NAKATINGIN lang si Edge sa mga halimaw sa kaniyang harapan habang mahigpit na nakahawak sa kaniyang espada. Sa kaniyang likuran naman ay ang prinsipe na nakatayo ng diretso at diretso rin naman ang tingin sa mga halimaw na anomang segundo ay handa na silang atakehin.
"Mahigit limangpu silang lahat, Kamahalan." Ani Edge at sinusubukang pakiramdam ang prinsipe na tahimik lang at para bang hindi sila napapalibutan ng mga halimaw.
Alam ni Edge na ang prinsipeng ito ang pinakamalakas sa buong Sankori. Ayon sa kaniyang kaalaman ay pinanganak ang binatang ito na may taglay na kakaibang kapangyarihan. Hindi siya nagtataka kung gayon na lang ito kahinahanon sa mga sandaling ito.
"Natatakot ka ba?" mahinahon nguni't may kaunting ngisi sa labi ng prinsipe.
Naningkit ang mga mata ni Edge at dumiretso rin naman siya ng tayo. Gumuhit ang isang ngisi sa kaniyang labi.
"Sa alin?" tanong nito na may dobleng kahulugan.
Sa sandaling ito ay nawala ang ngisi ng prinsipe at naningkit ang kaniyang mga mata.
"Kung ganoon ay patunayan mo." matigas na wika ng prinsipe at sinalubong ang mga halimaw na sumusugod sa kaniya.
Naglakad ang prinsipe sa gitna ng mga halimaw na ngayon ay nahihirapan ng gumalaw. Humahakbang ang mga ito papalapit sa prinsipe. Itinaas ng prinsipe ang kaniyang mga daliri at biglang ikinuyom ito dahilan para pumutok ang ulo ng isang pegagsus.
Nawala ang ngisi sa mga labi ni Edge habang tinitingnan ang prinsipe taglay ang kakaibang kapangyarihan nito. Humarap siya sa mga halimaw sa kaniyang harapan at sinugod ang mga ito gamit ang kaniyang espada.
"Paumanhin, Lilac. Nabitawan ko ang halamang gamot noong sinugod ako ng pegagsus. " tugon ni Morgan sa dalaga habang sila ngayon ay nasa ibabaw ng isang puno. Nakaupo si Lilac sa sanga habang nasa balikat niya si Morgan. Si Lord Eduard naman ay nasa kaniyang tabi habang tinatanaw nilang tatlo sa di kalayuan ang isang abandonadong mansion.
"Ayos lang. Nandito na rin tayo. Siguro naman ay may halamang gamot sa mansion." wika ni Lilac habang nakatingin lang sa gusali. Gabi na at tanging ang liwanag galing sa buwan ang nagbibigay ilaw sa kaniya upang matanaw ang isang lumang gusali na nababalot na ng mga halaman.
Wala silang matanaw na pegagsus nguni't kailangan nilang mag-ingat dahil anomang oras ay maaaring may biglang lumabas mula sa isanag madilim na bahagi ng lugar na ito.
"Ito na lang ang tangi nating pag-asa. Kailangang makabalik na tayo sa palasyo na may dalang gamot bukas bago magtakip silim." Ani Lord Eduard.
"Hindi ba natin hihintayin si Edge at ang prinsipe?"
"Siguro ay hindi na. Kasama ng iyong kaibigan ang prinsipe kaya 'wag kang mag-alala sa kanila. Ang mahalaga ngayon ay makahanap tayo ng halamang gamot bago maghating gabi."
Umirap si Lilac sa sinabi ni Lord Eduard. "Hindi ko siya kaibigan." mataray na wika nito nguni't napahinto rin naman siya.
Naalala niya ang gabing niyakap siya ng binata. Aminin man niya o hindi, nakaramdam siya ng gaan sa pakiramdam.
"Mas mabuti pa ring ako ang kukuha. Hindi nila ako mapapansin kung ako ang papasok sa loob ng mansion." wika ni Morgan na agad namang inilingan ni Lilac.
"Hindi. Masyadong delikado." Hindi nito pagsang-ayon.
"Nguni't masyadong agaw pansin kung tayong tatlo ang pupunta. Sigurado akong naga-abang lang ang mga pegagsus sa paligid." protesta ni Morgan at nakatingin ng diretso kay Lilac.
BINABASA MO ANG
The Last Successor
FantasyKabilang si Lilac Vanidestine sa limang angkan na pumapalibot sa Sankori Kingdom. Labing siyam na taon ang nakakaraan, isang kagimbal-gimbal na digmaan ang nangyari dahilan ng tuluyan na pagkawala ng kaniyang angkan. Sa kagustuhang maipaghiganti ang...
