DAHAN-dahang iminulat ni Lilac ang kaniyang mata. Sa sandaling imulat niya ang kaniyang mga mata ay masyado pa itong malabo. Nakakaramdam pa siya ng sakit sa ulo at pagkahilo habang sobrang labo ng kaniyang paningin. Sinubukan niyang itaas ang kamay upang hagurin ang kaniyang mga mata gamit ito nguni't nagulat siya ng hindi niya maigalaw ang kaniyang mga kamay.
"Anong---" hindi niya naituloy ang kaniyang sinasabi ng makita ang mga taong nasa kaniyang harapan. Sa sandaling ito ay malinaw na ang kaniyang paningin at malinaw na niya ring nakikita ang mga nasa harapan niya.
"Gising na siya!"
"Mabuti at buhay pa siya!"
"Mama, si Dracu kasi. "
"Lumayo kayo."
Nagpumiglas si Lilac at sinubukang hilain ang kaniyang mga kamay na ngayon ay nakatali sa kaniyang likuran. Tiningnan niya rin naman ang kaniyang mga paa at nakatali ang mga ito. Nakaupo siya ngayon sa isang upuan habang nakatali ang kaniyang katawan dahilan na tuluyan siyang di makagalaw.
"Pakawalan niyo ako! Ano ba!" sigaw ni Lilac nguni't agad siyang tinakpan ng isang babae sa bibig. Sinamaan niya ito ng tingin dahil sa ginawa nito.
"Ipapahamak mo kami sa pagsigaw mo!" wika ng babae at tiningnan din siya ng nakataas ang kilay. Nakalagay sa kaniyang beywang ang kamay ng babaeng ito at nakatingin ng diretso kay Lilac ng nagtataka at may pagbabanta. Kung iyon titingnan ay mukhang nasa parehong edad ito ni Lilac.
"May mga pegagsus sa taas. Kung mas lalakasan mo pa ang pagsigaw mo ay mapapasok nila tayo dito. At hindi lang kami ang mapapahamak, pati ikaw na rin." sabat ng isang babaeng may kaedaran na. Na sa palagay ni Lilac ay ang ina ng dalawang batang nakatayo sa likod ng babae kanina.
"Hmmmm-- mmmm---" Hindi makapagsalita si Lilac habang sinusubukang makawala sa mga di niya kilalang tao sa kaniyang harapan. Nakatayo ngayon sa kaniyang harapan, ang isang babaeng may edad na, isang lalaki na sa tingin niya ay ang ama ng mga bata, isang dalagang kasing edad niya at dalawang batang babae at lalaki.
Tinapunan niya ng tingin ang batang babae na nasa likod ng dalaga at sinisilip siya.
"MMMMMMMM----mmmmmm!" pagwawala niya pa.
"Sino ka? Bakit ka nandito?" biglang tanong ng lalaki at agad namang tinanggal ng dalaga ang nakatakip sa bibig ni Lilac. Humugot ng malalim na hininga si Lilac pagkatapos ay tiningnan ito.
"Wala akong balak na masama sa inyo. Pakawalan niyo ako at may mahalaga pa akong gagawin."
Kumunot ang noo ng ina nila at tumaas ang kilay ng dalaga.
"Akala mo ba ay maniniwala kami sa 'yo? Ano ang kailangan mo sa mansion? " mataray na tanong ng dalaga kay Lilac.
"Pakawalan niyo na ako. Kaunting oras lang ang mayroon ako." pagpupumiglas ni Lilac.
"Hindi ka makakaalis diyan kung di mo sasabihin sa amin ang pakay mo. Mamili ka. Aamin ka o habang buhay kang nakatali sa upuan na 'yan." pagbabanta ng tatay nito.
Huminga ng malalim si Lilac. Hindi niya magagamit ang kaniyang kapangyarihan sa sandaling ito dahil nakatali ang kamay niya. Kaya naman ay bumagsak ang balikat niya at tanda ng pagsuko.
"Naghahanap ako ng halamang gamot. Sinara ng mga pegagsus ang halamang gamot sa parang kaya dito ako naghanap. Nagtatago ako sa mga pegagsus na nakapasok sa mansion at dito ako dinala ng butas na pinasukan ko." paliwanag nito.
BINABASA MO ANG
The Last Successor
FantasyKabilang si Lilac Vanidestine sa limang angkan na pumapalibot sa Sankori Kingdom. Labing siyam na taon ang nakakaraan, isang kagimbal-gimbal na digmaan ang nangyari dahilan ng tuluyan na pagkawala ng kaniyang angkan. Sa kagustuhang maipaghiganti ang...