BINAWI ni Lilac ang kaniyang braso na hawak-hawak ni Edge sa sandaling makalabas sila ng silid-aralan. Ngayon ay naibalik na si Lilac sa kaniyang sariling diwa. Nguni't ang kaniyang tingin ay nasa sahig lamang. Hindi niya mantindihan ang kaniyang sarili sa biglang pagdagsa ng kakaibang pakiramdam na kaniyang naramdam habang kaharap ang prinsipe. Marami ang umiikot sa isipan. Kanina ay bigla siyang kinain ng poot at ang nais niyang gawin ay ang matagal na niyang iniisip. Nais niyang makapahiganti sa mga Royals sa pagtatraydor nito sa kaniyang buong angkan. Nguni't may kakaiba pa siyang nararamdaman at hindi niya iyon maintindihan.
Si Edge Oni naman na hindi mawari kung ano ang nangyayari sa dalaga ay napasapo sa kaniyang noo. Sa loob ng kaniyang isipan ay hindi niya rin alam kung bakit bigla na lamang niyang hinila ang dalaga palabas ng silid aralan. Ang tanging nalalaman niya lang ay maaaring mapahamak ang buhay ng dalaga dahil sa simpleng galaw nito.
"Anong ginagawa mo?" hindi na napigilan ni Edge Oni na ibulalas ang nasa kaniyang isipan. Nawala ang mataray na ekspresyon sa mukha ni Lilac simula pa kanina at napalitan ito ng kakaibang emosyon. Nanlilisik ang kaniyang mga mata. At ito ang nagpagulo ng isipan ni Edge.
"Ano bang pakialam mo? Bakit mo ba ako dinala dito?" ngayon ay naiirita ng tugon ni Lilac. Paunti-unti ng humuhupa ang kaniyang nararamdaman.
Ikinrus ni Edge ang kaniyang mga braso sa harap ng kaniyang dibdib at tiningnan ng mariin ang dalaga.
"Bilang isang Kamarchian na naatasan ng punong guro na pangalagaan ang mga mag-aaral ng Kamarchya, mayroon naman siguro akong karapatan na tanungin ka kung ano sa palagay mo ang ginagawa mo?"
"Anong sinasabi mo? Ikaw itong pabigla-bigla akong hinihila palabas ng silid aralan." tanong ni Lilac na tila'y iniiwasan ang gustong pag-usapan ng binata.
"'Wag ka ng magmaang-maangan pa, Lilac. Kitang-kita ng lahat ang 'yong ginawa. Alam mo ang magiging kapalit ng mga kilos mo. " may tunog ng pagbabanta ang boses ng binata. Si Lilac ay napaiwas ng tingin. Kahit ang dalaga ay hindi mawari ang kaniyang pakiramdam. Hindi niya ibig na saktan ang prinsipe. Nais niyang maghiganti sa mismong hari na siyang pumaslang sa kaniyang ama. Sa pamamagitan ng pagpaslang sa hari ay maaaring masaktan ang prinsipe at maramdaman nito ang naramdaman niya buong buhay niya.
Ang lumaki ng walang nakikilalang angkan. Mabuhay ng mag-isa at naiiba.
"Lagi mong itatak sa iyong isipan na isang Royal ang nasa harapan mo. Kaunting pagkakamali lang ay buhay mo agad ang kapalit nito. Naiintindihan mo ba ako?" dagdag pa ni Edge Oni habang nakatingin pa rin kay Lilac.
"Ano bang pakialam mo sa akin? Bakit kung magsalita ka ay nag-aalala ka sa akin? May lihim ka bang pagtingin sa akin, Ginoo? Hmm?" pag-iiba ni Lilac sa usapan. Binigyan niya ng isang ngisi ang binata habang iba naman ang nasa likod non.
Ang mamatay ng dahil sa aking buong angkan ay di ko kailanganman pagsisisihan. Nguni't ang mabuhay ng mag-isa at walang ginagawa ay isang pagtataksil para sa buong Vanidestine Clan.
Naniniwala si Lilac na kaya siya hinayaang mabuhay ay upang maipaghiganti ang buhay ng kaniyang angkan. Lahat nf Vanidestine ay nabura sa isang iglap lamang dahil sa kasakiman ng Royals at ibang Nobles.
Wala siyang ibang rason upang mabuhay. Iyon ang tanging nasa isipan niya.
"Wala akong pakialam sa'yo kundi sa buong Kamarchya. 'Wag kang masyadong umasa na porke't kinakausap kita ay mayroon akong interes sa'yo. Wala akong balak maglagay ng isang sakit sa ulo sa buhay ko. Tss. Paalam, Binibini." diretsong wika nito at iniwan si Lilac doon. Nais man niyang baliwalain ang sinabi ng binata ay hindi niya magawa.
BINABASA MO ANG
The Last Successor
FantasíaKabilang si Lilac Vanidestine sa limang angkan na pumapalibot sa Sankori Kingdom. Labing siyam na taon ang nakakaraan, isang kagimbal-gimbal na digmaan ang nangyari dahilan ng tuluyan na pagkawala ng kaniyang angkan. Sa kagustuhang maipaghiganti ang...
