Chapter 16 : Set-up

55 5 0
                                    





HINIHINGAL si Lilac habang paikot-ikot siya sa kakahoyan. Hindi man malakas nguni't nararamdaman niya ang prinsipe. Nararamdaman niya ang presensya nito. Kahit kaunti. Nguni't noong pasukin niya ang kakahuyan ay wala siyang makita. Basta ang sigurado siya ay nasa loob ng Kamarchya ang prinsipe. Nagtataka siya kung bakit hindi na ito nagpapakita sa kaniya. Noong mga nakaraang araw ay pilit nitong inilalapit ang sarili sa dalaga.

Kahit anong gawin niyang taboy ay nakatingin pa rin ito sa kaniya. Nguni't bakit ngayon ay nawala na ito na parang bula?

At ang mas lalong nagpagulo sa isipan ng dalaga ay kung bakit nais niyang makita ang prinsipe.

Napaupo ito sa damuhan. Noong mga nakaraan lang ay nais niyang mawala ang kaniyang nararamdaman. Nais niyang mawala ang enerhiya sa loob ng kaniyang katawan na naguudyok sa kaniya na lapitan ang prinsipe. Nguni't ngayon ay bumaliktad ang mundo. Para siyang nagdurusa sa nararamdaman niya. Nais niyang makita ang prinsipe.

"Anong ginagawa mo?"

Puno ng pagtataka ang mukha ni Edge ng makita si Lilac na nakaupo sa damuhan habang yakap yakap ang sarili na parang nababaliw. Mabilis namang napatayo ang dalaga ng marinig ang boses na 'yon at pinagpag ang sarili.

"Wala kang pakialam."

"Tss. Wala naman talaga akong pakialam. Kahit di mo gawin 'yon ay mukha kang baliw." pang-aasar niya sa dalaga. Nilingon naman siya ni Lilac at masama ang mga tingin nito.

"Anong sinabi mo?"

Saglit na natigilan si Edge at napatitig sa mukha ng dalaga. Tinitigan niya ito ng mabuti. Bukod sa buhok nito na kitang-kita naman ang unti-unting pagbabago, parang mistulang may nagbago sa mukha ng dalaga. Hindi niya mawari kung ano pero parang nag-iba ang dalaga.

Nguni't sinubukang baliwalain ito ng binata.

"Anong ginagawa mo dito?" pag-iiba na lang nito sa usapan nila. Tumalikod si Lilac at naisipan na din na pumunta na lang sa sinabi ni Shiyo sa kaniya. Sa likod ng Kamarchya. Kahit na nagtataka ang dalaga kung bakit sa likod ng Kamarchya kung saan nandoon ang karagatan ay pumunta na lang siya. Ayaw niyang makita si Edge.

"Wala kang pakialam."

"Pupunta ka ba sa likod? Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na pinagbabawal pumunta diyan? "

"Hindi ako pupunta doon upang magbangka. "

"Eh, ano naman ang gagawin mo don?"

"Ikaw ba? Bakit mo naman ako sinusundan?"

"Dahil pupunta din ako doon."

"Bakit ka pupunta doon?"

"Wala ka ring pakialam-"

Pareho silang natigilan at napanganga sa nakita nila sa harapan nila. Napahinto sila at napatitig sa isang tela na nakalatag sa damuhan. May mga pagkain na nakalagay doon habang may mga nakakalat na mga bulaklak sa paligid. Pula na rosas ito.

May mga kandila rin naman.

"A-ano 'to?" nagtatakang tanong ni Lilac. Wala siyang nakitang Shiyo sa paligid kaya nagtataka siya.

"Anong klaseng...." napasapo sa kaniyang noonsi Edge . "Inaya ka ba ni Shiyo?"

"H-huh? O-oo. Sabi niya dito daw at magluluto siya."

"Hayst. Walang Shiyo. At walang niluto niya. Ako ang nagluto ng mga 'yan. Ako ang pinagluto nila." sabi nito.

Napatingin si Lilac na naguguluhan. "Ano? Eh di, anong ibig sabihin nito?"

The Last SuccessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon