Chapter 40 : Secret Revealed

56 6 0
                                    


"KAMAHALAN!"

Natigilan si Lord Ramar at napalingon sa direksyon ni Alexandra. Nagtataka ang mga Windsor na nakatingin sa dalaga na humahakbang papalapit sa hari. Sa kung saan tanaw at rinig siya ng mga tao.

"Nandito sa mga sulat na ito ang magpapatotoo at magbubunyag ng sikreto!" Ani Alexandra habang nakataas ang iilang sulat na nasa kaniyang kamay. Tiningnan siya ng hari ng nagtataka.

"Anong sikreto ito, Windsor?" Tanong ng hari.

"Sikreto ng totoong taksil sa palasyo!" Nilingon ni Alexandra si Lord Ramar at tinuro ito. "SIYA ANG TAKSIL."

Nagbulung-bulungan ang mga tao at tiningnan ng nagtataka si Alexandra.

"Alexandra, anong iyong pinagsasabi?" Tanong ng kaniyang ama at nilapitan ang anak.

"Totoo ang aking sinasabi. Narinig ko lahat. Nabasa ko lahat ng pakikipagkaisa ni Lord Ramar at Lady Lorelie upang makuha ang sankori!" Wika nito.

Natigilan si Lilac at naalala ang sankori. Na kay Lady Lorelie ito. Napatingin din naman siya sa kaniyang kwentas at nagulat dahil wala siyang makitang kwentas dito. Nawawala ang kaniyang kwentas.

"Alexandra!" Pigil ng kaniyang ama at humarap ito kay Lord Ramar. "Paumanhin, Lord Ramar. Hindi niya alam ang kaniyang sinasabi-"

"Bitawan niyo ako!" Tinabing ni Alexandra ang kamay ng kaniyang ama at lumayo siya dito.

"Totoo ang aking sinasabi. Matagal na panahon ng taksil ang Williams at ang Windsor!"

"Ano?" Nagtatakang tanong ng hari.

"Alam ko lahat ng sikreto nila. Alam ko ang plano nila na mula pa noon hanggang ngayon. Nais nilang kunin ang sankori at sakupin ang buong kaharian. Ipinagpalit nila ang buong kaharian sa mga pegagsus upang makuha ang walang hanggang kapangyariha ng kristal!" Wika nito.

"Hindi isang biro ang iyong pag-aakusa, Alexandra Windsor! Maaari kang mahatulan ng kamatayan." Wika ng hari.

"Totoo ang kaniyang sinasabi!"

Muli silang napatingin sa kakapasok lang. Boses iyon ni Lady Georgiana.

"Georgiana." Gulat na wika ni Lord Ramar at tiningnan ng masama ang kapatid.

Naglakad ito papalapit sa kanila. "Kamahalan, ang mga Williams at Windsor ang totoong nagtangkang magnakaw ng sankori labing siyam na taon ang nakakaraan. At sila ang pumatay sa buong angkan ng mga Vanidestine. Walang kasalanan ang mga Vanidestine."

Natigilan si Lilac sa sinabi nito.

"Anong iyong sinasabi?"

Lumuhod si Lady Georgiana at idinikit ang noo sa sahig. Umiiyak siya habang nakalapat ang dalawang palad sa pulang karpet.

"Patawarin mo ang aming mga angkan, Kamahalan."

Natahamik silang lahat na nakatingin sa dalagang nagmamakaawa sa sahig.

Maya-maya ay isang malakas na tawa ni Lord Ramar ang bumasag ng katahimikan. Naningkit ang mga mata ni Lilac at nagngalit ang kaniyang mga ngipin habang nakatingin ng masama sa binatang nasa ibabaw niya.

Naramdaman niya ang poot sa kaniyang puso. Itong lalaki sa itaas niya ang totoong pumaslang sa kaniyang mahal sa buhay. Ang totoong may kasalanan.

Napatingin siya sa prinsipe na napadapa na sa sahig. Nilapitan ito ni Lady Annalise at ng reyna upang alalayan. Si Lord Ramar naman ay nakagalaw na kaya mas lalong lumapad ang kaniyang mga ngisi.

The Last SuccessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon