Chapter 05 : Lilac Calixto

86 10 11
                                    




"SILA ang dugong bughaw. Nananalaytay sa dugo ng mga Throndsen ang kapangyarihang di masusupil ng sino man. Ang mga Royals ang may kakayahang protektahan ang buong kaharian kaya naman ay lahat ng mga Nobles ay naniniwalang sila ang pag-asa ng kaharian. Kung 'yong napapansin ay masiyadong malakas ang awra na nakabalot sa prinsipe. Kahit na hindi siya ipakilala ay malalaman mong siya ang nag-iisang prinsipe at tagapagmana ng mga Throndsen. Hindi magtatagal ay siya na rin ang magiging bagong hari." mahabang paliwanag ni Shiyo habang nakatingin kay Lilac. Habang si Lilac naman ay nakatingin sa malayo. Mayroon na siyang nababasa sa aklat patungkol sa kasaysayan ng kaharian at nga Throndsen pati ng limang aklat. Nguni't hindi niya maipagkakaila na nakakamangha ang kaalaman ni Shiyo. "Pero gaya ng nabasa mo sa aklat ay hindi rin naman maitatanggi ang kapangyarihang taglay ng limang angkan. Bago pa man magkaroon ng insidente labing siyam na taon ang nakakaraan, ang Vanidestine ang angkan ng mga gumawa ng sankori. Ang sankori ay isang 'kristal' na may taglay na kapangyarihan ng lahat ng angkan ng Vanidestine. Ito ang pumoprotekta sa buong kaharian at nagpapanatili ng kapayapaan sa buong Sankori Kingdom. "

Dumapo ang tingin ni Lilac kay Shiyo na nakatingin pa rin sa kaniya. Nandito sila ngayon sa isang mesa sa loob ng silid aklatan. Sa totoo lang ay hindi rin alam ni Lilac nguni't naisipan niyang makipag-usap kay Shiyo. Lagi niya itong nakikita sa silid aklatan at sa palagay nito ay marami siyang nalalaman. At hindi nga siya nagkamali.

"Vanidestine?"

Tumango si Shiyo at binuklat sa isang pahina ang aklat. "Nabasa ko sa isang pahina na ang sankori ay nagmula sa kapangyarihan ng mga Vanidestine. Nanumpa ang angkan ng Vanidestine na iaalay ang kanilang buhay sa mga Throndsen at sa buong kaharian."

"A-anong nangyari sa insidente na 'yong sinasabi?"

"Hindi ako sigurado nguni't ayon sa usap-usapan ay tinangka ng emperador ng Vanidestine na bawiin ang sankori. Dahil dito ay nagkaroon ng digmaan sa pamamagitan ng Vanidestine at mga Throndsen. Kasama na dito ang mga Williams at Windsor na katiwalang angkan din naman ng mga Throndsen."

Palihim na napakuyom sa kaniyang mga kamao si Lilac. Mas lalong nagnangis ang inis sa kaniyang puso. Hindi tinangkang nakawin ng kaniyang ama ang sankori. Sa kaniyang pagkakaalam ay pinatay ng hari at ng iba pang angkan ang kaniyang buong angkan upang kanilang maangkin ang sankori. Ang sankori ay isang kristal na magbibigay ng walang hanggang buhay sa kung sino man ang makakahawak ng buong kristal na 'yon.

"Anong nangyari sa sankori?"

"Huh?" saglit na napaisip si Shiyo at nakatingin ng nagtataka sa ngayo'y Lilac na nakayuko at nakatitig lamang sa mesa. "Ah, hindi ko alam. Sa tingin ko ay nasa palasyo pa rin ito. Proteksyon ito laban sa mga pegagsus. Hindi umaatake ang pegagsus sa kaharian kaya sa tingin ko ay protektado pa rin ang kaharian ng kapangyarihan ng mga Vanidestine."

Naalala ni Lilac ang kwenta na kaniyang suot-suot. Sa loob niyo ay ang maliit na piraso ng kristal. Ibinigay ito ni Sandro sa kaniya dahil ito daw ang bahagi ng sankori na nauwi ng katiwala ng kaniyang ama na siyang nagligtas sa kaniyang ina na nagbubuntis sa kaniya.

Naniniwala si Lilac na nasa kaniya ang bahagi ng sankori. Nararamdaman niya ang kapangyarihang dumadaloy sa bato na dala-dala niya kaya naman ay nakakasiguro siya. Ang ibig sabihin ay hindi buo ang sankori na nasa loob ng palasyo.

"Bakit mo naitanong, L-Lilac?"

Muling naibaling ni Lilac ang kaniyang tingin kay Shiyo. Ngayon na alam na niya ang kwento ay agad na siyang tumayo. Hindi niya alam kung handa pa ba siyang marinig ang buong detalye ng kwento tungkol sa insidente na nangyari labing siyam na taon ang nakakaraan.

"Aalis na ako."

"Huh? T-teka.."

Hindi niya pinansin si Shiyo at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng silid aklatan. Mayroon pa siyang nasalubong na mga babae at agad itong umiwas sa kaniya. Hindi ito nakakaabala sa isipin ni Lilac. Ito ang gusto niya. Gusto niyang layuan siya ng mga tao sa Kamarchya. Hindi siya nandito upang maghanap ng kaibigan kundi sanayin ang kaniyang sarili.

The Last SuccessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon