DUMATING na ang araw ng pagdiriwang sa loob ng Kamarchya. Ito ay tatlong araw na taonang pagdiriwang sa araw ng pagkakatatag ng kanilang paaralan.Kagaya ng nakagawian ay magkakaroon ng iba't-ibang paligsahan. Sa loob ng tatlong araw ay bibigyan ang mga estudyante ng Kamarchya na ipakita sa kapwa nila estudyante ang kanilang mga kakayahan sa paggamit ng sandata at maging sa mahika. Dito rin masusukat kung ano na ba ang estado ng isang estudyante sa kaniyang pag-aaral ng mahika at sandata.
Sa mga pasilyo ay puno ng estudyanteng ipinapakita sa kanilang mga kaibigan ang mahikang natutunan. Napuno ng lumutuang na bagay, lumilipad na mga gamit ang paligid.
Habang si Shiyo naman ay yakap-yakap ang isang aklat kung saan noong nakaraang araw niya pa binabasa. Bukod sa hindi rin siya maalam sa paggamit ng sandata ay nahihirapan din naman siyang kontrolin ang kaniyang kapangyarihan.
Mag-isa niyang tinatahak ang pasilyo dahil abala din naman si Edge na mag-ikot sa buong Kamarchya bilang isang guardian. Sa mga panahong ganito, ay mas lalong maaabala si Edge Oni upang bantayan ang mga estudyante maging ang buong paaralan.
Kaya naman ay walang magawa si Shiyo kundi magkulong sa silid aklatan at doon subukang pag-aralan ang mahika sa isang sulok.
Sa kabilang banda naman ay nagsipaghanda na rin ang mga nakatakdang manguna para sa gagawing parada sa susunod na dalawang oras. May isang mangunguna sa mga estudyante na nasa unang taon pa lang at magdadala sila ng kulay puting tela na nakatali sa kanilang mga palapulsuhan. Ito ay patunay na sila ay mga nasa unang taon pa lang. Ang mga nasa ikalawang taon naman ay may kulay na pula. Kilala sila bilang mga Sophies. Ang nasa ikatlong taon naman ay may kulay na itim. Kilala naman sila sa tawag na Juriss. At kilala ang mga Juriss sa pagiging mahusay na sa paggamit ng mahika.
Ang lahat ng mga hindi nagagawang matutunan at makontrol ang kapangyarihan ay hindi nakakatungtong sa pagiging Sophies. Kaya naman ay kung iyong bibilangin ang bilang ng mga Sophies at Juriss ay hindi na ito kasing dami ng mga estudyante sa unang taon. Marami ang nababawas at nawawala sa loob ng paaralan.
"Sa ilang sandali ay magsisimula na ang parada. Nakahanda na ba ang mga mangunguna?" anunsyo ni Professor Hidmer sa mga estudyante.
"Opo, Professor. " sagot ng isang estudyante mula sa Juriss. "Nandito na po ang mangunguna sa mga Juriss."
"Professor, sa sophies din po. Nandito din naman si Edge Oni sa aming grupo." ani ng isang babae na siyang nagtatali sa kulay pulang tela sa braso ni Edge. Tahimik lang si Edge habang ang babae naman ay di mapigilan ang kilig dahil malapit lang siya kay Edge.
Nakusot ang mukha ni Edge habang tinitingnan ang reaksyong ng babae. Masyado itong halatang may gusto sa binata.
"Professor, sa mga nasa untang taon palang po ay wala pa po ang prinsipe."
Natahimik silang lahat dahil sa biglang nagsalita. Ganoon na rin si Edge na iniikot nga ang kaniyang paningin at hindi niya nakita ang prinsipe.
"Alam ba ng prinsipe na ngayong araw ang parada?" tanong ni Professor Hidmer dito.
"Opo, Professor. Sinabihan ko po siya kahapon."
"Maaari niyo ba siyang hanapin? Kailangan na natin ang prinsipe sa lalong madaling panahon upang makapagsimula na tayo sa parada maya-maya."
"Masusunod, Professor!" agad naman na nagsilabasan sa silid ang tatlong kalalakihan at nagsimulang maghanap sa prinsipe.
Nasa loob ng silid na ito ang mga naatasang maghanda para sa parada.
BINABASA MO ANG
The Last Successor
ФэнтезиKabilang si Lilac Vanidestine sa limang angkan na pumapalibot sa Sankori Kingdom. Labing siyam na taon ang nakakaraan, isang kagimbal-gimbal na digmaan ang nangyari dahilan ng tuluyan na pagkawala ng kaniyang angkan. Sa kagustuhang maipaghiganti ang...