Pumikit si Lilac at pinakalma ang sarili. Inisip niya ang mga sinabi ni Professor Hidmer. Ipokus ang isipan sa isang bagay at 'wag pipigilan ang nararamdaman. Muling nagpakawala ng isang malalim na paghinga si Lilac bago sinimulang bigkasin ulit ang salitang, Eko-Eko Whiz.Si Shiyo Xanders naman ay nakatitig lamang sa bato na nasa ibabaw ng mesa ni Lilac habang hinihintay ang susunod na mangyayari. Nguni't wala namang nangyari sa bato.
"Bakit hindi ko magawa?"
Maktol ni Lilac na naiinis sa sarili. Napakamot naman sa kaniyang ulo si Shiyo na hindi niya rin alam kung ano ang gagawin para pagaanin ang pakiramdam ng dalaga.
"T-tama na ang ginawa mo ayon d-dito sa aklat." ani ng binata at tiningnan muli ang aklat na kaniya pang hinanap sa silid aklatan upang pag-aralan ang paggawa ng pixies. "Sabi ni Professor Hidmer, kailangan lang magpokus." dagdag nito at pinukulan ng tingin ang dalaga.
"Hindi ko maintindihan ano ang kulang sa ginawa ko. " muling pagmamaktol ni Lilac na naiirita na. Hindi niya malaman kung bakit siya pa ang naatasan ni Professor Hidmer na pag-aralan ang pixies. Ginawa din ito ng iba niyang mga kaklase nguni't hindi naman sila minamadali ng propesor. Si Lilac ang nais nitong makagawa agad ng pixies sa lalong madaling panahon.
"Siguro a-ay kailangan mong kalmahin muna ang sarili mo at...."
"At?"
"...a-at w-wag ka masyadong magsungit." napayuko si Shiyo at handa na para masigawan ni Lilac. Hindi niya mapigilang sabihin iyon dahil kanina pa hindi maipinta ang mukha ng dalaga.
"Anong sinabi mo?"
"N-nagbibiro lang ako."
"Tss. Subukan mo rin kayang gawin ito? "
"H-huh? H-hindi rin ako marunong gumawa niyan."
Tumayo si Lilac at tiningnan ang binata. "Sige na. Gawin mo na. Subukan mo na kaya."
"H-huh? K-kaso kasi h-hindi talaga ako marunong."
"Susubukan mo lang naman. Baka mas alam mo paano gawin. Ikaw nga itong may hawak ng aklat. Sundin mo ang nasa direksyon."
Napilitang napaupo si Shiyo at napatitig sa bato sa harapan. Napalunok siya. Labis-labis ang kaba ni Shiyo dahil hindi talaga siya marunong pa gumawa ng pixies. Nasa isip ni Shiyo na kapag sumobra ang kaniyang paggawa ay maaaring mapahamak siya at ang nasa malapit sa kaniya. Ang resulta ng di maingat na paggamt ng mahika ay ikapapahamak maaari. Kaya siya namamangha kay Lilac dahil kahit na hindi pa nito magawa ang pixies ng maayos ay nagagawa nitong pigilan ang maaaring pagkalabis ng mahika na maaaring magresulta sa pag sabog o di kaya malansang amoy.
"L-Lilac, b-baka mapagalitan tayo. N-nasa loob pa rin tayo ng Kamarchya at baka ay iba ang magawa ko. Mapagalitan tayo ni Professor Constance." kinakabahan pa ring tugon nito.
"Ano ka ba! Lalaki ka ba o hindi? Bakit napakaduwag mo? Kung ayaw mo edi umalis ka. Lalapit ka sa akin para makipagkaibigan pero natatakot ka pala gumawa ng mga bagay na ginagawa ko." bulyaw ni Lilac sa mukha ng binata. Nasindak naman si Shiyo sa naging tugon ng dalaga kaya nagsimula itong manginig.
"W-wag kang magalit. Nagmumukha kang dragon." mahinang wika nito.
"Ano? Anong sinabi mo?"
"Heto na. H-heto na, Lilac. Gagawin ko na." mabilis niyang wika at hinarap na ang bato. Hindi niya maintindihan nguni't hindi siya nakakaramdam ng takot kahit pa nagagalit ang dalaga.
BINABASA MO ANG
The Last Successor
FantasyKabilang si Lilac Vanidestine sa limang angkan na pumapalibot sa Sankori Kingdom. Labing siyam na taon ang nakakaraan, isang kagimbal-gimbal na digmaan ang nangyari dahilan ng tuluyan na pagkawala ng kaniyang angkan. Sa kagustuhang maipaghiganti ang...