Chapter 11 : The Great Swordsman

58 7 0
                                    




NAKITA niya ang mga babaeng estudyante sa loob ng dormitoryo na balisa at halatang takot na takot. Lahat sila ay bakas sa mga mukha ang kaba at pagtataka. Nagpatuloy lamang si Lilac sa paglalakad sa pasilyo hanggang sa makarating siya sa kaniyang silid. Nandoon ang mga kasama niya sa silid at nagkukumpulan sila sa isang sulok habang nakatanaw sa bintana. Lumapit din naman si Lilac sa bintana at mula dito ay matatanaw niya ang mahabang pasilyo ng Kamarchya papunta sa labasan. Wala siyang nakitang mga estudyante pa sa baba.

"Narinig ko ay isang pegagsus ang nakitang halimaw sa loob ng Kamarchya!"

Narinig ni Lilac ang pag-uusal ng kaniyang kasama sa silid.

"Pegagsus? Hindi ba't napoproteksyonan ang buong kaharian ng kapangyarihan para hindi tayo mapasok ng mga pegagsus?"

"'Yon ang pagkakaalam ko. Nabasa ko sa aklat na mula sa mga Vanidestine ang kapangyarihan na 'yon."

"Vanidestine?"

"'Yong isa sa limang angkan na nagtaksil sa hari maraming taon na ang nakakalipas. Narinig kong kwento ng aking ina na nagkaroon ng digmaan sa palasyo dahil sa pagtataksil ng Vanidestine. "

"Ibig ba sabihin, nawawala na ang bisa ng kanilang kapangyarihan?"

"Hindi ko rin alam. Nguni't sa tagal na ng panahon na wala ng ang Vanidestine ay panigurado akong nawawala na ang bisa. "

"Ano na ang mangyayari?"

"Kung nakapasok ang isang pegagsus sa ating paaralan, ibig sabihin ay may sumasalakay na sa mga bayan sa baba?"

"Marahil ganoon nga."

Sandro...

Agad na sumagi sa isipan ni Lilac ang kaniyang tumayong parang ama. Natatagpuan sa pinakadulo ng kanilang kaharian ang Elwood. Kung ganito ang sitwasyon ay hindi malabong atakehin din ng mga pegagsus ang bayan na 'yon. Walang kakayanang makipaglaban si Sandro.

Nagtatakang napatingin ang mga kababaihan kay Lilac na nagmamadaling lumabas ng kanilang silid.

"Saan siya pupunta?"

"Napakatigas talaga ng ulo niya. Sinabi na ng guardians na manatili tayo sa loob ng silid."

Maktol nila habang hinahayaang lumabas si Lilac sa kanilang silid. Si Lilac naman na nakakaramdam na ng kaba ay agad na tinahak ang hagdan pababa ng kanilang dormitoryo. Kailangan niyang makapunta sa Elwood sa lalong madaling panahon.

Kung ang Kamarchya ay mas protektado ng kapangyarihan ng sankori ay nasalakay ng pegagsus, marahil ay inatake na nito ang Elwood.

Sandro. Sana ay ligtas ka.

Puno ng pag-aalala si Lilac habang mabilis na naglalakad sa mahabang hagdan. Walang katao-tao sa mga hagdan at pasilyo. Lahat ay na sa kanilang silid.

"Lilac!"

Huminto si Lilac sa pagtakbo sa pasilyo ng marinig ang boses na iyon. Boses iyon ni Edge Oni. Napairap siya ng sa muling pagkakataon ay nahuli na naman siya ng binata. Paniguradong pipigilan siya nito.

"Saan ka pupunta? Delikado sa labas ngayon. Patuloy pa na hinahalughog ang buong paaralan. 'Wag ka munang gumala sa labas."

"May kailangan lang akong gawin."

"Utos ito ng punong guro. "

"Edge, kailangan kong makauwi sa aming bayan."

"Huh?"

The Last SuccessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon