Chapter 39 : Cursed Agreement

49 6 0
                                    

TAHIMIK na naglalakad si Lilac sa pasilyo. Wala na siyang naririnig na mga yapak kaya naman ay nakakasiguro na siyang halos na sa hardin na ang mga tao. Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang seremonya.

Napahawak ng mahigpit si Lilac sa kaniyang damit habang iniisip ang prinsipe. Nilalaban nito ang enerhiyang humihila sa kanila sa isa't-isa. Hindi niya maintindihan kung bakit sa isang iglap ay bigla na lamang itong nanlamig sa kaniya.

"Hanapin mo ang sankori. Siguraduhin mong nasa kamay mo na iyon bago matapos ang seremonya."

Naalala niya ang sabi ni Stephen. Hindi pinaliwanag ng binata sa kaniya ang nangyayari nguni't wala siyang ibang magawa kundi pagkatiwalaan ito. Mukhang marami pa itong malalaman kaysa sa inaasahan niya.

Binilisan niya ang paglalakad hanggang sa makarating siya sa isang pasilyo na kung saan nararamdaman niya ang kapangyarihan. May sankori na malapit sa kaniya.

Sumilip siya at nagulat siya ng makita si Lady Georgiana. Naglalakad ito papunta sa direksyon niya. Habang papalapit ito ay papalapit ng papalapit ang kapangyarihan.

Hindi kaya nasa kaniya ang sankori?

Hindi maiwasang magtaka at maguluhan ni Lilac. Nagtataksil ba si Lady Georgiana sa palasyo? Kung iyong iisipin ay isa itong tulong para kay Lilac nguni't naisip niyang hindi siya pinagkakatiwalaan ni Lady Georgiana. Kaaway ang tingin nito sa kaniya.

Dinampot ni Lilac ang isang paso na may bulaklak at kunwari ay nililinis ito 'saka tumalikod kay Lady Georgiana.

Sa sandaling makalagpas ito ay palihim niya itong dinapuan ng tingin.

Kapag nakuha na niya ang sankori sa loob ng palasyo ay kailangan niyang makuha ang sankori na hawak ni Lady Georgiana.

*Tiiiiiiiiiiinnnnnggggggggggggg*Tiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnngggggg*

Tumunog ang kampana hudyat na magsisimula na ang seremonya. Huminga ng malalim si Lilac at tumalikod.

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay nararamdaman na niya ang kapangyarihan ng sankori. Alam niyang nasa malapit na lang ito.

Ilanh lakad pa ang ginawa niya habang pinapakiramdaman ang kapangyarihan hanggang sa makarating siya sa isang bahagi ng palasyo na walang kahit ano mang pinto o silid. Nguni't nararamdaman niya ang sankori.

Inikot niya ang kaniyang mga mata. Wala siyang mahanap na pinto. Walang pasukan.

Kinapa niya ang ere kung may lumulutang ba na hindi niya nakikita nguni't walang ganon. Nguni't hindi siya maaaring magkamali. Nasa tapat niya lang ang sankori.

Nilapitan niya ang isang pader. Diretso ang kaniyag tingin dito na para bang pakiramdam niya ay nasa likod nito ang matagal na niyang hinahanap.

Dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang upang ilapat sa pader nguni't may narinig siyang mga yabag. Umatras siya at kunwari ay may naglilinis sa mga pader.

Nakayuko lamang siya nguni't nagtaka siya ng makitang huminto ang yapag na iyon sa malapit. Palihim niyang dinapuan ito ng tingin.

Si Professor Smith.

Nakahinto ito na parang nagtataka kung bakit isa na lamang itong bakanteng espasyo na walang pinto o mga silid.

"Naligaw ata ako." Wika ni Professor Smith. Napaiwas ng tingin si Lilac sa sandaling tiningnan siya ng propesor. "Nasaan ang hardin?"

Itinaas ni Lilac ang daliri at tinuro ang gawing kanan. "Sa pasilyo sa gawing kanan." Wika nito na sinusubukang ipitin ang boses upang di nito makilala.

The Last SuccessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon