The Last Successor
TAHIMIK na naglalakad si Lady Georgiana papalapit kay Lady Annalise. Tahimik lang ito na nasa dulo ng isang pasilyo habang nakaiwas ng tingin.
Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng mangyari ang digmaan. Marami ang nasawi at marami ang nasira sa loob ng palasyo. Ligtas na naibalik ang mga sankori nguni't nanatili itong nagkahiwa-hiwalay. Tanging ang isang Vanidestine lamang ang may kakayahang ibalik ito sa dati.
"Georgie..." pabulong bigkas ni Lady Annalise at tiningnan si Lady Georgiana. Huminto ito sa tapat ng dalaga habang seryoso ang mukha.
"Kung iniisip mo na galit ako," paunang wika nito at tinapunan ng tingin ang dalaga. "Tama ka."
"Georgiana, patawad!" Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan habang nakatingin ng diretso dito. Tinitigan niya lamang ito ag hinihintay ang magiging sagot nito. Labis labis ang kaniyang kaba sa sandaling tiningnan niya ang kaibigan nguni't para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa pagngiti.
"Nguni't 'di ko magawang kamuhian ka." Wika nito at agad na niyakap si Lady Annalise. Napayakap din namann siya pabalik at hinigpitan ang hawak sa kaibigan.
"Salamat."
"Magsisimula na ang libing."
Napakalas sila sa pagkakayakap sa isa't-isa at napatingin sa nagsalita. Si Alexandra ito kasama si Stephen.
"Nandoon na sa hardin ang hari at reyna." Dagdag ni Alexandra habang nakatingin sa dalawa. Ngumiti sila at agad na tumango upang sumunod sa kanila.
Habang naglalakad ay ramdam nila ang sama ng panahon. Hindi ito normal na araw. Puno ito ng paghihinagpis. Hindi lang sa kanila nguni't labis ang sa prinsipe.
Nakatitig lamang si Lady Georgiana sa sahig habang naglalakad. Saglit lang ay nag-iba ang paningin niya kay Lilac.
Nais niya itong yakapin at pasalamatan. Nguni't huli na.
Tahimik lamang silang naglalakad hanggang sa makarating sila sa hardin. Nandoon si Edge kasama si Shiyo. Ang mga Sprites ay nasa ibabaw ng kabaong ni Lilac. Maraming mga bulaklak ang nakapalibot dito.
Tahimik.
Madilim ang kalangitan.
Nagbabadya ang nakapakalakas na ulan.
Nguni't alam nilang hindi ito ulan.
Isa itong pag-iyak.
Kumatok si Lord Eduard ng pangatlong beses sa pinto ng silid ng prinsipe at agad itong binuksan. Sa sandaling makapasok siya ay nakita niya ang prinsipe na nakatayo sa tapat ng bintana. Tinatanaw ang hardin kung saan nakahimlay ang walang buhay na katawan ni Lilac.
"Kamahalan, magsisimula na."
Napatingin siya sa labas. Sobrang dilim ng mga ulap. Umiikot ikot ito na para bang hindi ito mapakali. Malamig ang ihip ng hangin. Nagsisilaglagan ang mga patay na dahon sa mga puno.
"Hindi siya maaaring ilibing."
"Kamahalan, ito ay utos ng hari. Sabi ng mga magicians ay ito ang kapalaran ni Lilac. Hindi na siya mabubuhay. Dahil sa kasunduan ng hari at ng kaniyang ama, ito ang buhay na nakahanda para sa kaniya."
Biglang lumakas ang hangin dahilan kaya bumukas ang bintana. Nagtaka ang mga tao sa hardin dahil sa paghampas ng hangin na napakalakas. Muntik ng madala ang mga Sprites kaya ay napahawak sila ng mahigpit aa mga halaman.
Sabay-sabay silang napatingin sa gawi ng bintana ng prinsipe. Mula sa kanilang kinatatayuan at nararamdaman nila ang napakalakas na enerhiya na nagmumula doon.
"Kamahalan..."
"Nararamdaman ko siya..."
Bumuhos ang napakalakas na ulan. Sabay ay ang pagkidlat at kulog.
Napahakbang papalapit si Lord Eduard sa prinsipe at akmang hahawakan ito nguni't nagulat siya ng bigla itong napaluhod sa sahig. Nakayuko habang tinitingnan ang kaniyang mga palad.
"Kamahalan..."
Naglakad si Lord Eduard papalapit sa bintana at tiningnan ang hardin.
Nanatiling nandoon ang mga tao. Nararamdaman nila ang prinsipe.
Muling tiningnan ni Lord Eduard at tinitigan ito.
Sadyang napakadaya ng mundo.
"Kamahalan, wala na si Lilac."
Wakas.
****
Note:
This is my first time writing a fantasy novel. Pasensya na if masyadong lame. Ti-nry ko lang. Ito din ang first story ko after three (3) years since I stopped writing. But I hope you like it. Hehe.Please don't forget to share this with your friends! ✨ Thankiiies~

BINABASA MO ANG
The Last Successor
FantasyKabilang si Lilac Vanidestine sa limang angkan na pumapalibot sa Sankori Kingdom. Labing siyam na taon ang nakakaraan, isang kagimbal-gimbal na digmaan ang nangyari dahilan ng tuluyan na pagkawala ng kaniyang angkan. Sa kagustuhang maipaghiganti ang...