"PAUMANHIN. Nguni't hindi ko hahayaang saktan mo pa sa Lilac."Nagulat si Lady Georgiana sa tinuran ng binata.
"Sinasabi mo bang ibubuwis mo ang 'yong buhay para sa babaeng 'yan?"
Mas humigpit ang hawak ni Edge sa kaniyang espada.
"Kung 'yon ang kailangan kong gawin."
"Nahihibang ka na ba?"
"Georgie!"
Natigilan sila dahil sa sigaw ni Lady Lorelie mula sa itaas. Lumilipad ito at ginagamit nito ang kaniyang pakpak upang mamatay ang mga apoy na nakakalat sa damuhan.
Sa sandaling mamatay na ang apoy sa paligid ay bumaba ito at lumapit kay Lady Georgiana.
"Tama na 'yan. "
"Hindi ko kailangang patakasin ang nagtangka sa buhay ni Annalise. Kailangan niyang mama-"
Hindi nito naituloy ang kaniyang sinasabi ng biglang nakaramdam sila mg puwersa na humihila sa kanila pababa sa lupa. Napatingin sila sa kanilang paanan at sa isang iglap ay lahat sila nakaluhod na sa lupa.
"Kamahalan...."
Sambit ni Professor Constance habang nakatingala sa prinsipe na naglalakad papunta sa direksyon ni Lilac. Sa sobrang dami ng paso at sugat ni Lilac ay hindi na nito makagawa pang tumayo. Nanatili itong nakahiga sa damuhan habang iniinda ang sakit at hapdi ng katawan.
Dumapo naman ang ting ni Edge sa prinsipe na naglalakad nga papunta sa direksyon nila. Nagbabaga ang mga mata nito at diretso lang ang tingin nito sa dalagang nakahilata.
Sa sandaling makalapit ang prinsipe kay Lilac ay hinawakan niya ito sa pisnge. Biglang nabuhay ang dugo ni Lilac sa sandaling makita at mahawakan ang prinsipe.
"A-ah." mahinang ungol ni Lilac habang iniinda ang sakit at sinusubukang hawakan ang prinsipe.
Inilagay ng prinsipe ang kaniyang palad kay Lilac at idinampi sa balat nito. Sa isang iglap lang ay nawala ang mga paso at sugat sa kaniyang katawan.
Binuhat ng prinsipe ang dalaga sa kaniyang mga braso at hinarap ang mga taong nakaluhod sa damuhan. Maliban kay Lord Eduard na nakatayo lamang habang nakatingin sa prinsipe at kay Lilac.
"Sinong gumawa nito?" malamig ang boses ng prinsipe.
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ni Lady Georgiana at dahan-dahang napayuko.
"I-isa siyang taksil, Kamaha-Aaaah!" hindi nito naituloy ang kaniyang sinasabi ng mas lalo itong hilain ng puwersa pababa sa lupa.
"Georgiana!" tawag ni Lady Lorelie habang nag-aalalang nakatingin sa kaibigan. Dinapuan niya ng tingin ang prinsipe. "Kamahalan, pakiusap. "
"Kamahalan!" Nagsalita si Lord Eduard at nilapit ang prinsipe. "Kasalukuyang nasa pagamutan si Lady Annalise. Sinaksak siya ng patalim na may lason at malala ang kaniyang kondisyon. Ibig nilang dalhin ito pabalik sa palasyo."
"Gawin ninyo!" 'yon lang ang sinabi ng prinsipe at nilisan ang lugar.
Sa sandaling makalayo na doon ang prinsipe ay nakawala na silang lahat sa puwersa na humihila sa kanila. Agad silang napatayo.
"Georgie, ayos ka lang ba?" tanong ni Lady Lorelie sa kaibigan. Hindi umimik si Lady Georgiana nguni't nanatili itong nagtataka at gulat sa nangyari.
BINABASA MO ANG
The Last Successor
FantasyKabilang si Lilac Vanidestine sa limang angkan na pumapalibot sa Sankori Kingdom. Labing siyam na taon ang nakakaraan, isang kagimbal-gimbal na digmaan ang nangyari dahilan ng tuluyan na pagkawala ng kaniyang angkan. Sa kagustuhang maipaghiganti ang...