Chapter 35 : Letter of Secret

57 8 0
                                    



PUMIKIT si Lilac at niyakap din naman ng mahigpit ang prinsipe. Nanatili silang nasa ganoong posisyon. Pareho silang tahimik at yakap-yakap lang ang sarili. Kahit wala mang nagsasalita nguni't pareho nilang nauunawaan ang sarili.

Pareho silang sabik sa isa't-isa. Pareho nilang nararamdaman na minsan ay hindi nila kailangan ng maraming salita at isang tahimik at mapayapang paligid habang nasa braso ng iyong minamahal ay sapat na. Sapat na upang maramdaman nila ang isa't-isa.

Sa kabila ng lahat ay hindi magawang pagtaksilan ni Lilac ang kaniyang sarili. Iniibig niya ang prinsipe. At iyon ang katotohanan.

Maya-maya ay kumawala si Lilac sa pagkakayakap niya sa prinsipe at tumingala upang tingnan ito.

"Baka hinahanap ka na ni Lord Eduard." wika niya at umatras ng kaunti dito.

"Nais kong makasama ka."

Natigilan si Lilac at umiwas ng tingin. Naalala niya ang sinabi ni Morgan.

Sa mata ng lahat ay isa lang siyang commoner. Para sa kanila ay isang pagkakamali ang pagkakaroon niya ng koneksyon sa prinsipe.

"K-kailangan mo ng bumalik."

"Wala akong gagawin doon. Bakit ako pupunta doon kung nandito ka."

"Tumigil ka na."

Natahimik ang prinsipe at tiningnan ng nagtataka ang dalaga. Dumapo ang kaniyang mga mata sa magagandang buhok nito.

Gumuhit ang ngiti sa labi ng prinsipe at hinaplos ang buhok nito at hinawakan ang iilang hibla na natira sa kaniyang palad.

"Natatakot ka ba?"

"H-hindi. Bakit ako matatakot?"

"Kapag naaalala mo ang sumpa ko, hindi ka pa rin ba natatakot?"

Natigilan si Lilac at naalala ang pangil ng prinsipe. Nguni't hindi niya magawang matakot dito. Sa totoo lang ay bigla siyang nakakaramdam ng kakaibang pakiramdam kapag nakikita niya iyon. Nais niyang maramdaman ang pangil na 'yon na bumabaon sa balat niya.

"Hindi." matipid niyang sagot. Kagaya ng prinsipe ay may pagbabago rin naman si Lilac. Nagbago ang kulay ng kaniyang buhok. Noon ay nagtataka siya kung bakit nagbabago ito. Ngayon ay naiintindihan niya. "Hindi ako matatakot sa 'yo. Matagal na kitang hinihintay."

Nagulat ang prinsipe sa sinabi nito. Tinitigan niya ng maiigi ang dalaga habang nakaiwas ng tingin sa kaniya.

"May tiwala ka ba sa akin?"

Muli siyang dinapuan ng dalaga ng tingin.

"Hindi ko alam kung bakit nguni't oo. Pakiramdam ko ay matagal na kitang hinihintay. Pakiramdam ko ay tiwalang-tiwala ako sa 'yo na kahi buhay ko ay kaya kong ibigay."

Hinawakan ng prinsipe ang kaniyang pisnge at hinaplos ito. "Magtiwala ka sa akin. Ako ang bahala sa 'yo."

"Bakit di ayaw mong inumin ang dugo ko?"

Mas lalong nagulat ang prinsipe sa naging tanong nito.

"B-bakit mo---"

"Alam kong ikaw ang tinuturo ng sulat."

"Anong sulat?"

The Last SuccessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon