Chapter 22 : The Hearing

50 6 0
                                    



MULA sa pagkakayakap sa kaniyang mga tuhod ay muling ibinalik ni Lilac ang tali na nakatali sa kaniyang mga kamay. Ito ang pangatlong araw na nakakulong siya sa piitan na ito at simula noong ipatapon siya ni Lord Ramar sa piitan na ito ay hindi siya nakatanggap ng pagkain mula sa kanila. May kawal lamang na nagbabantay nguni't nawawala din ito at bumabalik maya-maya.

Tumulong naman si Morgan na maibalik ang tali sa pagkakatali sa kaniyang nguni't hindi na ito mahigpit. Lingid sa kaalaman ng mga kawal na may dalang patalim si Lilac. Muli namang nagtago si Morgan sa loob ng kaniyang damit habang hinihintay na tuluyang mabuksan ang pinto ng silid na kinaroroonan niya.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang liwanag sa isang ilaw sa pader sa labas ng silid papasok sa silid kaya naman ay lumiwanag sa kinapepwestuhan ni Lilac. Tiningnan niya ang dalawang kawal na nagbukas ng pinto.

"Nais kang makausap ng hari." Matapos nitong sabihin ay hinila ng isang kawal si Lilac sa braso ng biglaan kaya ay muntik na itong mawalan ng balanse. Sinubukan niyang magpumiglas at luwagan ang pagkakahawak ng kawal sa braso niya.

"Hindi niyo ako kailangang kaladkarin. Ikalulugod kong makaharap ang hari." tinapunan niya ng masamang tingin ang isang kawal na nasa tabi niya.

"Tumahimik ka na lang diyan. " saway ng isang kawal at tuluyan siyang hinila paakyat.

Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ni Lilac sa mga sandaling iyon. Pagkatapos ng ilang taon ay makakaharap niya na rin ang hari at ang iba pang Royals at Nobles. Hindi man ito ang inaasahan niyang oras na makaharap ang mga kinamumuhian niya ay 'di niya maiwasak masabik na makita ang mga mukha ng mga taong pumaslang sa angkan niya.

Naglakad sila sa isang malapad at malawak na pasilyo na may pulang karpet. May iilang mga kawal na nakatayo sa bawat gilid ng pasilyo.

Habang naglalakad ay paunti-unti na niyang nakikita ang malapad at malaking pinto sa dulo ng pasilyo na kanilang nilalakaran. Ito ang bulwagan ng hukuman. Sa likod ng malaking pintong ito ay ang mahahalaga at malalaking personalidad sa buong kaharian ng Sankori.

Huminto silang tatlo sa harap ng pinto. Sa sandaling hawakan ng kawal ang pihitan ngg pinto ay nakaramdam na si Lilac ng kaba at di maipaliwanag na pakiramdam. Hindi niya maiwasang manginig habang iniisip kung sino ang mga nasa likod ng pinto na ito.

Bumukas ang pinto at tumambad sa mga mata ni Lilac ang isang malawak na plataporma sa gitna na napapalibutan ng mga luklukan.


"KAMAHALAN, NANDITO NA ANG AKUSADO!"


Hinila si Lilac ng isang kawal papasok ng pinto. Nanatili siyang nakatayo muna habang iniikot ang paningin sa paligid. Nakatayo ang dalawang kawal sa kaniyang likod at ng mapansing hindi siya gumagalaw ay tinulak siya nito. Napaabante siya at muntik ng mawala sa balanse nguni't nagawa niyang makatayo ng maayos.

Itinaas niya ang kaniyang mga tingin at diretso itong dumapo sa isang malaking luklukan sa harapan niya na napapagitnaan pa ng dalawa pang luklukan. Sa magkabilang gilid ang prinsipe at ang reyna habang ang hari naman sa gitna na diretsong nakatingin sa kaniya.

Diretso lang ang tingin ni Lilac sa hari habang sinusubukang baliwalain ang presensya ng prinsipe. Sa mga sandaling ito ay sa kaniya nakatingin lahat ng mata. Ang lahat ng mga pinuno ng mga nobles mula sa lahat ng clan. Sa hanay ng mga Windsor ang ama ni Lady Lorelie Windsor at siya sa tabi nito. Si Lord Ramar para sa hanay ng mga Williams. Si Lord Eduard Vozenilek sa Vozenilek Clan at ang emperador ng Donnachaid Clan.

The Last SuccessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon