NAGKALAT na ang mga pegagsus sa buong palasyo. Ganoon din naman ang mga kawal na nakikipaglaban sa mga halimaw habang pinoproteksyonan ang mga panauhin. Si Lord Eduard na kanin pa nakikipaglaban kay Lord Ramar ay sinusubukan pa ring pigilan ito sa kaniyang binabalak at sinusubukang bawiin ang sankori na hawak nito.
Maliliksi ang mga galaw ni Lord Eduard habang iniiwasan ang mga pag-atake ni Lord Ramar gamit ang kapangyarihan nitog apoy. Sa bawat sulok ng hardin ay kapansin-pansin na rin ang mga bakas ng apoy na tumama dito.
Si Edge naman ay tumutulong sa mga kawal, kasama si Professor Constance at Professor Hidmer sa pagtataboy at pagpaslang sa mga pegagsus na takam na takam sa nagkukumpulang mga panauhin sa isang sulok.
"Aaaaaaahhhhhhhh-! napasigaw ang isang kawal sa sandaling bigla na lamang itong masunggaban ng pegagsus at kinagat ang katawan nito dahilan upang agad itong mabawian ng buhay.
Tumakbo ng mabilis si Edge at iwinasiwas ang kaniyang espada saka natumba ang dalawang pegagsus na nasa magkabilang gilid niya
"Sa likod mo!" ani Professor Constance. Sa sandaling makalingon si Edge ay nakita niyang nanigas ang pegagsus at nanlaki ang mga mata nito sabay ng pagkahati ng katawan nito.. Tinapunan niya ng tingin ang kaniyang ama. "Isa itong digmaan. Talasan mo palagi ang iyong pakiramdam." saad ng ama at nagsimulang pumaslang ng mga pegagsus.
Napatingala si Edge at nakita ang kalangitan. Ang kanina ay madilim at mabigat na mga ulap ay unti-unting nawawala. Para bang umaatras ang malakas na ulan at kidlat. Para bang isang bagyo na biglang natakot at nagtago.
Unti-unting umaaliwalas. Dumapo ang tingin niya sa dulo ng karpet kung saan nandoon ang prinsipe. Nakahiga na ito sa kandungan ni Lady Annalise habang pinorpoteksyonan ng Hari at Reyna at ng mga magicians sa mga pegagsus na gustong umatake.
Kanina habang isinasagawa ang seremonya ay bigla na lamang itong nanghina. Nararamdaman niya sa awra ng prinsipe ang pagbagsak ng kapangyarihan nito. Hindi niya rin maipaliwanag.
"Edge!" napalingon siya at nakita si Professor Hidmer na siyang pumatay sa pegagsus na papalapit sa kaniya.
"Salamat, Professor!" wika niya at tiningnan lang siya ng propesor at sinasabing, 'Mag-ingat ka!' .
Nagpalinga-linga si Edge upang hanapin si Lilac. Hindi na niya matanaw ang dalaga. Sa dahilang hindi niya maiwasang mag-alala ay agad siyang pumasok na muli sa palasyo upang hanapin ito.
Nagkalat ang mga halimaw nguni't mayroon namang mga kawal na pumipigil dito. Nguni't hindi niya maiwasang mag-alala sa dalaga.
Habang hinahanap ito ay hindi mawala sa isip niya ang katotohanang isa itong Vanidestine. Isang noble ang dalaga. Alam niyang sa simula pa lang ay may kakaiba rito nguni't hindi niya inaasahang isa pa la itong noble. At ito ang natitirang buhay na Vanidestine.
Napatigil si Edge ng biglang may humarang sa kaniya na mga Sprites. Napatitig siya at namukhaan niya ang nasa unaha nito. Ito ang Sprite na kinakausap ni Lilac.
"Morgan?" tanong niya rito.
"Kilala ka nga niya, Morgan!"
"Mabait ba 'yan?"
"Siya ba ang kaibigan ni Lady Lilac?"
Sunod-sunod na tanong ng mga Sprites. Napatingin si Morgan sa kanila.
"Hindi niya tayo maririnig kaya kailangan nating magtulungan upang maintindihan niya tayo!" ani Morgan na kinatango naman ng lahat.
Kunot-noo si Edge habang nakatingin sa maliliit na nilalang na ngayon ay nagsisimulang bumuon ng kung ano. Tinignan niya ang nabuo nila at isa itong letra.
BINABASA MO ANG
The Last Successor
FantasyKabilang si Lilac Vanidestine sa limang angkan na pumapalibot sa Sankori Kingdom. Labing siyam na taon ang nakakaraan, isang kagimbal-gimbal na digmaan ang nangyari dahilan ng tuluyan na pagkawala ng kaniyang angkan. Sa kagustuhang maipaghiganti ang...
