HUMINTO sa kaniyang paglalakad si Lilac dahil sa pagharang ni Lady Annalise sa kaniyang harapan. Hinihingal pa ito habang nakaangat ang magkailang mga braso habang nakatingin kay Lilac. Direkta namang naningkit ang mga mata ni Lilac habang nakatingin kay Lady Annalise. Sa lahat ng tao ay ito ang pinakaayaw niyang makita sa ngayon."Anong ginagawa mo?" malamig at matigas ang boses ni Lilac. Ang mga estudyanteng napapadaan naman sa pasilyo ay nagtataka habang nakatingin sa noble na tila ay nagmamakaawa sa dalaga.
"Gusto lang kitang makausap!" wika nito sa pagitan ng kaniyang paghinga. Hindi maiwasang mapatingin ni Lilac kay Lady Annalise na nanatiling nakaangat pa rin ang mga braso na para bang hinaharangan siya nito sa paglalakad.
Habang silang dalawa naman ay nasa gitna ng pasilyo na parang nagpapatintero, ang mga mata ng mga estudyante ay mistula'y mga patalim na nakatitig lang kay Lilac. Bakas sa mga mukha nito na pinag-uusapan na naman siya ay kinaiinisan.
"Ano na naman ginawa niya?"
"Una ang prinsipe tapos ay si Lady Annalise!"
"Ang kapal naman ng kaniyang mukha para si Lady Annalise pa maghabol sa kaniya."
Iba't-ibang mga komento ang mga lumalabas sa bibig ng mga estudyante nakakakita sa kanila. Dahil dito ay mas lalong nainis si Lilac habang nakatingin kay Lady Annalise.
"Umalis ka sa harapan ko."
"Lilac-"
"Isa."
Natigilan si Lady Annalise dahil sa pagtigas pa lalo ng boses nito. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang mga braso nguni't nanatili siyang nakatayo sa harapan nito.
"Lilac, gusto ko lang humingi ng-"
"Dalawa!"
"Nabigla lang ako sa na-"
"Tatlo-"
"Patawad! Hindi ko sinasadyang sampalin ka. Hindi ko napigilan ang aking sarili. Inaamin ko. Hindi dapat ako nagpadala sa nararamdaman ko. Lilac, pakiusap. Patawad! Gusto kita maging kaibigan. P-patawad...." nakayuko na si Lady Annalise habang sinasabi ang mga salitang 'yon. Nalulungkot siya at nababagabag habang iniisip na sinampal niya si Lilac dahil sa sinabi nito kahapon.
"Hindi ko kailangan ng kaibigan."
Dumapo ang tingin ni Lady Annalise kay Lilac at malamig ang mga mata nito. Walang emosyon. Wala kang makikitang galit nguni't walang emosyon. Kagaya ng prinsipe.
"L-Lilac...."
"Naiintindihan mo naman siguro, 'no? Hindi ko kailangan ng kaibigan. Kaya umalis ka na sa harapan ko."
Nagsimulang humakbang palayo si Lilac at wala ng nagawa si Lady Annalise kundi ang hayaan itong maglakad papalayo sa kaniya. Seryos si Lilac. Habang tinititigan niya ang mga mata ng dalaga walang halong pagdadalawang isip dito. Hindi niya iyon sinabi dahil sa galit. Kung hindi dahil 'yon ang gusto niya.
Lilac....
Nanatiling nakatayo si Lady Annalise habang nakatingin kay Lilac na naglalakad papalayo. At ang mga estudyante man na nakakasalubong nito ay napapalayo at nahahawi dahil sa awra na dala-dala ni Lilac.
"Annalise..."
Nagtatakang lumapit si Lady Georgiana at si Lady Lorelie kay Lady Annalise. Bakas sa mukha ng mga ito ang inis at pag-aalala.
BINABASA MO ANG
The Last Successor
FantasyKabilang si Lilac Vanidestine sa limang angkan na pumapalibot sa Sankori Kingdom. Labing siyam na taon ang nakakaraan, isang kagimbal-gimbal na digmaan ang nangyari dahilan ng tuluyan na pagkawala ng kaniyang angkan. Sa kagustuhang maipaghiganti ang...