chapter 08 : Name and Emotions

69 7 5
                                    




SINIMULANG gawing tubig na muli ni Lady Annalise ang nagkalat na mga maliliit ng bahagi n sumabog na bato. Si Shiyo naman na nakatingin sa ginawa ng noble ay namangha. Hindi niya mapigilang hangaan ang kapangyarihang taglay ng mga nobles.

"P-paumanhin ulit, Lady Annalise." paghingi nito ng pumanhin. Ngumiti si Lady Annalise habang kinukuha ang mg tubig at ginawang isang malaking bola ng tubig.

Napanganga si Shiyo sa kapangyarihan nito at sa nakikita nito. Isang bolanng tubig ang ngayon ay lumulutang sa ibabaw ng kamay ni Lady Annalise.

"Ang galing!" bulalas ni Shiyo habang namamangha sa dalaga. Muli niyang naalala ang kaniyang nabasa. Ang mga Donnachaid ay ang angkan ng mga Water Goddess. Sila ang mga angkan na may kapangyarihan na tubig kung saan maaari nilang makontrol ang tubi o makagawa pa ng tubig.

Totoo nga pala talaga ang nasa mga aklat. Totoong makapangyarihan ang limang angkan.

"Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin. Sa susunod ay 'wag mo na uulitin. Baka ay may mapahamak pa. "

"Salaamat, aking binibini."

"Annalise!"

Sabay silang napalingon sa dumating. Natanaw ni Shiyo si Lady Georgiana at Lady Lorelie na naglalakad papalapit sa kanila.

"Georgie, Lore." sambit ng dalaga noong sila ay makalapit na.

Agad naman na napayuko si Shiyo sa harapan ng mga dalaga.

Georgiana Williams. Ibig sabihin ay mayroon siyang kapangyarihan ng apoy.

Si Lady Lorelie Windsor naman ay isang ibon.

Nasasabik si Shiyo habang nakatingin sa tatlong dalaga na nsa harapan niya. Lahat ng mga ito ay nababasa niya lamang sa aklat. Hindi niya pa nakaharap ang mga nobles noon kaya naman ay para sa kaniya isang himala na makita sila sa loob ng Kamarchya.

Hindi niya rin maintindihan kung bakit pumasok sa isang paaralan ang mga ito gayong marunong naman ito gumamit ng kapangyarihan.

Bakit kaya? Balak kaya nilang mas humusay pa?

Ngayong naisip ni Shiyo ay nagtataka na siya. Biglaan ang pagpasok ng mga nobles at ng prinsipe sa Kamarchya.

May nangyayari ba? Dapat ko ba itong ikabahala?

Kung ano-ano ang nasa isipan ni Shiyo sa mga sandaling 'yon.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Lady Georgiana kay Lady Annalise. Nagkibit balikat lamang si Lady Annalise at ngumiti.

"Wala. May kaunting problema lang." ani Lady Annalise at nawala na lang ang bola ng tubig sa ibabaw ng palad nito.

"Narinig kong ipinatawag ka at ang prinsipe sa palasyo. Nag-aalala ako kung tungkol saan ang bagay na iyon bakit hindi kasama ang lahat ng angkan." ani Georgiana.

Hindi agad na nakapagsalita si Annalise habang nkatitig sa kaibigan. Matagal na niyang kaibigan si Georgiana. Bata pa lamang sila ay malapit na sila sa isa't - isa at alam nito ang mga bagay na tungkol sa kaibigan. Lalo na kung sino ang lalaking napupusuan nito.

Ngumiti si Annalise at hinawakan ang braso ng kaibigan.

"Malalaman mo rin sa takdang panahon."

Si Shiyo naman ay naisipan na ring umalis doon. Nagpaalam na siya sa mga nobles at bumalik sa North Wing kung saan matatagpuan ang kanilang silid aralan.

Hindi niya malamn kung ano ang gagawin. Kung sasabihin niya kay Edge ang nangyari kay Lilac ay malalaman nito ang buong nangyari. At maaaring mapagalitan siya ng binata dahil sa ginawa nito.

The Last SuccessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon